6 MONTHS LATER...
Hindi mapakali si Hale sa kinatatayuan niya. Kanina pa siya hindi komportable at patingin-tingin sa relong suot niya.
“Kinakabahan ako, Damonyo,” bulong niya sa kaibigang si Damon.
Ngayon kasi niya balak mag-propose kay Diwata. Hindi niya alam kung bakit kanina pa may mga daga na nag-uunahan sa dibdib niya. Ngayon lang siya nagkaganito. Ganito ba talaga ang feeling kapag in love?
“Tang ina bro! Ngayon ka pa talaga kinabahan? Pambihira! Ang laki-laki na ng tiyan ni Diwata. Malapit na ngang manganak eh!” nakangising sabi ni Damon sa kaniya.
Inayos niya ang suot niyang costume na tila ba siya isang prinsipe. Kinakabahan talaga siya. Hindi siya sanay sa mga ganito. Pinaghandaan pa niya ang mansyon ng mga magulang ni Diwata dahil naalala niya na dito gustong tumira ni Diwata. Pinaayos niya ito ngayon. Maganda ang pagkakaayos at parang nasa fairytale lang dahil mahilig si Diwata sa ganito. Tiyak niyang magugustuhan ni Diwata ang ganitong paligid. Lahat ay gagawin niya upang mapasaya lang niya ito. Walang ibang importante sa kaniya kundi ang mapasaya niya si Diwata. Ganoon niya ito kamahal. Sobrang mahal na mahal niya ito higit pa sa buhay niya lalo na ngayon na magkakaroon na sila ng supling. Hindi na nga rin siya makapaghintay na maging Tatay. Na-e-excite siya na medyo kinakabahan. Ganoon naman siguro talaga kapag first time.
Nandoon lahat ng mga kaibigan niya, even Atty. Krauis Montreal, malaki ang nagawa nito para sa kanila ni Diwata kung bakit puwede na niya itong pakasalan ngayon. Sobrang husay nito at napakalaki ng utang na loob niya dito. Nakasuot din ang mga ito ng katulad sa suot ng mga prinsipe sa fairytale, kahit na malalaki ang katawan ng mga ito ay napapayag naman niya ang mga ito na magsuot din ng costume para sa pinaghandaan niyang proposal. Ang mga babae naman ay gown ang suot katulad ng sa mga babaeng nasa fairytale din. Pinaghandaan niya talaga ang lahat ng ito dahil alam niyang magugustuhan ito ni Diwata. Ang asawa ni Primo nga ay naka 'Jasmin' na costume. Ang sexy tuloy nito kaya siguro hindi makalayo-layo ang lokong si Primo. Pero mas sexy pa rin ang future asawa niya kahit buntis na ito. Ito ang pinakamagandang babae sa paningin niya at wala ng iba. Sila Gonzalo, at ang iba pang kaibigan niya sa South Ridge Village ay naroon din. Hindi puwedeng hindi umattend ang mga ito dahil alam ng mga ito na magtatampo siya kapag hindi sumipot ang mga ito.
Wala na siyang pakialam kung baduy siya sa paningin ngayon ng maraming tao dahil ganito ang naisip niya. Weird mang masasabi pero ang mapasaya si Diwata ang mas mahalaga sa kaniya.
“Infairness bagay sayo iyang suot mo,” ngingisi-ngising sabi ni Damon sa kaniya. Loko talaga ang kaibigan niyang ito. Alam niyang inaalaska na naman siya ni Damon kaya tinapik niya ang noo nito. Mabilis naman itong napahawak sa sariling noo na tinapik niya.
“Tado! Ikaw din, nagmukha kang tao ngayon,” aniya dito. Ayaw niyang pumayag na siya lang ang aalaskahin ni Damon. Hindi yata puwede iyon. Maya-maya ay napansin yata siya ni Primotivo.
“Man, relax! Wag kang masyadong pahalata na ninenerbiyos ka, para kang hindi si Hale-pyerno niyan eh!” sabi naman nito sa kaniya at siniko pa ang dibdib niya. Paano nito nahalata na kinakabahan siya? Ang lakas talaga kumutob ng isang ito.
Si Arham ay nandoon din, ito ang matalik niyang kaibigan sa trabaho at kasama nito ang asawang si Luna na naka-snow white costume. Inimbitahan rin niya maging ang mga empleyado niya dahil gusto niyang ipakita sa buong mundo kung sino ang babaeng mahal niya at kung gaano niya kamahal si Diwata. Ganoon niya ito kagustong ipagmalaki. Wala sa hinagap niya na gagawin niya ang lahat ng ito.
Ang alam ni Diwata ay may pupuntahan lang silang party kaya pinagbihis niya ito ng katulad ng kay Cinderella. Naroon pa ito sa bahay niya kasama ang make up artist na baklang kinuha ni Damon para mag-ayos dito.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...