“What do you prefer? Coffee, milk, or hot chocolate?”
Nakatayo si Hale habang pinagmamasdan ang babaeng kasama niya ngayon at inuwi sa kaniyang bahay. Nakaupo ito sa malaking sofa habang yakap-yakap ang dalawang tuhod at nanginginig sa lamig. Pinahiram niya ito ng tuwalya at malaking t-shirt na pag-aari niya para makapagpalit ito ng damit kanina. Wala naman kasi siyang damit na pambabae.
“Hey, I'm talking to you. Are you listening to me?” untag niya kay Diwata pero tulala lamang ito at tila malalim ang iniisip. Nanginginig pati ang ibabang labi nito kaya naman nakaramdam siya ng pag-aalala. Sinalat niya ang pisngi nito at noo.
“Fuck! Nilalagnat ka ah!” kunot noong sabi niya at agad na tumalikod para timplahan ito ng hot chocolate saka kumuha na rin siya ng gamot na biogesic sa medicine cabinet niya. Matapos niyang makuha iyon ay inabot niya ito agad kay Diwata.
“Uminom ka muna nito para mainitan ang sikmura mo. Tapos isunod mo itong gamot. Tsk! Ano ba kasing naisip mo at nagpakabasa ka sa ulan?”
Sa tanong niyang iyon ay tumingin sa kaniya si Diwata. Malamlam ang mga mata nito at halata mo ang labis na kalungkutan.
“M-may anak ang asawa ko sa ibang babae. A-ayaw sa akin ng magulang niya...” mahina nitong sambit. Kumunot ang noo niya dahil sa narinig. Alam niya ang tungkol sa pagkakaroon ng asawa nito ng anak sa ibang babae, dahil noong unang magtagpo ang landas nila ng gagong iyon ay narinig niya ang usapan nito at ng babae nito. Pero ang tungkol sa huling sinabi ni Diwata ay hindi niya iyon maunawaan.
“Ayaw sayo ng pamilya ng asawa mong gago? Eh bakit kayo ipinakasal?”
Namaywang siya matapos abutin ni Diwata sa kaniya ang tasa ng mainit na tsokolate.
“Narinig ko ang usapan ng Nanay niya kanina at ng babaeng nabuntis niya. Naroon sila sa mansyon kaya umalis na lang ako. Hindi ko kaya. Ang sakit-sakit marinig ang lahat ng iyon Hale lalo na sa mga taong akala ko ay totoong mahal ako!” malungkot na sabi nito sa kaniya.
Nakaramdam siya ng habag dito at tila nanginig ang laman niya dahil sa narinig.
Pati ang magulang ng gagong iyon ay niloloko rin pala si Diwata, at kinukunsinti nito ang katarantaduhan ng anak. Napailing siya at pumalatak.
“Lahi nga pala ng gago pati ‘yang pamilya ng asawa mo eh. Nasaan sila?”
“Naroon sila sa mansyon na pag-aari ng magulang ko. Umalis kami doon ni Lee at tumira sa SRV kasi gusto ni Lee na doon kami tumira kaya hinayaan na lang namin iyon na tirhan ng pamilya niya.”
Nasapo niya ang sariling noo.
“Ano? Ikaw pa ang umalis sa sarili mong bahay matapos mong marinig ang kawalanghiyaan ng ina ng magaling mong asawa? Tangina naman! Dapat sila ang pinaalis mo ‘dun dahil niloloko ka nila!” inis niyang wika sa dalaga. Yumuko lamang ito.
“H-hindi ko kayang gawin iyon Hale. Naaawa ako sa kanila–”
“At sila naawa ba sila sayo? Ilang beses ka ng niloko ng asawa mo pero nakunsensya ba sila?”
Inis na inis siya ngayon. Hindi rin niya alam kung bakit siya ang laging nakakasaksi ng kagaguhan ng asawa nito.
Bumukas ang pintuan ng bahay nya at sabay silang napalingon doon ng bigla na lang pumasok si Damon at may bitbit pa itong kahon ng pizza.
“Wazzaaap–”
Bigla itong napatigil nang makita nito na kasama niya si Diwata sa loob ng bahay.
“Oh may bisita pala ang best friend ko,” ani Damon at tumingin kay Diwata sabay ngiti.
“Anong ginagawa mo dito Damon-yo?”
“Ano ba namang tanong ‘yan mahal kong kaibigan? Hindi mo ba nami-miss ang mahal mong best friend? Dinalhan kita ng pizza oh,” sagot nito at inangat pa ang kahon ng dala nitong yellowcab pizza.
“Ano ‘yan suhol?” tanong niya rito.
“Anong suhol ang sinasabi mo diyan? Wala akong atraso sayo ha! Kung ayaw mo eh ‘di huwag mo. Sungit nitong Impyerno na ‘to!”
Ngumuso si Damon at bumaling kay Diwata.
“May magandang binibini pala dito sa bahay mo. Anong may’ron?” tanong sa kaniya ni Damon at nagtaas-baba ang kilay habang nakangisi. Tangina talaga ng gunggong na ito. Ano na naman kaya ang iniisip nito?
“Wala kang pakialam gago!” singhal niya rito pero hindi iyon pinansin ni Damon at lumapit ito sa tabi ni Diwata.
“Hi cute!” bati nito kay Diwata. Pinilit ngumiti ni Diwata dito.
“H-hi,” ganting bati ni Diwata. Napailing na lang siya at bumuntong-hininga.
“Tumayo ka nga diyan at lumayo sa kaniya. Baka mamaya mahawa pa ‘yan sa kagaguhan mo!”
“Ito naman! Masyado kang masungit, parang binati lang eh,” reklamo ni Damon sa kaniya at muling bumaling ng tingin kay Diwata.
“A-ano palang ginagawa mo dito sa bahay ni Jericho Ro– aray naman!”
Agad niyang binatukan si Damon bago pa nito ituloy ang sasabihin kay Diwata.
“Dito muna ako pansamantala kasi ayokong umuwi samin. Galit ako sa asawa ko.”
Medyo nabigla siya sa sinabi ni Diwata pero hindi niya pinahalata iyon. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit at kahit na sinabi nitong galit ito ay ang amo pa rin ng mukha nito.
“Tss. Huwag mo ngang kinakausap ang gunggong na iyan, Diwata. Wala ka namang dapat ipaliwanag sa gago na ‘yan eh,” pagkontra niya sa usapan ng dalawa.
“Alam mo ikaw ang KJ mo! Parang nagkukwentuhan lang naman kami ah,” ani Damon sa kaniya at nakipag-usap pa nga ito kay Diwata. Nagpakilala pa ito na akala mo naman ay ganoon kainteresado ang kausap nito. Tila ba may sariling mundo ang dalawa habang nag-uusap. Nakatingin lang siya sa mga ito habang nakakunot ang noo.
“Gusto ko ng pizza. Puwede bang makahingi niyan?” tanong ni Diwata habang umiinom ng tsokolate at nakatingin sa kahon ng pizza na inilapag ni Damon sa center table.
“Oo naman kumuha ka lang. Para sayo naman talaga yan, ‘di ba Damon?” aniya at pinandilatan ng mata si Damon. Hindi siya ang tinatanong ni Diwata pero siya ang sumagot niyon.
“Ah, hehe oo naman cutie. Kuha ka lang ng pizza para sa iyo talaga ‘yan at hindi ‘dun sa makapal ang kalyo sa muk– aray ano ba?!”
Muli niyang binatukan si Damon kaya ang sama ng tingin nito sa kaniya.
“Nag-aaway ba kayo?” inosenteng tanong ni Diwata at nagpapalit-palit ng tingin sa kanila ni Damon.
“H-ha? H-hindi ha! Sa katunayan ay nagmamahalan nga kami niyan ni Hale.”
Ngumisi si Damon sa kaniya at sinamaan lang niya ito ng tingin. Kumuha si Diwata ng pizza matapos buksan ni Damon ang box niyon.
Umakma siyang kukuha rin pero inawat ni Damon ang kamay niya.
“Oh akala ko ayaw mo? Ang sungit-sungit mo sakin tapos kukuha ka ngayon niyan?”
Sinimplehan niya ito ng middle finger habang busy sa pagkain si Diwata.
Nginisihan lang siya ni Damon.
“Diwata aalis na rin ako kasi dumaan lang talaga ako dito para idaan ‘yan. Ubusin mo lahat ‘yan ha at wag mong bibigyan si Hale kasi ayaw niya ‘yan. Sayo lang yan,” nakangiting sabi ni Damon at tumingin sa kaniya sabay ngisi. Napakawalanghiya talaga ng kaibigan niya na ito. Diniin pa talaga ang pagkakasabi ng SAYO LANG YAN kay Diwata.
“Layas!” pagtataboy niya rito at itinuro ang pintuan ng bahay niya.
“Aalis na talaga ako mahal kong kaibigan. Mwah!” ani Damon at nag-flying kiss pa sa kaniya bago. lumabas ng pintuan.
“Damn you!” pahabol na sabi niya dito. Tumawa lamang ito.
“Thank you so much bro!” humahalakhak na sagot nito.
Tuluyan na itong nakalabas at naiwan sila ni Diwata sa loob habang busy pa rin ito sa pagkain. Naupo siya sa isang sofa kaharap nito at pinanood ang dalaga. Akmang kukuha siya ng pizza dahil natatakam siya sa paraan ng pagkain nito habang naka-indian-seat at dalawang kamay pa ang may hawak ng pizza pero bigla siya nitong pinigilan.
“What?” gulat na tanong niya at napatigil sa pagkuha niyon.
“Ang sabi ni Damon sa akin lang daw yan,” sagot nito sa kaniya.
Fuck! Fuck! Fuck!
“Nagugutom ako bakit ayaw mo akong bigyan? Wag ka ngang nakikinig sa kampon ni satanas na lalaking iyon!” inis na wika niya at pinilit kumuha sa kahon ng pizza pero mabilis na inilayo iyon ni Diwata sa kaniya.
“W-what the fuck? Bakit ang damot mo?”
“Sinusunod ko lang naman ‘yung bilin niya sakin eh!”
Tila batang paslit ito habang nagdadamot sa kaniya at isiniksik sa tabi nito ang kahon ng pizza. Napahimas na lamang siya sa sentido niya habang pinagmamasdan ito.
Walanghiya talaga ang Damon na ‘yon eh!
Napailing siya at tinitigan ito sa mukha. Tumingin naman ito sa kaniya at hindi niya napigilan ang matawa nang mapagmasdan itong mabuti. May bahid ng tsokolate ang ibabaw ng labi nito dahil sa pagkakainom nito niyon.
“Pfft...”
Tumingin ito sa kaniya dahil sa pagpipigil niya ng tawa.
“B-bakit ka tumatawa diyan?” takhang tanong nito sa kaniya.
“Look at your lips. Pfft. Mukha kang bata,” naiiling na sabi niya. Dumila naman ito sa itaas ng labi at agad naintindihan ang sinabi niya. Napalunok siya habang nakatingin dito.
Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil sa paraan ng ginawa nitong pag-alis ng tsokolate sa ibabaw ng labi.
“Fuck Hale! Umayos ka nga!” inis na sabi niya sa sarili habang nakatingin sa ibang direksyon. Mahina lamang iyon. Hindi niya alam kung bakit nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniya ang simpleng pagdila nito sa labi. Damn it!
Tumayo siya at lumabas ng bahay dahil ayaw naman siya nitong bigyan ng pizza.
“Hale saan ka pupunta?” tanong nito sa kaniya.
“Bibili ng isang truck na pizza tutal ay ayaw mong magbigay!” sarkastikong sabi niya. Namilog naman ang mga mata ni Diwata.
“H-ha? Ang dami naman niyon. Kaya mong ubusin iyon Hale?”
Pffft. Tangina talaga.
Napailing na lang siya at hinimas ang sentido niya. Lumabas siya ng bahay at iniwan itong kain ng kain. Bibili talaga siya ng pizza ngayon dahil bigla siyang nag-crave dito.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...