Chapter 38
*****
ILANG LINGO na umabot na ng buwan ata ang itinagal ng article na iyon sa social platform. Maliban sa Radiant News ay marami pa ang nadagdag na publishing news ang nagrelease ng article. Wala namang pinagkaiba parang copy and paste lang.
Sa loob ng panahong iyon ay walang nagsalita sa pagitan ng tatlong kampo, Tahimik ako, maging si Dreq at Celia ay walang naging respunde sa isyung iyon.
Nakakalungkot na pinatunayan ni Dreq na wala na talaga siyang pakealan sa akin. At habang nadadagdagan ang araw simula ng sabihin niya iyon ay mas lalo akong nagiging emosyonal, nagpapasalamat nalang ako sa pancakes na nagtatanggal ng negativity na bumabalot sa akin.
"Heo padala naman sa Finance ang mga papel na ito." Utos ko kay Heo ng pumasok na ito sa opisina ko.
May lumabas mang article ay parang normal lang kaming nagtatrabaho ni Dreq. We always see each other but we manage to ignore our presence. Aaminin ko, sa tuwing ganoon ang sitwasyon namin ay mas nagiging iyakin ako buti na lang at napipigilan ko.
"Okay Miss VP. Mamayang lunch ay may meetings ang board para sa pagalis ni Mr President sa kanyang pwesto at sa kumpanya." Paalala ni Heo na tinanguan ko lang.
Sa tuwing maaalala kong aalis na siya dito ay para akong nakalunok ng bato kapag nagbabara ang lalanunan ko dahil sa pinipigil na mga hikbi. Sa bawat araw na may ginagawa siya mas lalo kong nararamdaman na ipinagdidikdikan niya sa akin na ayaw niya talaga sa akin.
Magaling lang siyang bumayo pero putangina niya pa din.
"Kapag tinuloy mo itong pagalis aayaw na din talaga ako sayo, wala na din akong pakealam. Kahit kailan pabebe ka pa din." Umiiyak na hayag ko sa sarili.
Kahit umiiyak at nanlalabo ang mata ay nagawa kong idial ang numero ni Heo para magpabili ng pancake. Halos magda- dalawang buwan ko na iyong comfort food. stress na ata talaga ako.
"H-heo?" Hindi ko napigilang mapalakas ang pagtawag dito dahil sa panlalaban kong hindi mapahikbi. Pero fail naman, para akong batang ninakawan ng lobo dahil sa malakas na iyak na tawag ko sa pangalan nito. Nakailang hikbi pa ako.
"Miss VP umiiyak kapo?" Nagaalalang tanong nito na lalo kong iniyakan.
Totoo talagang kapag kinaawaan ka mas lalo kang maiiyak o magiging emosyonal, tulad ko nalang ngayon parang tangang umiiyak.
"K-kase, hik..hik... Nagugutom ako, kakakain ko lang naman ng breakfast pero parang hindi ako nabusog. I-ibili mo sana ako ng p-pancakes bago ka bumalik sa o-office." Umiiyak ko pang utos.
Napabusangot ako ng mahina itong natawa.
"Opo Miss VP." Tanging sagot nito kaya pinatay ko na ang tawag.
Kahit alam ko ng magkakaroon ako ng pancakes ay hindi pa din ako natigil sa pagiyak kaya naman binuksan ko ang phone ko para manood ng movie kaya lang mas nakakaiyak naman ang napanood ko. Minumura ko ang sarili ko sa aking utak dahil hindi ko sinasadyang ma pindot ang phone ko at napunta ako sa ending ng movie.
May monster, para maligtas yung nanay na bagong panganak at dalawa pang bata ay gumawa ng malakas na ingay yung tatay kaya naman siya yung inatake ng monster at pinatay.
Hindi ko na nasundan pa iyon nang lamunin ako ng mga iyak ko. Bakit ba ang drama ko nitong mga nakalipas na araw parang laging nanginginig ang lalamunan ko at handang pumalahaw ng iyak.
"Putanginang sad ending nanaman!" Iyak ko pa.
Napatingin ako sa pinto ng opisina ko ng marahas iyong bumukas, ganoon nalang ang gulat ko ng makitang si Dreq iyon.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...