Chapter 2
UMAGA ng Linggo at sabay sabay kaming kumakain ng pamilya ko. Si Tatay ang nasa kabisera habang si Nanay naman ang nasa kanang bahagi ng lamesa at kaming dalawa ng bunso kong kapatid na lalaki ang nasa kaliwa mas malapit si Phoenix kay Tatay ang bunso kong kapatid.
"Hija ikaw ang magdasal para sa umagahang ito." Mahinhing utos ni Nanay sa akin.
"Opo Nay. Let's bow our head and close our eyes and feel the presence of our Lord. Lord thank you for giving this family a new day to give thanks to your awesomeness. Thank you for the food you gave us today may you bless the one who spend this meal and bless the hand of the one who prepared this food. Once again Our Lord thank you for the blessings in Jesus name we pray Amen." Mataimting panalangin ko para simulan ang araw naming pamilya.
"Magsikain na kayo." Hayag ni Tatay kaya nagsimula na kaming kumain.
"Phoebe kamusta ang second semester mo? Himala at wala kang inuuwing papel para i-check?" Tanong ni Nanay. Tuwing kumakain kami ng umagahan hindi mawawala ang pangangamusta nila sa mga pinaggagagawa ko.
"Ano. Okay naman Nay as usual ang pinagkaiba lang hindi na ako masiyadong inuutusang maguwi ng mga papel kase nga po nakiusap ako sa mga professor ko kung sakali hindi muna ako kukuha ng mga extra work kase gusto kong magfocus sa pagaaral ko." Paliwanag ko sa mga magulang ko kahit ang totoo ay tinatanggihan ko lang ang lahat ng professor na naguutos sa akin at syempre tinatanggihan ko ang isang professor kong paepal.
"Mabuti naman kung ganon. Jusko wala ka na pang laging pahinga dahil sa mga ganoong inuuwi mo buti naman naisip mo na ngayon ang sarili mo." Pagbuntong hininga ni Nanay.
"Ikaw Phoenix may kalokohan ka bang ginawa sa paaralan?" Si Tatay naman ngayong ang nagtanong sa bunso niyang anak. Tumitig sa akin si Phoenix bago siya nagsalita.
"Wala na Tay. Hindi ko na nga pinapansin ang mga nangaaway sakin pinagpe-pray ko nalang sila na sana maging mabait na sila." Napaka amo ng pagmumukha ng kapatid ko habang nagsasalita sa harap ng magulang namin samantalang noong Huwebes ay pinapunta niya ako sa school niya para sabihing may sinapak siya kaya't pinapatawag ang magulang niya pero ako ang nagpunta kase hindi matutuwa si Tatay kung siya ang pupunta.
"Mabuti naman at nagbabago ka na. Labing pito ka na kaya kailangan mo nang maging maunawain sa mga ganyang bagay." Paalala ni Tatay habang tumitingin tingin din sa akin. Kami naman ni Phoenix ay nagkatitigan muli.
"Bilisan niyo nang kumain at mamayang alas nueve ay aalis na tayo upang makatungo na sa simbahan." Utos ni Nanay.
Alas siete palang ng umaga pero kailangan bago mag alas otso ay nagaasikaso na kami para bago mag alas dies ay nasa simbahan na kami.
Ang pamilya ko ay isang Born Again Christian simula pa lang sa lolo lolohan ko kay mama ay Born Again na ang relihiyon nila samantalang dating katoliko ang Tatay ko at piniling maging isang Born Again Christian hindi dahil sa relasiyon nila Nanay kundi dahil ayun daw ang calling ni Lord sa kanya. Masasabi kong relihiyoso sila kaya buong huhay namin ng kapatid ko ay lumaki kaming may kinikilalang Diyos.
Pero, hindi maiiwasang makagawa ng salungat sa dapat gawin ng isang relihiyosong tao dahil sa karupukan pa naming magkapatid.
"Phoebe ikaw nalang ang hinihintay. Bakit ba lagi kang matagal?" Tawag ni Nanay sa labas ng kwarto ko.
Paano nga bat lagi nalang akong nagtatagal? Bilang isang modernong dalaga na moderno magsuot ng kasuotan nahihirapan pa din ako sa pagpili ng damit sa tuwing kailangan ko pumunta sa simbahan o pagkasama ko umalis ang mga magulang ko. Kahit anim na taon ko ng ginagawa ang pagsusuot ng balot na balot na damit hirap pa rin ako mamili ng magmumukhang pormal pero sexy pa din ako.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...