CHAPTER 42

1.2K 74 6
                                    

Pasulyap-sulyap si Hale kay Diwata habang papauwi sila ng bahay niya. Nalaman niya ang lahat-lahat mula dito. Ikinuwento iyon ni Diwata sa kaniya. Tahimik ito ngunit nababasa niya ang labis na kalungkutan sa mga mata nito. Nag-aalala tuloy siya para dito. Hindi niya akalain na ganoon pala kasama ang pamilya ng dati nitong asawa. Pinatay ng mga ito ang magulang ni Diwata dahil lang sa pera. Maraming tao talaga ang nasisilaw sa salapi at makasarili. Hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao. Katulad na lang ni Lee, sa pagkakaalam niya ay kababata pa ito ni Diwata pero hindi nito pinahalagahan iyon dahil sa pansariling kagustuhan na makamit ang kayamanan ng pamilya Roa.

Ginagap niya ang kamay ni Diwata. Lumingon ito sa kaniya. Malungkot ang mga mata.

“Everything will be okay baby,” mahina niyang sambit at hinalikan ang kamay nito. Pinilit nitong tumango sa kaniya.

Pagdating nila sa village ay pinagbuksan niya ito ng pintuan ng sasakyan noong nasa tapat na sila ng bahay niya. Inakbayan niya ito papasok sa loob.

“Are you hungry?” tanong niya pero umiling lang si Diwata.

“Wala akong ganang kumain Hale,” sabi nito. Batid niya na dahil sa mga nangyari kaya ito walang gana.

“What's your plan?” tanong niya kay Diwata. Hinila niya ito at naupo sila sa couch.

“Hindi ko alam Hale. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa sakin ni Lee iyon at ng magulang niya. Ang tanga ko!”

Mabilis niya itong niyakap. Umiyak ito sa dibdib niya. Masakit na masakit ang loob nito at nararamdaman niya iyon pero napakabuting tao pa rin nito dahil binigyan pa nito ng pagkakataon na huwag munang ipakulong ang ina ni Lee alang-alang sa anak nito. Napakabuting tao ni Diwata at wala siyang masabi kundi ang tanga ng mga taong ginamit lamang ito para sa sariling interes. Diwata has a heart of gold. Nagsisisi siya kung bakit hindi sila nagkakilala agad, hindi na sana nito kailangan pang mauwi sa Lee Amielles na iyon. Hindi na sana ito nasaktan pa ng ganito.

Hinagod lamang niya ang likod nito nang magsimula na itong humikbi.

“M-mommy. D-dad...”

Parang maiiyak na rin tuloy siya dahil sa basag na tinig nito. Ang sakit marinig ng boses nito na punong-puno ng hinanakit. Alam niya kung gaano nito nami-miss ang mga magulang nito. Kapag nasasaktan ito ay parang pinipiga rin ang puso niya. She doesn't deserve this kind of pain. Bakit si Diwata pa?

Hinayaan lamang niya ito sa mga bisig niya. Buong araw ay nakakulong lang sila ng bahay. Hindi na siya pumunta sa opisina kahit may dapat siyang asikasuhin doon. Ayaw niyang iwan si Diwata sa ganitong sitwasyon. Mabuti na lang ay kumain ito noong gabi na. Akala niya ay wala na itong balak kumain buong araw.

Natulog sila ng magkatabi at hindi niya ito iniwanan.

Kinabukasan ay nagising sila dahil sa doorbell. Sunod-sunod iyon kaya naman madali siyang nagtungo sa labas. Nagulat pa siya nang makita niya roon ang kapatid ni Lee. Iyong mas bata.

“What are you doing here?” kunot-noong tanong niya dito. Kakagising lang kasi nila at pupungas-pungas pa siya.

“Leerah?” ani Diwata mula sa likod niya.

“A-ate...”

Tumingin ang kapatid ni Lee sa likod niya kung nasaan si Diwata.

Malungkot ang mga mata ng kapatid ni Lee kaya nagtaka sila.

“A-anong ginagawa mo dito?” ulit ni Diwata sa tanong niya kanina.

“W-wala na po si Kuya,” sambit nito. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ng babae. Umagos ang luha sa mga mata nito. Tiningnan niya si Diwata at shocked din ito sa narinig.

“Binawian na siya ng buhay kagabi pa,” nakayukong sabi ni Leerah.

———

Hindi alam ni Diwata kung ano ang magiging reaksyon niya dahil sa balitang inihatid sa kanila ni Leerah. Kahapon lang ay galing pa siya sa mansyon at kahapon lang rin niya nalaman ang lahat. Hindi niya akalain na kinagabihan ay babawian na pala ng buhay si Lee. Napakabilis ng mga pangyayari. Bumitaw na ito kaagad.

Napalunok siya habang nakatingin sa kapatid ni Lee. Niluwag niya ang pagkakabukas ng gate at niyakap ito. Mas kasundo niya kasi ito kaysa kay Lee Ann. Umiyak ito ng umiyak sa balikat niya.

“S-sorry ate! S-sorry...” humahagulgol na sabi nito.

“Shh! Tahan na, Leerah...” sabi niya habang hinahagod ang likod nito.

“Kasalanan namin ito. Siguro ito na yung karma dahil sa ginawa ni Inay sayo sa kabila ng pagiging mabuti mo sa amin. Patawarin mo kami ate!”

Sunod-sunod lamang ang pag-iling niya. Alam niyang hindi ginusto ni Leerah ang ginawa ng magulang nito.

“Wala kang kasalanan Leerah, alam kong hindi mo kagustuhan ang mga nangyari,” sabi niya.

“S-si Kuya, doon na lang daw siya sa lumang bahay namin ibuburol ate. Aalis na kami sa mansyon ninyo. Babalik na kami sa dati naming bahay,” sabi ni Leerah.

“Pero hindi ko naman kayo pinaaalis doon.”

“Mas mabuting umalis na kami doon dahil hindi naman kami ang may-ari niyon, isa pa ay malaki ang kasalanan ni Inay sayo, nagpunta lang ako dito para ipaalam sayo ang nangyari at para ibigay sayo ito.”

Tiningnan niya ang nasa kamay ni Leerah. Iyon ang susi ng bahay nila.

Inabot ni Leerah iyon sa kaniya.

“Kunin mo na ito ate. Aalis na rin ako,” sabi ni Leerah at hindi na nito hinintay pa na makapagsalita siya. Umalis na nga ito. Hinabol niya ito pero pinigilan siya ni Hale.

“Wag mo na siyang habulin, Diwata. Hayaan mo na siya,” ani Hale sa kaniya.

“Pero—”

“You need to take a rest. Kumain ka muna. I know na gusto mong puntahan ang burol ni Lee. Sasamahan kita doon,” sabi ni Hale. Salamat at naiintindihan siya ni Hale. Kahit papaano ay gusto pa rin niyang makita ang dati niyang asawa. May pinagsamahan naman din sila kahit na sinaktan siya nito. May mga panahon na naging mabuti pa rin naman ito sa kaniya, iyon nga lang ay nabulag ito sa tukso. Hindi niya alam kung totoo nga bang minahal siya ni Lee o kung may pag-ibig nga ba talaga ito sa kaniya. Baka kasi napilitan lang ito noon dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya. Kasi kung totoong mahal siya nito, dapat ay hindi siya nito niloko.

“Halika na sa loob,” ani Hale at iginiya na siya nito pabalik sa loob ng bahay.

Naupo siya habang sapo ang buong mukha.

“Ang bilis niyang bumitaw,” sabi niya kay Hale.

“Maybe dahil sapat na para sa kaniyang inamin ng magulang niya ang mga kasalanan nito sa iyo. Siguro ay pagod na rin siya at gusto na niyang magpahinga,” sabi ni Hale.

Ipinaghanda siya nito ng gatas at sinangag.

Itinabi niya muna ang susi ng bahay ng mga magulang niya bago siya kumain.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon