Chapter 12
-
-
-
-
-
I'TS sunday morning and as usual in this day we are preparing for the sunday service at the church.
We still have four hours to prepare before the start of the service. so we are still sitting in the living room and just chatting about our previous days.
Minsan ang pinag-uusapan naming pamilya ay ang bagong properties na binili ni Tatay, minsan naman tinatanong nila Nanay ang ganap namin ni Phoenix sa school. But, most of the time we are talking about something stupid in the internet that really make us laugh.
"Maiwan ko muna kayo diyang mag-aama, magluluto na ako para sa umagahan." Anas ni Nanay saka tumayo at nagtungo sa kusina.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa naitanong ni Tatay ang late kong pag uwi noong nakaraang araw.
"Hija, siya nga pala, sino nga ulet ang guro mong naghatid sayo na nasiraan ng sasakyan?" Kunot noo nitong tanong.
"ayun ba Tay? si professor Dreq po." Mabilis kong sagot.
Nagtaka ako sa mas pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay ni Tatay.
"Dreq?" Tanong nito sa paraang gusto niyang dagdagan ko pa ang pangalan ng binanggit ko.
"Ah, Jemineah Dreq Tay." Tugon ko.
"Jemineah Dreq…Rocell?" Tanong pa ulet nito.
"Ano? Tatay hindi po, Jemineah Dreq lang po."
"Sigurado ka ba diyan anak? hindi siya yung anak ng may-ari ng school na pinapasukan mo?" Kuryosong tanong pa ni Tatay.
"Hindi nga po Tay, sa katunayan nga muntikan na siyang masesante e. Bakit po ba?" Nagtatakang sinabi ko.
Hindi na nasagot ni Tatay ang huling tanong ko ng sumigaw si Nanay mula sa kusina para sabihing handa na ang umagahan.
Matapos ang pinagsaluhan namin sa umagang iyon ay nagkanya kanya na kaming alis sa kusina upang tumungo sa aming mga kwarto upang makapaghanda na sa aming pag-alis patungong simbahan.
After my shower, I am now standing infront of my closet to find a clothes to wear.
"Kailan ba ako makakasoot ng mga damit na swack sa fashion style ko?"
Pagka-usap ko sa aking sarili habang iniisa isa ang mga damit na nakasabit sa loob ng aking closet.When I saw the above the knee fitted long sleeve dress ko na plain peach lang ang kulay ay kinuha ko na iyon para suotin. Nagdalawang isip pa ako kung susuotin ko ang dress na napili kong sukatin ng makitang medyo mababa pala ang neckline niyon.
"Hays, pagnakita ito ni Tatay baka ilibing ako ng buhay non." Nanghihinayang na saad ko.
Pero dahil bet ko talaga ang simpleng dress na ito na ngayon ay suot suot ko na ay naghanap ako ng kwintas na maaring ipang terno sa dress upang hindi gaanong mahalata ang mababang neckline niyon. Thinking of using a tube is a big no for me.
Matapos ang sampung minutong pagpili ng alahas ay apat ang napili kong suotin.
Ang isa ay ang plain gold chain choker na una kong sinuot, pangalawa naman ay ang maikling gold necklace na may pendant na naka-embroid ang brand na LV, Pangatlo ay ang kwitas na abot sa cleavage ko na may disenyong pinagdurogtong na eggshells na may kulay na gold, silver at bronze, ang pang huli sa lahat ay isang simpleng mahabang gold necklace na walang kahit na anong disenyo o pendant at makapal lang ang width.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...