Chapter 30
*****
DALAWANG araw pa ang nilagi namin sa iloilo sa bahay ni Lolo Fabian dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa din nakukumbinsi ang matanda na ipagbili ang kanyang lupa. Maayos naman ang trato niya sa amin pero kapag ipinapasok na namin ang usapan patungkol sa lupa ay naiinis at nawawala sa kood ang matanda.
Nanatili pa din kami dahil sabi ni Dreq ay malapit ng bumigay ang matanda sa sipag at tiyagang pinapakita niya dito. Hinayaan ko siya sa plano niya, maliban sa baka mabili na nga namin ang lupa may mga pagkakataon pang mas nalalapit ako sa kanya.
It's just like Im hitting two birds in one stone. Hmm, nasama pa talaga ang kalandian ko sa trabaho!
We are gaining the trust of lolo Fabian so it is easy for him to lend his land to us. He will never regret trading it to us.
At sa mga araw na tinagal namin sa ilalim ng pangangalaga nito ay napalapit na din kami sa kanya. Minsan nga naiisip ko tuwing gabi na ayaw kong iwan si lolo Fabian mag-isa sa bahay niya dahil masiyado na siyang matanda para manirahan mag-isa kailangan niya ng tao na magbabantay at sasama sa kanya.
"Rusiaña tara na." Aya sa akin ni Dreq.
Nasa labas kami ng bahay at naghihintay ng tricycle. Pupunta kami ni Dreq sa bayan para mamili ng mga pagkain para mamaya. Si lolo Fabian naman ay busy sa paglalaro ng chess sa kanyang bahay kasama ang kanyang matalik na kaibigan.
Mabilis akong pumasok sa tricycle na sinundan ni Dreq. Dahil sa maskuladong katawan nito, para kaming sardinas sa loob ng trycicle na nagsisiksikan.
"Sa likod ka na ng driver umupo, ang sikip." Reklamo ko dito, kahit kase payat ako wala pa ding silbi dahil sa lapad ng katabi ko.
"I want to be here, this close to you." He whispered that sent shiver down my spine.
Natuod ako at hindi na nagsalita. When he's flirting with me, I got driven right away by his pick up lines. So unfair.
"Kuya sa bayan pamilihan po." Magalang na utos ni Dreq ng hindi na nakatanggap ng kahit anong salita mula sa akin.
Ilang minuto din ang inabot namin dahil sa layo ng bayan. Sumakit pa nga ata ang puwetan ko dahil sa malubak lubak na daanan mula sa bahay ni Lolo Fabian patungo dito sa palengke.
Umikot kami sa palengke at naghanap ng mga bibilhin na nailista na ni Lolo Fabian. Nang makita namin ang mga bagay na pinabibili niya ay binili na namin iyon. Umikot ikot pa kami para maghanap ng bilao. Kung saan nahirapan kaming hanapin kaya naman nagtanong tanong kami.
Lahat ng tao na pinagtatanungan namin ay itinuturo ang likod ng palengke. Doon daw ang bilihan ng mga bilao kaya ayun ang tinahak naming daan ni Dreq.
"Ang dami nating pinamili. Ayaw mo ba talagang tulungan kita? Mapuputol na ata iyang daliri mo sa dami ng hawak mong plastic." Nag-aalalang tanong ko.
"Don't mind me, Ang gaan lang naman nito." Sagot ni Dreq sa akin na kinairap ko. Tutulong lang naman ako, ang damot!
Narating namin ang likod ng palengke kaya hinanap nalang namin ang pwesto ng nagtitinda ng bilao.
"Doon, may nakita akong naka-display." Aya ko kay Dreq at inunahan na ito sa paglalakad.
"Ale, may bilao po kayo? small size lang po." Agad kong tanong sa nakabantay.
"Meron, Dalawang daan lang maam." Anas nito.
"Sige po, kukunin namin." Saad ko saka kumuha ng pera sa wallet na dala ko.
"Last na 'to diba? Mag-aabang na ako ng tricycle." Sabi ni Dreq at bumaba na para makapunta sa kalsada.
Pagtapos ko makuha ang bilao at sukli ay nilapitan ko na si Dreq. Hinampas ko ito ng malakas ng maabutan ko itong nakatulala kung saan. Mag-aabang daw ng tricycle sa taas naman nakatingin.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...