Mabilis na lumipas ang isang buwan, isang hindi magandang balita ang bumungad kay Diwata.
Nakalaya daw si Lee Amielles. Ang kaniyang dating asawa.
“What the fuck? Mabigat din naman ang pinataw nating kaso sa hayop na iyon ah? Bakit nakalaya pa rin?” iritang tanong ni Hale sa kabilang linya.
Noong isang linggo pa pala nakalaya si Lee dahil nakapag piyansa ito. May binayaran daw itong mataas na tao kaya nagawa pa rin nitong makalaya.
“This is unbelievable! Kailangang maibalik sa kulungan ang gagong iyon. Hindi naman ako papayag na umaligid na naman siya kay Diwata ngayong nakalaya na siya,” ani Hale sa kabilang linya. Sa tantiya niya ay si Damon ang kausap nito.
Hindi pa siguro napapansin ni Hale na nasa likod siya nito. Marahan niya itong hinawakan sa balikat. Gulat itong napalingon sa kaniya. Nanlulumo ang mga mata nito.
“I'm sorry...” malungkot nitong sabi sa kaniya.
Oo nga at nalulungkot din siya sa nangyari pero wala naman siyang magagawa kung tuluyan na ngang nakalaya si Lee. Hindi naman gusto ni Hale iyon at alam niyang ginawa nito ang lahat para lang matulungan siya. Sadyang madulas lang talaga ang dating asawa niya. Hindi niya alam kung bakit napakadami pa rin nitong koneksyon.
“Hayaan mo na Hale. Wag ka ng magalit diyan.”
Yumakap siya at sumiksik sa dibdib nito. Naramdaman niyang hinagod nito ang buhok niya.
“Wag kang mag-alala. Gagawa pa rin ulit ako ng paraan para maibalik siya sa kulungan,” sabi ni Hale sa kaniya. Tumango na lang siya dito.
“Wag mo na siyang isipin Hale. Wag ng mainit ang ulo mo,” wika niya at tiningala ito. Nakita niyang nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga.
“I just can't believe that this is happening. But I'll be okay,” mahinang tugon nito sa kaniya.
Hinalikan nito ang noo niya at napapikit na lang siya dahil doon.
“Anyway, may kailangan akong puntahan ngayon sa opisina. Okay lang bang maiwan ka muna dito?” tanong ni Hale sa kaniya.
“Oo naman,” mabilis niyang tugon. Wala namang problema kung maiwan man siya ditong mag-isa. Isa pa ay may balak siyang gawin ngayong araw, mabuti na lang at saktong aalis pala si Hale. Alam niya kasi na kung sasabihin niya dito ang gagawin niya ngayong araw ay tiyak na hindi ito papayag.
Balak niyang pumunta sa mansyon nila. Nabanggit niya kay Hale ang pananatili roon ng ina ni Lee at gusto nga nito na paalisin doon ang nanay ni Lee pero naaawa siya dito. Baka kasi wala naman itong ibang matirhan lalo pa at nakakulong si Lee noon. Kahit na nalaman niyang hindi siya nito tanggap ay naaawa pa rin siya dito. Kahit na labis siya nitong nasaktan ay hindi niya pa rin magawang magalit ng sobra sa ginang. Pero ngayon na nakalaya naman na ang anak nito, siguro naman ay puwede na itong umalis sa bahay na pag-aari ng mga magulang niya.
Nang makapagbihis si Hale ay humalik muna ito sa pisngi niya.
“Babalik ako before lunch. Sabay tayong kumain okay? Wag ka ng magluto, ako na lang ang bibili ng pagkain,” ani Hale sa kaniya. Tumango naman siya dito. Napansin nito na parang tahimik siya.
“Hey, what's wrong baby?” puna nito sa kaniya.
“H-ha? W-wala. Hehe, sige hihintayin kita mamaya,” sagot niya kay Hale.
Ngumiti ito nang makita nito ang ngiti niya. Hindi na ito muling nagtanong pa. Mukha nga talagang may importante itong kailangang gawin dahil nagmamadali ito.
“Alright. I gotta go.”
Sinundan na lamang niya ng tingin si Hale nang lumabas ito ng pintuan.
Nagpalipas muna siya ng labing limang minuto bago siya nagdesisyon na lumabas ng bahay. Hindi na siya nagpalit pa ng damit. Nakasimpleng pajama lang siya at t-shirt.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...