CHAPTER 35

964 66 10
                                    

Huminto ang sasakyan ni Hale sa labas ng Dreame Café kaya naman napangiti agad si Diwata dahil dinala nga siya nito sa paborito niyang Café.

Hinila niya agad ang kamay ni Hale nang makababa silang dalawa sa sasakyan.

“Dalian mo Hale!” masiglang sabi niya. Tuluyan na silang nakapasok sa loob at naupo sa bakanteng table.
As usual ay tahimik lang si Hale at hindi ito madaldal katulad niya.
Pinagtitinginan sila ng ibang babae sa loob at hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng inis lalo pa at nakatuon ang mata ng mga ito kay Hale.

Napansin siguro iyon ni Hale kaya kunot-noo itong nagsalita sa harap niya.

“What's wrong with you? Bakit ganiyan ang mukha mo?” nagtatakhang tanong nito dahil sa biglaang pagbabago ng mood niya.

Inginuso niya ang mga babaeng tumitingin dito.

“Bakit ba ganyan sila makatingin sayo? Naiinis ako,” nakangusong sabi niya.

Umangat ang isang kilay ni Hale at bumaling ng tingin sa mga babaeng inginunguso niya.

Pinagmasdan ni Hale ang mga babae kaya mas lalo lang nadagdagan ang inis niya.

“Bakit ka nakikipagtitigan sa kanila?”

Nagulat si Hale sa tono ng pananalita niya. Marahil ay nabigla ito pero kapagkuwan ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.

“You're jelous?”

Hindi niya alam kung tinatanong siya ni Hale o lalo lang siya nitong iniinis.

Jelous? Bakit naman siya magseselos? Naiinis lang siya sa mga babae dahil kung makatingin ang mga ito kay Hale ay ang lagkit-lagkit.

“Bakit naman ako magseselos?”

Pakiramdam niya ay hindi siya si Diwata ngayon. Parang ang taray-taray niya kay Hale sa paraan ng pagkakatanong niya.

“Pfft. It's obvious. Come on, I'm all yours,” malambing na wika ni Hale sa kaniya at kinindatan pa siya nito. Naramdaman niya na nag-init ang pisngi niya.

Kinikilig ba siya?

Nagbaba siya ng tingin at biglang nahiya. Hinawakan ni Hale ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa habang magkatapat sila.

“Tingin mo ba eh ipagpapalit kita sa mga babaeng ‘yon? Kung kailan naangkin na kita...”

Hindi niya masyadong naintindihan ang huling sinabi ni Hale kaya nangunot ang noo niya.

“H-ha? Ano nga yung huling sinabi mo?”

Ngumisi naman si Hale sa kaniya at pagkatapos ay umiling.

“Nevermind. Umorder ka na. Ano bang gusto mo?” tanong nito sa kaniya. Hindi na nito sinagot ang tanong niya.

Napangiti na siya nang maalala ang Italian Soda na paborito niya.

“Italian soda tapos gusto ko ng cheesecake,” sabi niya kay Hale.

Tumango naman ito at kinawayan ang waiter. Ito na ang umorder para sa kaniya at narinig niyang Italian Soda rin ang inorder nito para sa sarili.

“Gusto mo rin yung Italian Soda?” tanong niya kay Hale.

“I just want to try it. Mukhang paborito mo eh,” ani Hale sa kaniya. Ngumiti siya sa binata.

“Oo nga paborito ko talaga iyon. Masarap kasi ‘yun. Hehehe!”

Tumango-tango lang si Hale sa kaniya habang naghihintay sila ng order nila pareho.

Maya-maya ay napansin niyang natahimik si Hale at natulala ito sa isang bulto ng tao na kakapasok lamang sa loob ng Café.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon