CHAPTER 4

556 13 0
                                    

Chapter 4

_

"NABUSOG KA ba Rusiaña?" Tanong ni Kledia sa akin. Lunch break ngayon at muli kaming magkasamang tatlo.

"Oo nga. Masarap ba ang luto ng nanny ko?" Tanong din ni Cris.

"Oo. Grabe sarap nitong puchero Cris pwede bang next Friday paluto ka ulet sa yaya mo? Pero sana ibang putahe." Walang hiyang suhistiyon ko. Jusko pagkain na ito mahihiya pa ba ako.

"Pwedeng pwede. Saka matutuwa si Nanny Jasmin kase hilig niya talagang magluto at ang mga papuri niyo ni Kledia sapat na para sipagin yun magluto." Ani Cris habang inaayos ang topper ware ng puchero at kain.

Katatapos lang namin kumain ng baon ni Cris ng pangtatluhang tao. Dahil nasa gilid kami ng soccer field kumain ay minabuti naming tumambay muna dahil may twenty minutes pa kaming nalalabing oras bago ang klase ko kay Sir Dreq.

"Malapit na pala ang prom night Rusiaña makakapunta ka ba?" Out of nowhere na tanong ni Cris.

"Ha? Oo lagi naman akong nasali sa mga ball." Tugon ko. "Ikaw Kledia?"

"Sasali pero walang ka date." Mapait nitong sagot.

"Crush mo si Kent diba? Edi ayain mo siya." Anas ko sa kanya.

"Ikaw naman ang crush non. Hmp."

"Edi si Calisto ang ayain mo. Crush mo rin yun diba? Tropa ko yun Kledia gusto mo ilakad kita?" Natatawang saad ni Cris.

"Nge? Sobrang hot naman non para sakin, saka patay na patay kay Rusiaña yon pag nakikita itong friend ko, tapos pag hindi naman kung sino sino ang babae" Mapait nanaman ang kanyang boses.

"E bakit sila ang crush mo?" Halos sabay naming tanong ni Cris na ikinatawa namin maliban kay Kledia.

"Ewan ko kay Calisto. Basta si Kent crush ko siya kase palagi niya kong nginingitian. Assuming ba ako? E pag si Rusiaña ang kaharap niya nakangisi lang siya tapos pag ako nakangiti talaga siya. Hays punyeta nung mga nagsasabing crush ni Kent si Rusiaña."

"Pupunta din si Kent kase siya nagsabi sakin, crush niya ko e." Natatawa kong sinabi.

"Siyempre except kay Kent. Ay ewan ano ba kase Cris may isang buwan pa bago ang prom bakit excited ka diyan? Kainis to!" Iritadong saad ni Kledia at nilantakan ang tinapay na ensaymada.

"Oops sorry." Anas ng pawis na pawis na lalaking umupo sa kaliwa kong upuan. Kami namang tatlo ay tinitigan siya ng may pagtataka.

"Anong ganap mo dito?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Sorry, I just need to lost someone after me." Hinihingal na saad nito at naghuhubad ng jacket.

"May inililigaw ka pero nandito ka at umuupo lang?" Nagtatakang tanong ni Cris.

"Yes bro. Medyo nakalayo narin kase ako kaya umupo na ako dito sa inyo para kunwari friends tayo." Natatawang paliwanag nito.

"Whatever." Anas ko at tumayo na para umalis na sinundan ng dalawa.

"By the way I'm  Tarius Kibo Monzavi. Taki for short." Habol sigaw niyo sa amin.

____________________

"RUSIAÑA I want you to call your new classmate in the registrar office. Pakibilisan niyong bumalik." Utos ni Sir Dreq pagpasok na pagpasok niya sa room.

Ang lalaking ito. Paano niya nakitang nandito na ako sa klasrum? E kapapasok niya palang sure akong hindi dumapo ang mga mata niya sa kinaroroonan ko.

"Why would I?"

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon