Nagmulat ng mga mata si Diwata at nakita niya ang sariling nasa isang pamilyar na silid. Ito yung silid niya sa mansyon nila.
Inilinga niya ang paningin. Ang daming sticker ni Cinderella doon pati na rin ni Snow White.
Pero bakit nga ba siya nandito? Anong ginagawa niya rito?
Ipinikit niya ang mga mata at pilit inalala ang mga nangyari. Sumasakit pa rin ang ulo niya.
"Gising ka na pala."
Tinig iyon ng kapatid ni Lee, yung bunsong babae.
Napagtanto niya na nandito siya sa mansyon na pag-aari ng mga magulang niya. Dito nakatira ang pamilya ni Lee."Ate Diwata..." mahinang sambit nito sa pangalan niya. Kinse anyos pa lang ito at ito ang medyo ka-close niyang kapatid ni Lee. Yung isa kasi ay masungit sa kaniya.
"A-anong ginagawa ko dito?" nagtatakang tanong niya. Nakayuko ito habang pinaglalaruan ang mga daliri. Para bang nahihiya ito.
"Anong problema Leerah, may problema ba?" nag-aalang tanong niya pero umiling lang ito.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang 17 missed calls na ang naroon mula kay Hale. Ang dami na pala nitong tawag sa kaniya.
Agad niyang sinagot ang tawag at nagsenyas ng sandali kay Leerah. Lumabas naman ito ng silid na kinaroroonan niya.
"Hel-"
"Where the hell are you?!"
Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ni Hale. Punong-puno ng pag-aalala ang tinig nito.
"Hale, sorry hindi ko alam na ang dami mo na palang tawag," sabi niya sa kabilang linya.
"Where are you? Baby, just answer me!" sabi nito kaya naman agad niyang naisagot na nasa mansyon siya nila.
"Nandito ako sa mansyon namin."
"What? Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nandiyan?"
Bigla niyang naalala ang mga nangyari kanina. Tila may tumarak na patalim sa dibdib niya nang unti-unting pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kanina pati na rin ang mga nalaman niya.
"Pupunta ako ngayon diyan," mabilis na sabi ni Hale.
"Pero-"
Ibinaba na ni Hale ang kabilang linya bago pa man siya makapagsalita.
Napayuko na lang siya at napatulala habang nakaupo sa kama. Naihilamos niya ang sariling mga palad sa mukha.
Ang pamilya ni Lee ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang niya.
Mabilis na naglandas ang luha sa mga mata niya kasabay ng panginginig ng ibabang labi niya.
Buong buhay niya ay naniwala siya na mabuting tao ang pamilya ni Lee pero nagkamali siya. Hindi niya akalain na pati si Lee na siyang kababata niya at nakasama sa loob ng mahabang panahon ay nagawa rin siyang saktan. Ang sama ng mga ito. Walang kasing sakit ang ginawa nito sa buhay niya. Paanong naatim ng mga ito na patayin ang mga magulang niya sa kabila ng kalagayan niya? Alam ng mga ito na nagkasakit siya noon at kailangang-kailangan niya ang mga magulang niya dahil alam niya sa sarili niyang mayroon pa ring mali sa kaniya kahit na gumaling na siya sa sakit niya. Bukod pa roon ay naging mabuti ang pamilya niya sa mga ito. Hindi niya akalain na tatraydurin pala sila ng mga ito dahil lang sa pera.
Ilang minuto ang lumipas na nakatulala lamang siya at iyak ng iyak. Naalala niya ang mga sandaling kasama niya pa ang mga magulang niya. Kung gaano siya kamahal ng mga ito at pinoprotektahan. Iba pa rin ang mayroong mga magulang. Kahit kailan ay hindi maaalis ang mga ito sa isipan niya lalong-lalo na sa puso niya.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...