CHAPTER 26

858 57 8
                                    

“Ano tatayo ka na lang diyan?” inis na tanong ni Hale nang nasa tapat na sila ng gate ng bahay ni Diwata.

“Okay na ako dito Hale. Salamat sa paghatid mo sa akin,” sagot naman nito sa kaniya nang may pag-aalinlangan sa mga mata. Ramdam niyang tila kinakabahan ito. Hindi niya lang ito basta hinatid. Balak niya talaga na kausapin ang asawa nitong si Lee.

“Ihahatid kita hanggang sa loob. Gusto kong makausap ‘yung asawa mo,” wika niya rito.
Bakas ang pag-aalangan sa mga mata ni Diwata at alam niyang tutol ito sa gusto niyang mangyari pero wala na siyang pakialam. Nandito na siya. Ipaglalaban niya ang pag-ibig niya para kay Diwata.

Hinawakan niya ang kamay nito at binuksan niya ang gate ng bahay. Hindi iyon naka-locked kaya malamang na nasa loob ang gunggong nitong asawa.

“H-hale, anong ginagawa mo? P-pwede bang hayaan mo na lang muna ako na makipag-usap kay Lee?” ani Diwata sa kaniya habang naglalakad sila sa loob ng malaking bahay nito.

“Bakit? Gusto kong marinig kung ano man ang maging desisyon ng gago mong asawa. Paano kung saktan ka niya?”

“Hindi niya ako kayang saktan—”

“How can you be so fucking sure about that? He cheated on you multiple times, hindi pa ba pananakit ang tawag doon?”

Hindi kumibo si Diwata dahil sa sinabi niya. Yumuko lamang ito. Nang nasa loob na sila ng bahay nito ay tahimik doon at walang tao.

Agad na hinagilap ng mga mata niya ang asawa nito pero walang Lee na bumungad sa kanila mula sa ibaba ng bahay.

Baka nasa itaas ang gunggong.

Naupo muna siya sa malaking sofa at pinagmasdan si Diwata na nakatingila sa hagdan ng bahay.

Malalim ang iniisip nito at nababasa niya ang lungkot sa mga mata nito.

“Are you nervous?” taas ang isang kilay na tanong niya dito, pero bago ito makasagot ay nakarinig sila ng pagsara ng pintuan mula sa isang silid sa itaas.

Bumuntong-hininga siya nang makita ang asawa ni Diwata.

Nakita agad nito si Diwata at kitang-kita niya ang ngiti sa labi nito pero agad na napawi iyon nang makita siya ni Lee.

Nalukot ang noo nito at madaling bumaba sa hagdanan.

“S-sweetheart? Anong ginagawa dito ng lalaking iyan?” nagtatakang tanong nito kay Diwata at masama ang tingin na ipinukol nito sa kaniya.

Iniwasan niya itong tingnan nang bigla nitong niyakap si Diwata. Masakit sa mata ang ginawa nito at kung pwede nga lang ay baklasin niya agad ang mga braso nito sa dalaga pero kailangan niya munang magtimpi ngayon.

“Lee, may importante akong sasabihin sa iyo,” mahinahon na sambit ni Diwata kay Lee. Napabuntong-hininga na lang siya.
Pasulyap-sulyap sa kaniya si Lee pero hindi siya nito magawang sugurin dahil abala ito sa kadadating lang na asawa.

“Kakausapin ka raw ni Diwata para sa pakikipag-hiwalay niya sayo,” iritableng wika niya. Hindi na siya nakapagpigil sa gunggong. Tiningnan niya si Diwata at bakas ang pagkabigla sa mga mata nito dahil pinangunahan niya ito. Ganoon din si Lee na halatang shocked pero pinilit nitong pawiin iyon.

“Anong pinagsasasabi mo?” tanong ni Lee sa kaniya.

“Bakit hindi mo tanungin si Diwata? Gusto na niyang makipaghiwalay sayo dahil sa mga panloloko mo sa kaniya,” saad niya dito. Nakita niyang binitawan ni Lee si Diwata at humakbang ito palapit sa kaniya. Halatang inis ito.

“Sige lumapit ka. Mukhang hindi pa magaling ‘yang mga sugat mo, ingat ka,” banta niya rito. Napatigil naman ito mula sa paghakbang at salubong ang mga kilay na dinuro siya nito.

“Siguro nilalason mo ang isip ng asawa ko. Puwede bang tigilan mo na kami? Mag-asawa kami at kahit anong gawin mo hindi mo kami mapaghihiwalay!” galit na sabi ni Lee sa kaniya. Napangisi siya at umiling. Tumayo siya sa kinauupuan niya at ipinalakpak ang mga kamay. Agad naman na lumapit si Diwata sa kanila.
Puno ng pag-aalala ang mga mata nito.

