“Can I have a large, triple-shot, sugar-free, non-fat latte, please?” malalim at baritono ang boses na litanya ni Hale sa waiter ng Café na kinaroroonan niya. Agad naman na sumunod sa kaniya ang waiter.
Dito siya dumiretso pagkagaling niya sa opisina. Pagod siya sa trabaho at kailangan niyang mag-chill ng kaunti. Ngayon lang siya nagtungo sa Café na ito kahit madalas niyang naririnig ang pangalan nito sa Village nila. Trabaho-bahay lang kasi siya madalas.Tahimik lang siya sa kinauupuan niya. Kaunti pa lang din ang tao sa loob ng Café.
Tiningnan niya ang kaniyang cellphone nang umilaw iyon. Nabasa niya ang pangalan ng kaibigang si Arham.
[Bro, wer u at?]
Napakunot ang noo niya dahil sa tanong nito. Magkasama lang sila nito kahapon. Masyado naman yata siyang nami-miss ng kaibigan niya.
Nag-reply siya rito.
[I'm at Dreame Café. Y u askin?]
Hindi na siya nakatanggap ng reply dito matapos niyang maipadala ang mensahe sa kaibigan. Nalukot ang kilay niya. Madalas talaga ay weird itong si Arham. May balak na naman siguro sana itong bulabugin siya kung sinabi niya rito na naroon pa siya sa opisina niya. Mabuti na lang at nandito na siya sa Dreame Café malapit sa South Ridge Village kung saan siya nakatira.
“Babe, buntis ako. Anong gagawin natin dito?”
“Gawan mo ng paraan Beatriz! Ipalaglag mo na lang!”
“What? No! Hindi ko gagawin ‘yan Lee! Nababaliw ka na ba? Ginawa natin ito pareho!”
Rinig niya ang dalawang magkasintahan na nagtatalo hindi kalayuan sa kinalalagyan niya. Kanina pa niya napapansin na tila hindi magkaintindihan ang mga ito. Napalakas na ang boses ng babae kaya malinaw sa kaniya na nagtatalo ang mga ito dahil sa batang nasa sinapupunan nito. Mukhang ayaw iyon panindigan ng lalaki kaya sinasabi nito na ipalaglag na lang ang bata.
“Hinaan mo ang boses mo!” pigil ngunit may riin na wika ng lalaki sa babaeng kasama nito.
“Kung gayon ay umalis tayo dito at doon tayo sa bahay mag-usap!” galit na sambit ng babae. Napatingin siya sa lalaki at napatingin din ito sa kaniya. Tila napahiya ito kaya nagbaba ng tingin. Napapasong umalis ito matapos hilahin ang babae at kaladkarin palabas ng café.
“Asshole,” mahinang bulong niya sa sarili habang pailing-iling.
“Here's your order, sir.”
Bahagya lang siyang tumango sa waiter matapos nitong mailapag ang order niya sa table. Tahimik niyang ininom iyon habang ang mga mata ay nakamasid sa bawat taong dumarating.
Maya-maya ay isang babae ang biglang pumasok sa loob.
Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin ang suot nito.
Nakasuot ito ng pantulog. Naka-pajama ito ng kulay yellow at terno iyon sa suot nitong pang-itaas.
Pffft.
Weird!
Mukhang naalimpungatan lang ito sa suot. Pinigilan niya ang matawa sa sarili at inilapag ang iniinom niya sa table.
Pinagmasdan niya ang babae.
Cute, simple at mukhang bata lang dahil sa ponytail nito na spongebob pa ang design. Maiksi lang ang buhok nito na nakapugong at bagay iyon sa maliit na mukha nito.
“Hello po Kuya Waiter,” rinig niyang sabi nito sa waiter na lumapit. Nakangiti ang babae at hindi niya alam kung bakit kusang napako ang mga mata niya rito. Nahuli niya ang sariling pinagmamasdan ito ilang minuto na ang lumipas. Buhat ng dumating ito at maibigay ng waiter ang order nito na narinig niyang italian soda ay nakatingin pa rin siya sa pwesto ng babae. Hindi siya pansinin nito dahil nakatuon lang ang mga mata nito sa librong hawak-hawak nito.
May dala itong libro nang pumasok sa loob ng Café at malinaw sa paningin niya na cinderella iyon.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...