“Anong problema Frommette at himalang nagtungo ka rito ngayon nang hindi ka namin pinipilit?” bungad ni Primo sa kaniya nang makapunta siya sa clubhouse. Kasama nga nito si Damon na agad siyang sinalubong at ibinaba ang hawak nitong tako sa pagbibilyar. Tinapik siya nito sa balikat. Malawak ang ngisi nito kaya inasiman lang niya ito ng mukha. Bakit nakakairita ang pagmumukha nitong Damon-yo na ito at tila laging may hatid na hindi maganda sa buhay niya? Allergy na yata siya sa kawalanghiyaan ng kaibigan niyang ito pero aaminin niyang kahit ganoon eh hinahanap-hanap din naman niya ang prisensya nito.
“Anong problema my friend?” tanong din sa kaniya ni Damon.
“Wala, masama na bang puntahan kayo dito ngayon?” balik niya at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa. May hawak na baso ng alak si Primo at ngumiti lang ito sa kaniya sabay iling.
“Hmm, nakakapanibago lang kasi Frommette,” sagot nito.
Kumuha agad siya ng alak at lumagok niyon.
“Nag-away ba kayo ni pretty Diwata?” tanong sa kaniya ni Damon habang sinisipat-sipat nito ang bola ng bilyar.
“Sinong pretty?” usyoso ni Primo kay Damon. Ngumisi lang si Damon at tumingin sa kaniya.
“May inuwi kasing babae ‘yang kaibigan natin Primo. Nagbibinata na eh!”
Humalakhak si Damon at tinira ang bola.
Sinamaan lamang niya ito ng tingin.
“Tarantado!” sabi niya at umiling-iling.
Biglang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari kaninang umaga. Nabubwisit pa rin siya kapag naaalala niyang tinawag ni Diwata na sweetheart yung asawa nito
Tsk! He know that it's weird but he can't help it. Naiinis talaga siya at hindi niya maitago iyon.
“Hoy Fromette! Natulala ka na diyan? Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sakin, nag-uuwi ka na pala ng babae ngayon,” ani Primo sa kaniya.
“Oo bro, binata na ‘yan si Hale.”
Muling humalakhak si Damon.
“Alam mo kapag hindi ka tumigil sa pang-aalaska mo sa akin, isusundot ko talaga sa ilong mo ‘yang tako na hawak mo!” inis na wika niya kay Damon.
“Pffft. Ang sungit mo talaga kahit kailan. Wag mo ngang pag-initan ang ilong ko. Marami ng babae ang nagpakamatay diyan,” pagyayabang nito sa kaniya. Umakto si Primo na nasamid matapos marinig ang sinabi ni Damon.
“Ibang klase pa rin talaga ang taglay mong kahanginan Damon,” ani Primo dito.
“Nakakalimutan mo ba na ikaw ang nagpamana sa akin nito Primotivo?”
Sumama ang mukha ni Primo dahil sa sinabi ni Damon.
“Gago, idadamay mo pa ko!”
Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatanaw sa ibang mga tao sa clubhouse.
His feeling is not normal. Gusto niyang mambugbog ngayon kapag naiisip niya ang mukha ng Lee Amielles na iyon. Gigil na gigil siya sa lalaki. Hindi niya tuloy napigilan ang magtanong.
“I have a question, Primo. Tinatawag ka pa rin ba ni Avianna sa endearment niyo kapag nag-aaway kayo?”
Natigilan ang dalawa niyang kaibigan dahil sa biglaang tanong niya.
“Where's that coming from Frommette?” taas ang kilay na tanong ni Primo. Hinimas-himas naman ni Damon ang baba nito at tila ba nangingiti ito pero pinipigilan lang. Huli na ng ma-realize niya ang tanong niya.
Fuck! Bakit ba niya tinatanong ang bagay na iyon? Ano ba ang pakialam niya? Asawa pa rin ni Diwata ang lalaking iyon kaya natural lang iyon.
“Well, hindi na ako tinatawag ni Avianna sa endearment namin kapag magkaaway kami. ‘Yon pa? Umuusok agad ang ilong ‘nun at galit na galit,” ani Primo sa kaniya. Mas lalo lang siyang nainis.
Bakit si Diwata? Tinatawag pa rin nito ang Lee na iyon sa endearment na sweetheart kahit magkaaway ang mga ito.
Tss! Ang baduy ng tawagan. Naiinis talaga siya.
“Bakit mo ba tinatanong?” nakangising ani Damon sa kaniya. Tila ba hinuhuli nito ang isipan niya.
“I'm just wondering why she needs to call her husband using their fucking endearment. I mean, that fucking asshole cheated on her! Dapat galit siya sa gago na ‘yon pero tinatawag niya pa rin na sweetheart!” inis na sambit niya. Hindi na talaga niya mapigilan ang emosyon kaya naman pumalakpak si Damon. Si Primo naman ay kunot lang ang noo at halatang nagtataka.
“What's going on Brant?” tanong ni Primo kay Damon. Ngumisi si Damon ng nakakabwisit kaya mas lalo lang siyang nainis.
“Binata na ‘yung kaibigan natin Primo. Nagseselos na eh!”
Tumawa ito kaya napailing lang siya.
Fuck! Nagseselos? No way!
“What the hell are you saying?” maang na aniya kay Damon.
“Man, it's fucking obvious that you're jealous. I knew it! You're in love with her!” nagniningning ang mga mata na sabi ni Damon sa kaniya.
“Puta, teka nga. Ano bang nangyayari? ‘Di ko kayo maintindihan. Sino ba ‘yang babae na ‘yan Frommette?” tanong ni Primo. Gulong-gulo ang mukha nito.
“Bro, she's a nice woman. ‘Yun nga lang eh medyo isip bata. Makikilala mo rin siya soon.”
Si Damon ang sumagot. Walanghiya talaga ang isang ito.
“Ano ba ang plano mo best friend? Ipapatumba na ba natin ‘yung Lee?”
“Hindi pa ko baliw para gawin iyon Damon, at isa pa ay hindi ako in love sa babae na ‘yon!”
“Ows? Labas sa ilong ‘yung sagot mo. Kitang-kita sayo at halatang-halata. Tigilan mo ko sa mga ganiyan mo Hale, kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang sa ingrown mo sa paa.”
Natawa si Primo sa sinabi ni Damon.
“Gago!” singhal niya sa kaibigan.
Hindi niya matanggap sa sarili niya ang sinasabi ni Damon na in love na siya sa babaeng iyon. Sa babaeng isip bata na palagi niyang nakakatagpo ang landas. Sa babaeng lagi niyang kinaiinisan umpisa pa lang dahil sa nakakairita nitong ugali. Pero bakit kahit naiinis siya rito ay hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala para dito? Bakit may nagtutulak palagi sa kaniya para tulungan ito? Hindi niya matiis ang sarili. Ipinilig niya ang ulo.
“Look, hinding-hindi ako mai-inlove sa babaeng iyon,” pagtanggi niya at mailap ang mga matang umiwas ng tingin kay Damon.
“Eh bakit mo siya tinutulungan? Saka inuwi mo pa sa bahay mo. Pansin ko rin na close na kayo, hindi ka naman ganiyan sa ibang mga babae ah?” sagot ni Damon sa kaniya.
“Naaawa lang ako sa kaniya.”
“Kailan ka pa naawa sa babae? Gago! Sinusupladuhan mo nga ang ibang mga babae dito sa village kaya pati ako ay nasasampal dahil sayo. Ipinapakilala pa naman kita sa kanila at ipinagmamalaki tapos bibigyan mo lang ng magaspang na attitude. Langyang buhay ‘to!” iiling-iling na sabi ni Damon.
“Hindi nga ako in love sa babae na ‘yon. Never mangyayari ‘yon,” pagtanggi niya pa ulit. Umiling lang si Damon sa kaniya.
“Wala kang maloloko dito Hale Vandrous Frommette,” sabi nito at bumalik sa paglalaro ng bilyar.
Hindi na siya nagsalita at napailing na lang.
Sumapit ang alas onse ng gabi at medyo nahihilo na siya. Tinutungga pa rin niya ang alak at plano niya talagang magpakalasing ngayon. Paubos na ang laman ng alak niya nang makita niya si Damon na nakatingin sa likuran niya at tila natulala.
“Uy pretty!” bigla ay sabi nito kaya napalingon din siya sa likod niya.
Gulat na gulat siya nang makita niya si Diwata habang nakasuot ng t-shirt niyang maluwang at gulo-gulo pa ang buhok. Tila naalimpungatan ito at antok na antok pa.
“Hale, hindi ka pa ba uuwi? Kanina pa kita hinihintay eh nandito ka lang pala,” kakamot-kamot sa buhok na sabi nito.
Si Primo ay nakatingin lang at halatang nagtataka.
“A-anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?”
Tila nagkaroon ng mga kabayong naghahabulan sa dibdib niya pagkakita kay Diwata.
“Hinihintay kita. Umalis ka kasi kanina tapos hindi ka na bumalik. Akala ko ay sandali ka lang. Iniwan mo akong mag-isa sa bahay, natatakot ako,” sagot ni Diwata. Bigla siyang nakaramdam ng kunsensya. Parang piniga ang puso niya nang mapagtanto niyang iniwan niya ito ng wala man lang paalam.
“I'm– I'm sorry about that—”
“Umiinom ka? Masarap ba ‘yan?” Tiningnan nito ang hawak niyang alak.
“Why you askin’ pretty? Hindi ka puwede niyan ha!” sabat naman ni Damon.
“Hi beautiful! Ikaw pala ‘yung binahay— este tinulungan ng kaibigan namin. Nice to meet you!” bati ni Primo kay Diwata at inilahad ang kamay nito pero bago pa tanggapin ni Diwata iyon ay hinila na niya si Diwata palayo sa mga ito.
“Let's go. Uuwi na tayo,” aniya at iniwan ang dalawa niyang kaibigan.
“Pero—”
“No buts!”
Kinaladkad na niya si Diwata palayo at tuluyang umalis.
“Pambihira ‘tong si Hale napaka-possesive,” iiling-iling na sabi ni Damon nang makalayo sila.

BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...