Nanginginig pa rin ang mga tuhod ni Diwata habang nakaupo siya sa malaking sofa. Kalahating oras na buhat ng dumating sila ni Hale sa bahay nito. Hindi niya lubos akalain na magagawa sa kaniya ni Lee ang bagay na iyon. Parang hindi na niya ito kilala. Ibang-iba na ito sa lalaking minahal niya at kasama niya simula pa lang noong bata siya. Hindi na ito ang Lee na mabait sa kaniya. Tila ito isang demonyo kanina na anomang oras ay kikitilin ang buhay niya. Takot na takot soya sa mga nangyari, mabuti na lang at dumating si Hale. Kung hindi ito dumating ay baka kung ano na ang nangyari sa kaniya kanina.
Nakita niyang palakad-lakad si Hale habang nakatingin sa cp nito na animo'y mayroong kino-contact doon.
"Fuck! Answer your goddamn phone Brant!" inis na litanya nito habang dinudutdot ang screen ng cellphone nito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ito sa galit. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari kanina matapos siyang patakasin ni Hale. Iniwan na niya ito agad dahil sa matinding takot din na nararamdaman niya.
"Hale, o-okay ka lang ba?" pukaw niya sa binata. Sa wakas ay nakapagsalita na rin siya. Kanina ay tila nalunok na niya ang dila niya.
Lumingon naman si Hale sa kaniya at kapagkuwan ay biglang nawala ang pagkakunot ng noo nito. Nakita niyang bumuntong-hininga ito.
"I'm okay," tipid nitong sabi at humakbang palapit sa kaniya.
"Ikaw, are you okay now?" tanong nito sa kaniya. Marahan siyang tumango dito.
"Oo, s-salamat," medyo nahiya pa niyang sabi at nagbaba ng tingin.
"Talagang walang kasing walanghiya ang Lee Amielles na iyon. Mapapatay ko talaga siya kung may nangyaring masama sayo!" galit na sabi nito. Kitang-kita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Hale.
Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon.
Gusto niyang magpasalamat dito. Palagi na lang siyang pinagtatanggol ni Hale, sa tuwing kailangan niya ng masasandalan ay ito lagi ang unang taong dumadating para tulungan siya. Kahit hindi maganda ang unang pagkakakilala nila ay nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya ang tunay na Hale Vandrous Frommette. Hindi totoo ang usap-usapan na masamang tao ito, dahil kung totoong masamang tao ito ay sana wala itong mabuting puso. Mabuting tao si Hale at mapapatunayan niya iyon.
"H-hale, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa mo sakin. Sa lahat ng pagtulong mo, sa tuwing nasa bingit ako ng kapahamakan ay nandiyan ka. Maraming salamat alam kong hindi sapat iyon-"
Naputol ang pagsasalita niya nang gawaran siya ni Hale ng halik sa labi. Mabilis lamang iyon at agad din itong kumalas.
"You don't need to thank me. Iyon naman ang dapat kong gawin, ang protektahan ka at alagaan ka dahil..."
Natigilan ito at ilang segundo muna ang lumipas bago nito tinuloy ang sasabihin.
"Dahil mahal kita, Diwata..."
Napatitig siya sa gwapong mukha nito habang seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
Alam niya sa sarili niyang mahal na rin niya si Hale pero naguguluhan siya dahil ang buong akala niya ay si Lee lang ang dapat na mahalin niya dahil ito ang asawa niya. Pilit niyang inilalayo ang isipan niya sa nararamdaman niyang iyon para kay Hale dahil nalinlang siya ng kasal na nag-uugnay sa kanila ni Lee. Pero tama sila, hindi kayang dayain ang damdamin ng tao sa kung sino man ang talagang mahal nito. Kahit anong pilit niya sa sarili niyang ipaintindi na dapat ay si Lee lang ang mahalin niya ay iba ang nararamdaman ng puso niya. Mali man pero ang totoo ay may nararamdaman na rin siya kay Hale. Mahal na rin niya ito. Masaya siya kapag kasama niya ito at ito lang ang tanging lalaking nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Ang mabilis na pagpintig ng puso niya sa tuwing nakatitig ito sa mga mata niya. Ang kabang nararamdaman niya sa tuwing lumalapit ito sa kaniya. Si Hale lang ang nakakagawa ng bagay na iyon at ni minsan ay hindi niya iyon naramdaman kay Lee.
"Mahal din kita Hale," sambit niya sa binata. Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito at tila kumislap ang mga mata.
Muli itong tumingin sa labi niya.
Napalunok siya dahil heto na naman ang mabilis na pagpintig ng puso niya sa tuwing tinitingnan siya ni Hale. Para siyang malulusaw. Ang mapulang labi nito ay tila hinahalina siya kaya naman sa isang iglap lang ay siya na ang lumapit sa mukha nito at inangkin ang labi ng binata.
Napansin niyang nabigla si Hale pero tinugon nito ang halik niya.
Bakit ang sarap sa pakiramdam sa tuwing magkadampi ang mga labi nila? Parang naaadik na tuloy siyang gawin ito.
Umangat ang kamay ni Hale sa baywang niya at hinapit siya nito palapit sa katawan nito. Nanatiling magkadampi ang mga labi nila at tumagal iyon ng isang minuto.
Bawat paggalaw ng labi ni Hale ay sinusundan iyon ng labi niya. Naramdaman niya na kinagat pa nito ang ibabang labi niya.Umangkla ang mga braso niya sa leeg nito at pumalupot roon. Tila sabik na sabik silang dalawa habang pinagsasaluhan ang mainit na halik na namamagitan sa kanila ngayon.
Ang isang kamay ni Hale ay humahagod sa braso niya. Para siyang naliliyo ngunit kaysarap sa pakiramdam ng bagay na ginagawa nito sa kaniya ngayon. Napangiti ito nang ginaya niya ang ginawa nitong pagkagat sa labi niya. Kinagat din niya ang ibabang labi nito.
Ilang sandali pa ay kumalas na si Hale sa halikan nila at habol nito ang hininga nang bitawan ang labi niya.
"Baka hindi ako makapagpigil Diwata at makalimutan kong kasal ka pa rin kay Lee," habol ang hiningang sambit nito.
"Fuck! Gusto ko ng mapadali ang papel na makakapaglegal ng paghihiwalay ninyong dalawa. Gusto ko munang pakasalan ka bago natin gawin ang bagay na iyon kahit-"
Nagbaba ito ng tingin sa suot na pantalon at pansin nyang parang may namumukol na roon.
"Geez!" anito at tinapik ang sariling noo. Tumalikod na si Hale sa kaniya. Siya naman ay nawiwirdohan sa ikinikilos nito pero hinayaan na lang niya ito dahil dinukot na naman nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan doon.
Hinawakan niya ang labi niya nang makatalikod na si Hale sa kaniya. Tila naglalaro pa rin sa isipan niya ang halikang nangyari sa kanila kanina. Nakagat niya ang ibabang labi at napangiti.
Ito na ba yung kilig na sinasabi nila? Baliw na yata siya kasi ngumingiti siyang mag-isa. Pero ang sarap kasi sa pakiramdam sa tuwing naghahalikan sila ni Hale. Naaadik na yata siya sa labi nito.Sinulyapan niya si Hale na busy habang nakapamaywang. May kausap na ito sa phone.
Napalingon ito sa gawi niya at tila nag-init naman ang pisngi niya nang bigla siya nitong kinindatan.
Bakit ba ito kumikindat? Nagwawala tuloy ang puso niya. Ang gwapo-gwapo pa naman nito sa paningin niya. Niyakap na lang niya ang throw pillow na nasa tabi niya. Baka isipin ni Hale na baliw na naman siya kaya iniwasan na niya itong tingnan.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...