“Bakit hindi si Diwata ang tanungin mo?” aniya kay Lee. Tumingin naman si Lee kay Diwata.

“Nilalason ba ng lalaking ito ang isip mo? Hindi mo nga kilala ang lalaking ‘yan. Huwag kang magpadala sa mga sinasabi niya sayo. Tini-take-advantage ka lang niya,” ani Lee.

Ang sarap lang suntukin ng gago. Siya pa ngayon ang binabaliktad nito. Alam na alam nito ang ganoong klaseng gawain palibhasa ay iyon talaga ang ginagawa nito kay Diwata. Sinasamantala nito ang pagiging inosente ng asawa kaya ganoon lang kadali para dito na lokohin ito.

“Mabait si Hale at inalagaan niya ako noong mga panahong wala akong mapuntahan dahil pati ang nanay mo ay ayaw sakin. Narinig ko ang usapan nila ng babaeng nabuntis mo. Hindi pala totoo ang lahat ng ipinakita sa akin ng nanay mo. Hindi niya ako tanggap para sayo at ayaw niya sakin.”
Nabasag ang tinig ni Diwata at tila siya ang nasaktan pagkarinig niyon. Batid niyang nasasaktan ito ngayon.

Ilang sandali na hindi nakapagsalita si Lee dahil sa mga sinabi ni Diwata. Kapagkuwan ay bigla na lang itong umiling at hinawakan ang magkabilang braso ni Diwata.

“Sweetheart, makinig ka sa akin. Tanggap ka ni Inay, mahal ka niya at kaya rin kitang alagaan. Pangako magbabago na ko. Huwag kang nakikinig sa lalaking iyan, sinisiraan niya ako sayo pati na ang pamilya ko!” galit na sabi ni Lee.

Ngani-ngani niya itong suntukin sa mukha pero pinigilan niya ang sarili niya. Napakagaling gumawa ng mga kasinungalingan ng lalaking ito. Sanay na sanay sa kawalanghiyaan.

“Lee, hindi ko na kayang makisama sayo. Ayoko na. Ayokong sirain ang buhay ng anak mo. Kailangan ka niya. Kailangan nya ng buong pamilya,” sabi ni Diwata. Nagulat si Lee dahil sa sinabi nito, siya naman ay nanatiling nakatayo habang nakahalukipkip.

“S-sweetheart, nagbibiro ka lang hindi ba? Hindi totoong makikipag-hiwalay ka sakin? Kaya ko namang sustentuhan ang bata eh, ikaw ang asawa ko hindi mo ako pwedeng hiwalayan!”

“Bakit hindi? Hindi pa ba sapat iyong mga panggagago mo sa kaniya para hiwalayan ka niya?” sabat niya sa usapan. Muli siyang nilingon ni Lee at ang sama ng tingin nito sa kaniya.

“Manahimik ka Frommette! Alam kong may gusto ka sa asawa ko kaya mo ginagawa iyan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayong hindi ko siya hihiwalayan,” sagot nito sa kaniya.

“Ano ngayon kung gusto ko ang asawa mo? Huwag mo akong hamunin Amielles dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!” banta niya rito.

Inambaan siya ni Lee ng suntok pero ibinaba niya agad ang kamao nito.

“Sige subukan mo, nang manghiram ka ulit ng mukha sa aso!” mariin na wika niya rito.

“Tama na tumigil na kayo!” awat sa kanila ni Diwata kaya pareho silang napatingin dito.

“Umalis ka na rito Frommette, baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita!” banta sa kaniya ni Lee.

“Hindi ako aalis dito nang hindi ko kasama si Diwata,” sagot niya. Nagulat si Diwata dahil sa sinabi niya.

“H-hale, anong sinasabi mo?”

“Hindi kita iiwanan dito sa taong ito. Asawa mo nga itong gunggong na ito pero hindi mo pa naman siya lubusang kilala. Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin niya sayo,” wika niya kay Diwata.

“Tarantado ka! Umalis ka sa bahay ko!” sigaw sa kaniya ni Lee.

Hinila niya ang kamay ni Diwata pero hinawakan lang siya nito sa kamay at nagsusumamo ang mga mata nito sa kaniya.

“H-hale, hayaan mo muna ako. Aayusin ko muna ito. Please, hayaan mong ako ang umayos,” malungkot na sabi nito sa kaniya. Nababasa niya ang pagmamakaawa doon. Kahit inis na inis siya at ayaw niya itong hayaang maiwan mag-isa ay napilitan na rin siyang tumango dito. Bumuntong-hininga muna siya bago tumalikod at humakbang palayo. Minsan niya pang nilingon si Diwata bago sya tuluyang lumabas ng bahay. Nagtitiwala siya rito. Alam niyang kahit papaano ay bukas na ang isip nito sa kung anong nangyayari at dapat gawin.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon