CHAPTER 8

382 13 0
                                    

Chapter 8

-

-

-

-

-

"ANAK mukhang late ka nanamang papasok ngayong lunes? hindi ba yan makaka-apekto sa mga grado mo?" Nag-aalalang tanong ni Nanay ng tanghali na ay kumakain pa din ako.

"Na-late lang po talaga akong nagising ngayong araw Nay. Hindi na mauulit." Mahinang sagot ko.

Ayaw ko mang magsinungaling ay tinuloy ko na. Alangan namang sabihin kong ayaw kong pumasok sa course ni Sir Dreq dahil simula nung gabi na halikan niya ako ay hindi na iyon mawala sa malikot kong isip. Ilang araw man ang lumipas, ayon at ayon pa din ang naiisip ko, walang ibang laman kundi ang malikot na pangyayaring iyon. Kaya sinadya ko talagang mag palate ngayong araw para hindi ko makita si Dreq na nanghalik sa akin pero wala man lang sinabi tungkol doon bago ko siya ipagtulakan palabas ng kotse. Jusko kung binuksan niya ang usaping iyon baka mawala sa utak ko na magagalit si Tatay pag nalamang nakapunta ako sa malayong lugar.

"Hija? okay ka lang ba Phoebe? parang tuliro ka anak?" Nagaalalang tanong ni Nanay at kinapa pa ang noo ko.

"Maayos ang pakiramdam ko Nay, marami lang akong iniisip sa school." Mabilis kong pagkatwiran.

"Ganon ba? Siya, bilisan mo ng kumain at nang makapasok ka na." Paalala ni Nanay na tinanguan ko nalang, umalis naman ito at nagtungo sa sala.

Matapos kumain mabilis akong nag sepilyo at lumabas na ng banyo para hanapin si Nanay at makapag-paalam, wala si Tatay dahil may golf session iyon kaninang seven am at siguradong maglalunch na iyon kasama ng mga kumpadre niya. Nang hindi ko mahagilap si Nanay sa bahay dumiretso nalang ako sa aking sasakyan at umalis na ng bahay.

Nang makapasok sa classroom ay bumungad sa akin ang iiling iling na si Kent, Kung makatingin ay akala mo napakalaking kasalanan ang pagiging huli ko sa klase.

"Late ka na naman Rusiaña, na-enjoy mo ata iyan?" Bungad ni Kent sa akin ng makaupo ako sa tabi niya.

"Tinanghali na ko ng gising."

"Ano bang pinagkakapuyatan mo? lately parang constipated ka, may problema ba?" Halata sa boses nito ang pag-aalala.

"Ganon ba ka halata sa mukha ko na may iniisip ako?" Gulat kong tanong sa mahinang boses.

"Sobrang halata naman talaga mga reaksiyon mo." Malalim na pagpapakahulugan nito.

"Ang issue naman ng tono mo?" Natatawang tanong ko.

"Hindi ba issue ang nasa isip ko?" Nanghahamong saad nito. May pataas at baba pa ng kilay.

"Ha, Ano bang nasa isip mo at ganyan ka umasta?" Medyo kabado ko nang tanong. Sana naman hindi totoo ang sinasabi ni Kent na halata ako. Ayaw kong may maka-alam sa feelings ko especially hindi pa ako sure sa feelings na ito.

"Na late ka ngayon kase ayaw mong makita si Sir Dreq? I saw how you look left and right before entering this room and how you let out your sigh. You look nervous, That's how you look like Every time Sir Dreq is around." Mahinang bulong sa akin ni Kent habang dikit na dikit ang labi sa punong taenga ko.

Napalingon naman ako sa gawi ng mukha nito sa Gulat sa sinabi niya kaya naman muntikan ng magdikit ang aming mga labi kung wala lang humila sa braso ko sanhi para mapatayo din ako.

"Bakit mo naman siya hahalikan Kent?!" Inis na bulyaw ni Taki.

Napalingon ako sa kanya kaya naman tumama ang paningin ko kay Sir Dreq
na nakatayo sa gilid ng Teacher's desk. shit naman bakit nandito siya? breaktime namin ngayon, so bakit nandito siya at may dalang teaching materials? mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya ng makitaan siya ng ekspresyong hindi ko mapangalanan at may pag iling pa siya.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon