“Masama ba ang pag-aasawa?” tanong sa kaniya ng isip-batang babae. Hindi siya makapaniwala. Ganito ba talaga ito kawalang-muwang sa mundo? Nasaan ba ang mga magulang nito? Wala man lang bang gumagabay sa mga desisyon nito sa buhay? Malinaw sa kaniya na may mali sa pag-iisip nito. Hindi sa sinasabi niyang baliw ito pero tila hindi ito normal katulad ng ibang babae.
“Hindi mo alam? Pinasok mo ang buhay ng pag-aasawa tapos wala kang alam sa kung ano ang pinasok mo?” inis niyang wika. Humaba naman ang nguso nito habang nakakunot ang dalawang kilay. Napatingin siya sa labi nito kaya nag-iwas siya ng tingin.
“Stop it,” suway niya at bumaling ng tingin sa kawalan.
“H-ha? Anong stop it?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“You’re tempting me,” naiiling na sabi niya sa mahinang boses at humalukipkip. Hindi naman nito pinansin ang sinabi niya dahil hindi nito narinig iyon. Naramdaman niya na tinusok nito ang braso niya.
“What?” kunot ang noong tanong niya at napilitan na muling tumingin sa mukha nito. Naiinis siya sa nararamdaman niya ngayon. This is weird!
“Gusto kong maintindihan ‘yung sinasabi mo tungkol sa asawa ko. Sigurado ako na ‘yung nanay niya ang nakita mong hinalikan niya noong time na ‘yun.”
Pinilit nitong ngumiti sa kaniya.
Seriously?
Ilang beses na nga niyang nakita na may kasamang babae ang gunggong nitong asawa eh. Iyon ba ang sinabi ng lalaking iyon sa babaeng ito? Na nanay nito ang sinasabi niyang nakita niyang kahalikan nito noong gabi sa party?
Napahimas siya sa noo niya at tumitig sa mukha ng babae. Nakatingin lang din ito sa kaniya at naghihintay ng sasabihin niya.
“Look, niloloko ka ng asawa mo and I’m telling the truth. It’s up to you kung maniniwala ka sakin or hindi, basta ako sinabihan kita. ‘Yon lang ba ang gusto mong malaman?” tanong niya sa babae. Natahimik ito at nilaro-laro ang daliri.
Napailing siya at inangat ang baba nito dahil nakayuko ito. Muling nagtama ang paningin nila at hindi niya alam kung bakit parang piniga ang puso niya nang makita niya na nanggigilid ang luha sa mga mata nito.
Shit!
She’s crying.
“Pero mahal ako ni Lee. Hindi niya ako kayang lokohin. Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito lolokohin?” mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Muling piniga ang puso niya dahil sa binitawan nitong salita.
Iyon na nga eh. Paano nito naging asawa ang gunggong na lalaking iyon na halata namang niloloko lang ang babaeng ito?
“M-maybe, he don’t really love you,” aniya rito.
“Mahal ako ni Lee!”
“Then why the hell do I need to explain? Kung ‘yan naman pala ang paniniwala mo eh walang saysay ang pakikipag-usap mo sa akin.”
Tumingin siya sa kawalan.
“Wag mong paniwalaan ang gusto mo lang paniwalaan. At wag mong pakinggan kung ano lang ang gusto mong pakinggan,” dagdag niya.
Hindi umimik ang babaeng kaharap niya. Ilang minuto ang lumipas at tahimik pa rin ito. Humakbang na siya paalis para bumalik sa sasakyan niya at umuwi.
“Sorry po sa ingay namin ha, Lola and Mommy ni Jericho.”
Napalingon siya sa babae at nakita niya itong nagsasalita sa harap ng puntod ng lola at mommy niya. Yumuko pa ito habang nagso-sorry. Napakamot na lang siya sa ulo at napailing.
“Baliw talaga!” inis na wika niya at nakita niya itong humakbang na rin paalis. Hinabol siya nito.
“Sandali lang!” tawag nito sa kaniya. Sumakay siya sa loob ng sasakyan at hinintay itong makalapit.
“What?”
“Wala akong dalang sasakyan. Iiwan mo ba ako rito?” tanong nito sa kaniya.
“Malamang hindi. Sakay na!” utos niya rito. Ngumiti naman ito at tumango sa kaniya. Umikot na ito at sumakay sa tabi niya.
“Thank you Jericho–”
“Hale ang pangalan ko kaya puwede bang tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Jericho?” putol niya sa sinasabi nito.
“H-ha? Hale ang pangalan mo? Niloloko mo ba ko?”
Kumunot ang noo nito sa kaniya.
Tangina! Siya pa raw ang nanloloko ngayon? Mukha bang trip-trip lang ang pangalan niya? Baka ito ang nanti-trip sa kaniya dahil ipinangalan nito ang pangalan niya sa isang aso! Tsk!
“Hale Vandrous is my name,” aniya rito. Umawang ang labi nito at nagliwanag ang mukha.
“Wow! Kapangalan mo pala ang baby Hail ko,” parang bata na sabi nito. Umasim ang mukha niya dahil doon. Proud pa talaga itong sabihin sa kaniya iyon?
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaandar ang kotse.
“Anong naisipan mo at Hail ang ipinangalan mo sa aso mo? ‘Yung totoo? Matagal mo ng alam ang pangalan ko at siguro ay ginagago mo lang ako,” aniya rito at nilingon ito sa gilid niya. Tahimik lang ito habang palinga-linga sa nadadaanan nila.
“A-ako ba ang kausap mo?” tanong nito sa kaniya.
“Bakit may iba pa ba akong kasama dito?”
Lumingon ito sa likod at tila may hinahanap.
“What are you doing?”
“Nagtatanong ka kasi kung may iba ka pa bang kasama dito. Hello? May iba pa ba kaming kasama dito?”
Geez!
Napahilamos na lang siya sa mukha niya habang umiiling.
“Tss. Half-witted!” naiiling na bulong niya at hinimas ang noo niya habang seryosong nagmamaneho.
Ilang sandali pa ay napadaan sila sa simbahan.
“Uy, Hale! Daan tayo sa simbahan!”
Tinuro nito ang simbahan na kanina niya pa nakita.
“What? Ikaw na lang. Madami pa kong kailangang asikasuhin. Masyado mo ng sinasayang ang oras ko babae.”
Inihinto niya ang sasakyan para ibaba na ang babae.
“Diwata ang pangalan ko at hindi babae,” pagtatama nito sa kaniya.
“What ever it is. I don’t care. Bumaba ka na,” sabi niya rito.
“Tumatanggi ka sa simbahan?” parang gulat na gulat na sambit nito sa kaniya.
“Hala ka masama ‘yun Hale! Halika na sandali lang naman tayo eh!”
Hinila nito ang kamay niya. Ayaw nitong bitawan ang kamay niya at halos kaladkarin na siya nito pababa ng kotse niya.
“Halika na!” pangungulit nito sa kaniya. Hindi pa ito nasiyahan at umikot pa ito at tumapat sa kaniya sa labas ng sasakyan niya para pilitin siya. Muli nitong hinila ang ang kamay niya.
“Fine! Just let me go!” inis na wika niya. Nakukunsensiya siya sa sinabi nito kanina tungkol sa pagtanggi niya sa simbahan.
Ang liit na babae tapos ang lakas ng boses. Tss! Nahihiya na siya sa mga taong napapadaan at tumitingin sa kanila at isa na rin sa dahilan iyon kaya napilitan na siyang pumayag dito.
Pumasok sila sa loob ng malaking simbahan. Marami-rami ng tao sa loob. Nag-sign of the cross ang babae bago pumasok habang siya ay tuloy-tuloy lang sa loob.
“Doon tayo!” bulong nito sa kaniya at hinila siya sa hindi masyadong mataong puwesto.
Naupo sila roon at nakinig sa pari.
Ilang minuto din siyang boring na boring at tila uugatin na sa kinauupuan niya. Bakit ba kasi ang tagal ng misa? Hindi siya palasimbang tao at wala nga siyang alam sa mga nangyayari.
Nang kumanta ang pari ng ama namin ay ang babae pa ang nagtaas ng dalawang kamay niya kasi ganoon daw ang dapat na gawin habang kumakanta at sumasabay sa pari.
Napabuntong-hininga na lang siya at naging sunud-sunuran dito.
Tiningnan niya ito sa gilid niya at ngumiti lang ito sa kaniya. Ang amo ng mukha nito. Namalayan na lang niya ang sarili na nakatitig na pala dito. Kinalabit lang siya nito dahil pinauupo na daw sila ng pari. Napakurap siya at naupo.
Shit Hale! Anong nangyayari sayo?
“Uy, okay ka lang?” untag nito sa kaniya.
“Mukha ba akong okay? Uuwi na ako,” sabi niya rito.
“Malapit ng matapos ang misa. Mamaya ka na umuwi. Wala akong sasakyan eh. Hindi ba’t taga SRV ka rin naman?” bulong nito sa kaniya. Inilayo niya ang tainga niya rito.
“Ano ngayon? Ginagawa mo akong driver.”
“Hehe, driver ka naman talaga.”
“What? Nang-iinis ka ba?”
“Eh ‘di ba ikaw yung nagmamaneho sa sasakyan? Anong tawag mo ‘dun?”
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.
“Can you just shut up your fucking mouth?”
“Ano ka ba? Bakit ka nagmumura nasa loob ka ng simbahan!” sermon nito sa kaniya.
“Ang daldal mo. Tumahimik ka kasi!”
“Okay.”
Pagkalipas ng ilan pang minuto ay sa wakas natapos na rin ang misa. Nagmamadali siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng simbahan.
“Hale!” habol ng babae sa kaniya. Hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy lang siyang lumabas hanggang sa makasakay siya sa loob ng kotse niya. Paglingon niya ay nakita nya itong bumibili ng cotton candy sa mamang nagtitinda niyon sa labas ng simbahan.
“Tangina talaga,” mahina niyang bulong habang nakatanaw dito.
“Bilisan mong maglakad!” lukot ang mukhang sabi niya rito habang hinihintay itong makapasok sa loob ng kotse. Sa wakas ay naglalakad na ito at tapos ng bumili. Nakangisi pa ito sa kaniya. Parang bata ito habang kumakain ng cotton candy. Napailing na lang siya.
Nang makasakay ito sa loob ng kotse niya ay pinaharurot niya agad ang sasakyan paalis.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...