CHAPTER 09

903 58 17
                                    

It's been 6 months simula nang pumanaw ang Lola ni Hale ngunit sariwang-sariwa pa rin ang sugat sa puso niya. Ang tanging taong naging kakampi niya sa lahat ay iniwan na rin siya dahil sa sakit nitong colon cancer. Ang lola niya ang lagi niyang tagapagtanggol sa tuwing pinagmamalupitan siya ng kaniyang ama. Mabigat ang loob niya sa kaniyang ama simula nang mamatay ang mommy niya dahil sa pambababae nito. Simula noon, sa tuwing magtatagpo ang landas nila ng kaniyang ama ay laging may gulong nangyayari. Galit siya rito. Galit na galit siya dahil kasalanan nito kung bakit na-depress ang mommy niya at humantong sa kamatayan. Napakasakit para sa kaniya ng pagpanaw nito at hindi niya matanggap na sa kabila ng pagiging mabuting babae nito ay nagawa pa itong lokohin ng tarantado niyang tatay.



Mapait siyang napailing. Simula ng mawala ang Mommy niya ay madalas na rin siyang maging moody. Tila pasan niya ang daigdig. Tanging si Damon nga lang ang nakakapang-alaska sa kaniya dahil kabisado na nila ang isa't isa at malapit talaga silang magkaibigan.



Mabuti pa ang isang iyon, mukhang walang problema sa buhay kundi ang pagiging torpe lang nito. Samantalang siya, tila ayaw ng maghilom ng sugat sa puso niya dahil sa pang-iiwan sa kaniya ng mga mahal niya sa buhay. Napapagod na siyang mag-isa. Ayaw na niya ang ganitong pakiramdam.


Bigla siyang napatingin sa kawalan.



Kung hindi lang niya iniwan ni Diosah, siguro ay hindi ganito kabigat ang mundo para sa kaniya. Baka kung hindi siya umalis para mag-aral sa Amerika ay sila pa rin hanggang ngayon. Dahil sa pagiging sunud-sunuran niya sa kaniyang ama noon ay nagkahiwalay sila ni Diosah. Diosa was his first love. Halos higit sampung taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagiging nobya simula ng maghiwalay sila nito. Nakakatawa dahil alam niyang hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang puso niya na makikita niya ito pero wala na siyang naging balita dito simula ng umuwi siya sa Pilipinas at makatapos ng kolehiyo.



He's wondering if his ex girlfriend is already married. He wanted to see her again pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Napabuntong-hininga na lang siya at kinuha ang susi ng sasakyan niya na nakalapag sa ibabaw ng center table. Pupunta siya ngayon sa puntod ng mommy at lola niya. Dadalawin niya ang mga ito ngayon.



Tahimik siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa kaniyang kotse. Agad siyang sumakay doon at pinaandar iyon.



Palabas pa lang siya sa malaking gate ng bahay niya nang mapansin niya yung wirdong babae na naglalakad at palinga-linga sa labas ng bahay niya. Napatingin ito sa sasakyan niya nang tuluyan na siyang makalabas sa gate.



Napakunot ang noo niya.



Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito dito?



Pinaandar niya ang sasakyan patungo sa puwesto nito at agad naman itong tumili.



"Aaaaah! Waaaag!" sigaw nito sa kaniya at iniharang pa ang dalawang kamay na animo'y takot na takot ito.



Tss. Ang OA naman nito. Mukha bang sasagasaan niya ito?



Binukas niya ang bintana ng sasakyan at dumungaw doon.



"Hoy wirdong babae, anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko?" tanong niya rito.



"Jericho-"



"Tigilan mo 'yang kabaliwan mo. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako si Jericho?" putol niya sa pagsasalita nito. Alam niyang ipipilit na naman nito na siya si Jericho Rosales at naiirita na siya sa tuwing tinatawag siya nitong Jericho dahil hindi naman iyon ang pangalan niya at hindi talaga siya si Jericho Rosales.



"P-puwede ka bang makausap?" mahinhin ang boses na tanong nito sa kaniya. Napataas ang kilay niya. Tama ba ang narinig niya? Gusto siya nitong makausap?

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon