“Ang dami naman niyan Hale, kaya mo talagang ubusin lahat ‘yan?” nahihiwagaang tanong ni Diwata kay Hale matapos itong bumalik sa bahay bitbit ang limang kahon na pizza.
“Oo, bakit ano sa tingin mo?” balik na tanong nito sa kaniya.
“Akala ko ay magbebenta ka na ng pizza, or magpapa-order.”
Sinamaan siya ng tingin ni Hale dahil sa sinabi niyang iyon. Napanguso na lang siya. May masama ba sa sinabi niya? Wala naman ah.
Medyo masama ang pakiramdam niya kanina dahil sa lagnat pero matapos siyang painumin ng gamot ni Hale ay nakaramdam siya ng ginhawa. Kahit papano ay mabuti pa rin ito sa kaniya. Siguro ay talagang pinaglihi lang ito sa kasungitan kaya madalas na mukhang galit ito sa mundo at suplado.
Ipinatong ni Hale ang limang kahon ng pizza sa lamesa. Naupo ito sa couch at pumadekwatro.
Nakatingin lang siya dito habang binubuksan nito ang isang kahon.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan wirdong babae?” supladong tanong nito sa kaniya.
“Hindi wirdong babae ang pangalan ko,” sagot naman niya dito. Kumuha si Hale ng isang slice ng pizza at kumain niyon.
“Hmm. Ang sarap!” pang-iinggit nito sa kaniya. Hindi naman siya naiinggit dahil ang dami pang laman ng kahon ng pizza niya. Hindi nga nya yata mauubos iyon.
Ngumiti na lang siya kay Hale kahit lukot na lukot ang kilay nito sa kaniya sa tuwing nagtatama ang paningin nila.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” nagtatakang tanong nito at natigilan sa pagnguya.
“W-wala lang, hehe!”
Bumuntong-hininga lamang si Hale sa kaniya. Pinagmasdan niya ang mukha ni Hale at hindi niya maipaliwanag kung bakit parang nahahalina ang mga mata niya na pagmasdan lamang ito.
“Stop staring at me. Ano ba?!” iritang sabi nito sa kaniya nang mapansin nito na nakatitig siya sa mukha nito kanina pa.
Ngumiti lang siya kahit sinusungitan siya nito. Kumalumbaba siya at lumapit ng kaunti sa puwesto ni Hale, hindi pa rin niya inaalis ang mga mata sa pagtitig sa mukha nito.
“F-fuck– a-ano ba? Wag mo nga akong titigan!”
Muli siya nitong sinungitan at napapasong nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Napanguso na lang siya.
“Ang sungit mo lagi Hale. Bakit ka masungit palagi?” tanong niya dito. Hindi kumibo si Hale sa kaniya. Ayaw siyang tingnan nito at huminto na rin ito sa pagkain ng pizza. Nakatagilid ito sa kaniya at hindi siya nililingon. Parang ilap na ilap ito sa kaniya. Wala naman siyang masamang ginagawa.
Kinuha na lang niya ang cellphone niya at nanood sa tiktok app.
Napangiti siya nang mapanood ang trending na video sa tiktok yung ME AND MY JOWA.
Bigla siyang nakaramdam ng excitement na gayahin ang video na iyon. Kaso paano niya gagayahin ‘yun?
Muli siyang napatingin kay Hale at sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.
“Uy Hale, halika lang!” nakangiting tawag niya sa pangalan nito. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit kay Hale. Naupo siya sa sahig. Isinet-up niya ang video sa cellphone niya.
“What the hell are you doing? Tumayo ka nga dyan!” ani Hale sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito lalo na nang nakaluhod siyang humarap dito habang nakaupo ito sa sofa.
“May gagawin tayo Hale!” aniya dito habang nakangisi. Napalunok si Hale at parang gulat na gulat ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
“F-fuck! A-anong binabalak mo? Anong gagawin ang sinasabi mo?” kinakabahang tanong nito. Napatingin ito sa kamay niya na nakapatong sa dalawang hita nito habang nakaluhod siya sa sahig at nakaharap dito.
“Bakit ganiyan ang mukha mo Hale? Bakit ka pinapawisan sa noo? Hindi naman mainit ah!” puna niya kay Hale. Butil-butil kasi ang pawis nito sa noo.
“A-ano b-bang b-binabalak mong gawin? T-tumayo ka nga diyan.”
Pati boses nito ay utal-utal. Ano ba ang nangyayari kay Hale? Nagtataka na talaga siya sa lalaking ito. Aayain lang naman niya itong mag-tiktok eh, kaya siya pumwesto sa harapan nito ay para nasa likod niya ito. Gusto niyang gayahin yung ME AND MY JOWA na usong-uso sa tiktok ngayon.
“Gagayahin lang natin ‘yung ME AND MY JOWA sa Tiktok. Hayan, nakaset na itong cellphone ko,” sagot niya kay Hale. Kita niyang napabuntong-hininga ito at tila ba nakahinga ng maluwag.
“Damn it!” mahinang usal nito at pinunasan ang pawis sa noo.
“Sige na Hale, gusto kong gayahin ‘yun!” pangungulit niya pa rito. Humarap na siya sa cellphone niya at ngumiti.
“Ano ba ‘yan? Hindi ko alam ‘yan. Puwede ba, huwag mo na nga akong idamay sa kabaliwan mo,” sabi ni Hale sa kaniya.
“Ano ka ba Hale? Hindi naman ito kabaliwan. Uso kaya ito sa tiktok!”
“Tss! Tiktok tiktok, it's a fucking non-sense app tapos nakikiuso ka pa,” sermon nito sa kaniya.
Pero dahil makulit talaga siya ay hindi niya ito tinigilan sa pagkumbinsi. Nakikita niya ang mukha nitong nakasimagot sa camera ng cp niya. Nilagyan niya ng filter iyon bago pinlay ang video. Sinimulan na niya ang pagtitiktok.
“Fuck! Bakit pati ako ay may lipstick? Alisin mo nga ‘yan!” inis na sabi nito pero hindi niya pinansin iyon at tinuloy ang ginagawa.
“Me and my jowa, wah!” nakangiting buka ng bibig niya habang sinusundan ang boses sa video. Nakasimangot pa rin ang mukha ni Hale at wala man lang itong reaksyon sa video. Abot lamang ang himas nito sa noo habang nakabusangot.
“Uuwi na siya, uuwi na siya, wah!” pagpapatuloy niya. Mas lalong umasim ang mukha ni Hale at napakamot pa ito sa buhok pero itinuloy pa rin niya ang video kahit ayaw nitong makisama.
“Ang sungit-sungit niya! Ang sungit-sungit niya wah! Nireregla siguro siya! Nireregla siguro siya, wah–”
Bago pa niya matapos ang sinasabi ay tumayo na si Hale at ini-stop ang video.
“Uy Hale ‘di pa tapos ‘yun!” aniya.
Natatawa siya dahil alam niyang maiinis ito at iniba niya ang sinasabi sa video, pero ginawa lang naman niya iyon kasi ayaw nitong maki-ride sa kaniya.
“Pffft. Naiinis ka ba? Joke lang naman ‘yun, hindi ka naman totoong nireregla ‘di ba? Ayaw mo kasing sumunod sakin eh!” sabi niya kay Hale matapos nitong kuhanin ang cellphone niya at patigilin ang video.
Hindi siya pinansin ni Hale at naglakad lang ito patungo sa hagdanan sabay panhik doon.
“Uy, Hale ‘yung cellphone ko!” habol na sabi niya rito at hirap na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Sinundan niya ito sa itaas.
“Hale ‘yung cellphone ko ibalik mo nga ‘yan sakin,” sabi niya at pumasok sa isang silid kung saan ito pumasok.
Pagpasok niya ay nakaupo ito sa kama at nakita niyang may kinakalikot ito sa cp nito habang tingin ng tingin sa cp niya.
“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya rito.
“Huh? Wala. Oh, ayan na ‘yung cp mo, baliw na babae!” kunot noong sabi nito sa kaniya at binalik sa kaniya ang cp. Nakita niyang nakatingin ito sa sarili nitong cellphone at kapagkuwan ay biglang ngumiti, pero agad din nitong pinawi iyon nang mapagtanto nitong nakatingin siya rito.
Ang weird talaga ni Hale. Bigla-bigla na lang ngumingiti. Nakasimangot tapos biglang ngingiti.
Napakamot na lang siya sa buhok niya at lumabas ng silid nito. Itatabi niya pa yung natira niyang pizza kasi sayang naman iyon. Hindi na niya kayang ubusin dahil busog na siya tapos si Hale ang dami pang binili para sa sarili nito.
“Ibang klase talaga ang lalaking ‘yun,” bulong niya sa sarili bago tuluyang bumaba sa hagdan.
![](https://img.wattpad.com/cover/238874163-288-k931410.jpg)
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...