CHAPTER 22

860 56 13
                                    

Napailing si Hale nang makauwi siya sa bahay at naabutan niya si Diwata na paikot-ikot sa harapan ng salamin. Nakasuot ito ng maluwang na t-shirt na sigurado niyang nakuha nito sa lalagyan niya ng damit. Wala naman kasi itong ibang damit kaya puro t-shirt niya ang isinusuot nito saka jersey na short. Kaya siya umuwi ng maaga ngayon ay para yayain itong magtungo sa mall upang bilhan ito ng mga gamit nito. Kailangan nito iyon dahil wala naman itong ibang dalang gamit buhat nang mapunta ito sa poder niya.

Nagulat pa si Diwata nang mapalingon ito sa kanya. namimilog ang mga mata nito at napatigil sa pag-ikot-ikot sa harapan ng salamin.

“H-hale? K-kanina ka pa ba riyan?” tila nahihiyang tanong nito. Pinigilan niya ang mapangiti. Nakakatawa kasi ang itsura nito kanina. Waring nagtanggal siya ng bara sa lalamunan.


“Kadarating ko lang,” sagot niya at umikot upang kuhanin ang jacket niya na nakapatong sa gilid ng kama ni Diwata. Naiwan niya pala ito doon kaya ilang araw na niyang di nakikita ang paborito niyang jacket.

“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong nito sa kaniya.

“Bibili tayo ng mga damit mo para hindi puro damit ko ang ginagamit mo,” sagot naman niya. Nalukot ang noo nito.

“Pero ayos lang naman ako na magsuot ng mga damit mo ah? Sa totoo lang ay mas komportable pa nga ako kapag ganito,” sabi nito at muling pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin.

“Ayaw mo ba? Bibili nga tayo saka para makapamasyal na rin tayo.”

Ngumiti siya dito. Dahil sa ngiti niyang iyon ay sinalat-salat ni Diwata ang noo at pisngi niya. Napakumot ang noo niya dahil sa ginawa nito.

“What are you doing?” nagtatakang tanong niya pero seryoso lamang ang mga mata nito habang sinasalat pa rin ang mukha niya.

“Nilalagnat ka ba Hale? Ang dalas mo kasing ngumiti ngayon eh!” sabi nito. Napabuntong-hininga siya at hinimas ang sentido niya. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito.

“Tss! Halika na aalis na tayo!” sabi niya rito at hinila ang kamay nito. Nagpatangay naman ito sa pagkakahila niya at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng suot nito. Maluwang ang t-shirt na suot nito at kulay black iyon, nakasuot din ito ng jersey short na hanggang tuhod kaya hindi niya maiwasan ang matawa habang pinagmamasdan ito ng tingin. Ang suot nitong tsinelas ay iyong tsinelas din niya na air jordan, mukha itong tibo pero mas okay na iyon sa kaniya para hindi ito masyadong pansinin ng mga kalalakihan.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya at sumakay na ito roon. Nang makasakay siya sa loob ay agad niyang pinaharurot paalis ang sasakyan paalis.

Sa SM sila nakarating at nagkamali siya sa inaasahan niyang hindi papansinin ng mga tao si Diwata dahil pagbaba pa lang nila ng sasakyan ay may mangilan-ngilang tao na ang napapasunod ng tingin sa kanila, nagtataka tuloy siya kung bakit sila sinusundan ng tingin ng mga tao.

“Hale bibili ba talaga tayo ng mga damit ko? Gastos lang ‘yun eh, puwede naman akong umuwi sa bahay namin tapos kukuha lang ako ng damit. Hehehe!" bulong ni Diwata sa kaniya sabay angkla nito sa braso niya. Napatingin siya doon pero hindi siya tumutol at hinayaan lang itong nakakapit sa kaniya habang naglalakad sila sa loob ng mall.

“No, hindi kita hahayaang umuwi sa bahay mo lalo na kung nandoon ‘yung gago mong asawa. Wala akong pakialam kung gumastos ako o kahit bilhin pa natin itong buong mall,” saad niya.

“Huh? Bakit mo naman bibilhin itong buong mall? Anong gagawin mo dito?”

Napahimas na lang siya sa sentido niya, sigurado kasi na kung sasagutin niya pa ang mga tanong nito ay baka kulang ang isang buong araw sa lawak ng nararating utak nito.

Nagtungo sila sa bilihan ng mga damit.

“Pumili ka na ng mga damit mo, bilis!” utos niya rito kaya kumalas ito sa pagkakaangkla sa braso niya.

Sinunod naman siya nito at hindi na nakipagtalo sa kaniya pero nagtaka siya nang mabilis itong bumalik bitbit ang isang pirasong damit. Namimili rin siya ng para sa kaniya nang bigla siya nitong kinalabit.

“Tapos na ko Hale,” nakangising sabi nito sa kaniya at ipinagmayabang pa ang isang damit na napili nito. Kumunot ang noo niya at tinanggal ang suot niyang shades.

“Bakit isa lang ang dala-dala mo?” takhang tanong niya pero kumunot lang ang noo nito.

“Eh dapat ba marami?” tanong nito sa kaniya. Pumalatak siya at namaywang. Imbes na sagutin niya ang tanong nito ay sinenyasan niya ang isang saleslady para lapitan sila nito.

“Sir, may kailangan po kayo?” tanong ng saleslady sa kaniya.

“Yes, pakipilian naman siya ng pinakamagandang mga damit na babagay sa kaniya. Pakibigay sa kaniya lahat ng sa tingin mo ay maganda. I'm sure marami naman kayong maganda rito hindi ba?” taas ang isang kilay na sabi niya sa saleslady.

“K-kahit gaano po karami Sir?” hindi makapaniwalang tanong ng saleslady.

Halatang nagtatakha ang mukha nito.

“Kahit maubos pa ang buong paninda niyo.”

Naningkit ang mga mata niya rito at mabilis naman na napatango ito sa kaniya dahil sa tono ng sarkastikong pananalita niya.

“R-right away Sir. Ma'am sumama po kayo sa akin,” nakangiting baling ng saleslady kay Diwata. Lumingon pa muna si Diwata sa kaniya.

“Go on,” sabi niya at sumunod na nga ito sa saleslady. Nagtingin-tingin na lang din muna siya ng mga mabibili habang hinihintay si Diwata.

After 20 minutes ay bumalik na ang mga ito. Nagbabasa-basa siya ng magazine sa isang sulok. Bitbit na ni Diwata ang maraming paperbags at maging ang saleslady na kasama nito ay hindi rin magkamayaw dahil sa dami ng bitbit nito.

“Sir ito po ang lahat ng napili ko para sa kaniya,” anang saleslady sa kaniya. Tiningnan niya si Diwata at ngumiti ito sabay taas pa sa mga bitbit nitong paperbags. Itinuro ng saleslady sa kaniya ang counter kaya naman dali na siyang nagtungo roon upang magbayad. Pati ang cashier ay hindi niya maintindihan kung bakit abot ang tingin nito sa kaniya at pati kay Diwata, para bang punong-puno ito ng pagtatakha.

“78,850 pesos po sir,” anang cashier sa kaniya. Mabilis niyang kinuha ang card niya at inabot iyon sa kahera. Natigilan pa ito pagkabasa sa pangalan niya na nasa card.

“K-kayo po si Mr. Frommette, iyong may-ari ng Frommette Imperial Bank?”

Bigla na lang sumingit si Diwata sa gilid niya at ito ang sumagot sa babae.

“Ah hehe oo siya ‘yung—”

Tinakpan niya agad ang bibig nito bago pa nito ituloy ang kadaldalan.

Kinaldkad na niya si Diwata matapos niyang mabayaran lahat ng napamili nitong damit kanina.

“Hale bakit mo tinakpan ang bibig ko kanina? Ayaw mo bang malaman ni ate na ikaw naman talaga ‘yung may-ari ng Imperial Bank?”

“Frommette Imperial Bank,” pagtatama niya. Ayaw niyang malaman pa ng babae dahil ayaw niyang mag-usyoso pa ito sa buhay niya, itsura pa lang nito kanina ay halata ng intrimitida. Wala siyang panahon sa ganoong bagay.

“Ang dami mong tanong babae, maghanap na lang tayo ng makakainan. I'm fucking hungry!” wika niya at naghanap ng puwede nilang makainan habang bitbit niya ang mga paperbags ng napamili nitong mga damit. Sa gwapo niyang ito ay hindi niya akalain na magmumukha siyang alalay ngayong araw, pero imbes na mahiya at mainis siya ay hindi niya alam kung bakit tila masaya pa at magaan ang pakiramdam nya. Iba ang pakiramdam niya ngayon at sigurado siya sa sarili niyang nararamdaman niya lang ito kapag si Diwata ang kasama niya.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon