Hindi alam ni Diwata kung ano ang mararamdaman niya habang nasa kandungan niya ang asong si Hail. Ang tagal nilang hindi nagkasama buhat noong umalis siya, mabuti na lang at hindi ito nagkasakit. Kahit hindi sila magkasama ni Lee ay mukhang hindi naman nito pinabayaan ang aso niya. Malusog pa rin ito at masigla. Nawala na ito sa loob niya dahil sa sobrang dami ng mga iniisip niya nitong mga nakarang araw. Ang daming naging problema kaya hindi niya naalala si Hail.
“I'm so sorry baby Hail. Hindi man lang kita naalala. Ayoko kasing bumalik dito sa bahay dahil ang sama ng ugali ng asawa ko. Sorry talaga ha? Hayaan mo babawi na lang ako sa iyo. Magkakasama na tayo ulit. Mamaya dadalhin kita doon sa kapangalan mo, kay Hale na malaki. Hehehe!”
Hinimas-himas niya ang aso habang nakangiti.Nakapag-ayos na siya ng mga gamit. Balak niyang alisin na lahat ng gamit ni Lee sa bahay nila. Ang problema niya ay masyadong madami iyon at wala man lang siyang katulong sa paghahakot. Sana kasi ay pumayag na lang siya kanina noong sinabi ni Hale sa kaniya na sasamahan siya nito.
“Bakit ba kasi ang daming gamit ni Lee?” nakangusong sabi niya. Alas-singko na ng hapon at sa buong araw na nandito siya sa bahay nila ay si Hail ang tanging kausap niya. Salita lang siya ng salita kahit alam niyang hindi naman ito sasagot.
Tagaktak na rin ang pawis niya sa noo.Biglang bumukas ang pintuan ng bahay kaya nagulat siya nang bumungad sa kaniya si Hale. Nakasuot ito ng longsleeve na itim at tila may lakad ito.
“H-hale?!”
Agad na nagliwanag ang mukha niya pagkakita rito.Bakit parang kumikislap-kislap ito sa paningin niya? Ganoon ba ka-gwapo si Hale para sa kaniya? Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang tangkad ni Hale at mas lalong nagpa-gwapo rito ang suot nito.
“Sinusundo na kita,” sambit ni Hale habang nakatingin sa kaniya. Inilibot nito ang mga mata sa paligid.
“Anong ginawa mo? Bakit ang daming gamit na nakalabas?” nagtatakhang tanong ni Hale sa kaniya. Napatingin siya sa kung anong tinitingnan nito.
“Ah, mga gamit ‘yan ni Lee. Gusto kong alisin na rito,” sagot niya. Halatang nagulat si Hale nang tumingin ito sa kaniya. Pinagmasdan siya nito.
“You look exhausted. Bakit hindi mo sinabing ganito pala ang gagawin mo? Sana ay natulungan kita at sinamahan,” ani Hale sa kaniya. Humakbang ito at lumapit sa kinauupuan niya. Lumuhod ito habang titig na titig sa mukha niya. Napatingin rin siya sa mukha nito. Napalunok siya nang mapako ang mga mata niya sa labi nito.
Bakit ganito ang feeling? Gusto na naman niyang halikan si Hale.
Nababaliw na yata siya.Iniwasan niya ang tingnan ito pero hinuli ni Hale ang mga mata niya at pilit siyang hinarap nito.
“What's wrong?” kunot-noong tanong nito sa kaniya.
“B-bakit ka ba ganiyan kalapit sakin Hale? N-nahihirapan ako...” hirap niyang sabi sa binata. Mas lalo naman itong nagtaka dahil sa sinabi niya.
“W-what?”
“Sabi ko nahihirapan ako. Y-yung labi mo kasi—”
Natigilan si Hale at nakita niyang gumalaw ang labi nito. Maya-maya ay sumilay ang ngiti roon.
“Do you want to kiss me?” tanong nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.
“H-ha? H-hindi. M-may kailangan pa kasi akong ayusin,” utal-utal na sabi niya at akmang tatayo na sana pero pinigilan siya ni Hale. Bumaba ang asong si Hail sa kandungan niya at nagtatakbo na ito palayo. Sinundan niya ito ng tingin. Gusto niyang ibaling doon ang atensyon niya pero naghuhumerentado na ang puso niya dahil sa sobrang lapit ni Hale sa kaniya.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...