CHAPTER 18

881 65 3
                                    

Hindi mapigilan ni Hale ang matawa habang pinapanood ang video sa cellphone niya na ipinasa niya mula sa cellphone ni Diwata kahapon. Kahit mukhang tanga si Diwata sa video ay hindi niya maiwasang mapangiti habang pinapanood ito. Ang weird ng pakiramdam niya para sa babae. Bakit ba ang saya niya? Ngayon niya lang ulit naranasan ang ganitong pakiramdam.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya dahil kagigising lang niya. Nasa poder pa rin niya si Diwata. Hahayaan lang niya itong manatili sa bahay niya hangga't gusto nito. Naaawa siya para dito at ayaw niyang pagdusahan na naman nito muli kung bumalik ito doon sa asawa nitong gago. Naiinis siya sa tuwing naaalala niya ang tarantadong iyon.

Fuck!

Ang sama ng timpla niya kapag naiisip pa lang niya ang mukha ng asawa ni Diwata. Ang sarap bugbugin at pahirapan ng gagong iyon hanggang sa malumpo.

Maya-maya ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Tila kinakalampog ang gate niya sa labas kaya naman kunot-noong napatayo siya mula sa pagkakahiga.

Sino naman kaya ang walanghiyang kung makakalampag sa gate niya ay wagas?
Malamang ay si Damonyo na naman iyon.
Ang walanghiyang kaibigan niya ang naisip niya pero nang makalabas na siya mula sa bahay niya ay mali pala ang nasa isip niya.

Agad na nagdilim ang paningin niya nang makilala ang lalaking nasa labas.

“Hoy Mr. Frommette! Ilabas mo ang asawa ko!” sigaw nito sa kaniya at muling kinalampag ang gate. Agad naman siyang lumapit dito habang madilim pa rin ang anyo.

“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t nasa kulungan ka?”

Binuksan niya ang gate ng bahay at pinagmasdan niya ang lalaki. Bakas pa rin sa mukha nito ang pasang dulot ng pambubugbog niya.

Ngumisi ito sa kaniya ng may pagmamayabang.

“Anong akala mo sakin? Milyonaryo ako Frommette. Maraming kayang gawin ang pera,” mayabang na litanya nito. Humalukipkip siya at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.

“Well, kung ganoon eh makakaalis ka na. Wala dito ang asawa mo,” pagsisinungaling niya.

“Wag mo kong niloloko, alam kong nandiyan ang asawa ko kaya ilabas mo siya! Diwata! Diwata! Lumabas ka diyan Diwata!” sigaw nito habang pilit hinahagilap ng mga nito si Diwata.

Tumaas ang sulok ng labi niya at pinakatitigan ito ng masama.

“Kung ayaw mong mabugbog na naman umalis ka na,” sambit niya at isinarado ang gate ng bahay niya pero pinigilan siya ni Lee.

“Sabi ng ilabas mo ang asawa ko eh! Ilabas mo ang asawa ko!”

Nagpilit itong pumasok sa loob ng bahay niya kaya naman naubos na ang pagtitimpi niya lalo pa at itinulak siya nito. Sinuntok niya ito sa mukha dahil sa inis.

“Tarantado ka pala eh! Nandito man ang asawa mo pero hindi ko siya hahayaang bumalik sayo! Gago ka!”

“Anong sinasabi mo? Ikaw ang gago! Sarili kong asawa ang tinatago mo! Ilabas mo siya!”

Muli itong nagpilit pumasok at sinuntok na rin siya nito sa mukha. Tinamaan ang ilong niya at namanhid iyon sa sakit.

Nagdilim ang paningin niya at akmang susugod na naman ng suntok sa lalaki pero bago pa mangyari iyon ay parehas silang nagulat sa sigaw ni Diwata.

“Hale tama na!”

Napatingin sila kay Diwata na ngayon ay nasa likod niya at nakita ang pag-aaway nila.

“S-sweetheart!” sambit ni Lee. Sinamaan niya ito ng tingin.

“S-sweetheart umuwi na tayo! Nagsisisi na ko! Parang awa mo na umuwi ka na sa bahay!” tila anghel sa bait na wika ni Lee sa asawa nito. Tiningnan niya ang maamong mukha ni Diwata na tila naaawa na kay Lee.
Nagtagis ang bagang niya.

“Ano Diwata? Wag mo sabihing madadala ka na naman sa kagaguhan nito?” tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya ng may pag-aalinlangan. Hindi ito makapagsalita.

“Nilalason mo ang utak ng asawa ko. Bakit ka ba nangingialam sa buhay namin? Asawa niya ako. Gusto mo bang ikaw ang ipakulong ko?”

Matalim ang mga matang bumaling siya ng tingin kay Lee.
Kinuwelyuhan niya ito.

“Wag na wag mo akong tatakutin dahil kahit sino pa ang padrino mo, hinding-hindi kita sasantuhin!” mariin na wika niya.

“Tama na!”

Muli silang inawat ni Diwata at pumagitna na ito sa kanila.

“S-sweetheart, sorry pero hindi ako sasama sayo,” ani Diwata sa asawa nitong si Lee. Medyo masakit sa tainga niya ang dating ng pagtawag nitong sweetheart sa asawa nito. Tinatawag pa rin nitong sweetheart ang gunggong na Lee na ito kahit ginagago na siya nito? Fuck! Nag-iinit ang ulo niya.

“Pero bakit? Kailangan kita Diwata, umuwi ka na, sumama ka na sa akin sweetheart.”

Hinawakan ni Lee ang kamay ni Diwata pero agad niyang pinaghiwalay iyon.

“Sinabi na ngang hindi siya sasama sayo ‘di ba? Umuwi ka na!” galit na sambit niya.

“Umuwi ka na, hindi ako sasama sayo. Please, umuwi ka na hayaan mo na muna ako!”

Si Diwata naman ang nagsalita at doon ay natahimik si Lee. Nalaglag ang balikat nito.

Tumalikod na si Diwata at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan silang dalawa sa labas.

“Layas kung ayaw mong pasabugin ko ulit ‘yang mukha mo,” matapang na sabi niya.

“May araw din tayo Frommette. Wag na wag mong gagalawin ang asawa ko!” banta ni Lee at dinuro siya. Agad niyang ibinaba ang kamay nito.

“Lumayas ka!” taboy niya rito. Napapasong umalis naman ito dahil wala na itong nagawa. Pinanindigan ni Diwata na hindi ito sasama dito.

Napabuntong-hininga na lang siya at marahas na ini-locked ang gate ng bahay niya matapos makaalis ni Lee. Tila may nagbabagang apoy sa loob niya dahil sa sobrang gigil na nararamdaman niya.

Paulit-ulit nagsisink-in sa utak niya na tinawag pa ring sweetheart ni Diwata ang gunggong nitong asawa. Mahal pa rin ba nito ang lalaking iyon?
At bakit nga ba naaasar siya?

Napailing na lang siya at pumasok na sa loob ng bahay.

Naabutan niya si Diwata na nakaupo sa sofa habang yakap-yakap ang unan.

Napatingin ito sa kaniya nang pumasok siya. Nagtama ang mga mata nila pero walang salita ang lumabas sa labi niya. Nanggigigil pa rin siya hanggang ngayon.

Pumanhik siya sa itaas at iniwanan itong mag-isa.

Kinagabihan ay tinawagan niya si Primotivo Alarcon. Isa rin ito sa mga kaibigan niya. Saktong kasama nito si Damon nang sagutin nito ang kabilang linya.

“Hello pare?” bungad nito sa kabilang linya. Dinig na dinig niya ang boses ng Damonyong maingay na kasama nito sa kabilang linya.

“Pre, san ka?” tanong niya agad kay Alarcon.

“Nandito kami sa clubhouse ni Damon nag-iinom. Bakit?”

“Papunta na ko diyan,” mabilis niyang sambit at agad na ibinaba ang telepono. Nadinig pa niya ang boses ni Damon Brant na nagtatanong kay Primo kung sino ang kausap nito.

Mabuti na lang at saktong umiinom ang dalawang mokong. Gusto rin niyang magpakalango sa alak ngayon kaya pupuntahan niya ang mga ito. Wala na siyang sinayang na sandali. Agad siyang nagbihis at lumabas ng silid niya upang magtungo sa clubhouse.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon