Kakatapos lamang ng pag-iisang katawan nila at pakiramdam ni Hale ay muling may nabuhay sa pagkatao niya.
Shit! Ilang taon na ba siyang walang sex life? Sa dami ng babaeng nagbigay ng motibo sa kaniya, wala siyang pinatulan roon. Akala nga niya ay hindi na siya marunong sa kama. Pero ngayon na kasama niya si Diwata, ibang klaseng ligaya ang ipinadama nito sa kaniya.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ito sa tabi niya. Nakatulog kasi ito ulit matapos silang mag-isang katawan. Naka-dalawang rounds ba naman sila ngayong umaga kaya siguro napagod ito.
Maya-maya ay nakarinig siya na may nag-doorbell. Napakunot ang noo niya at tumayo sa kama. Hindi na siya nakapagsuot ng damit pang-itaas dahil nagmamadali siyang bumaba ng silid nila ni Diwata.
Sino naman kaya ang tao sa labas?
Akala niya ay kung sino ang nasa labas pero nang buksan niya ang gate ay ang nakangising mukha lang ni Damon ang tumambad sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito kampon ni satanas?” kunot-noong tanong niya sa kaibigan. Pinagmasdan siya nito at tila sinuri.
“Bakit naman ganiyan ang itsura mo my friend? Mukhang hapong-hapo ka ah,” ani Damon sa kaniya. May nakapakat na mala-demonyong ngiti sa labi nito.
“Anong pinagsasasabi mo riyan? Ano bang kailangan mo?” tanong niya at niluwagan ang pagkakabukas sa gate.
“Masama na bang puntahan ka dito sa bahay mo? Makiki-kape sana ako eh,” kakamot-kamot sa buhok na sabi ni Damon.
“Ano? Ang yaman mo tapos wala kang pambili ng kape?” supladong sabi niya sa kaibigan.
“Ito naman parang kape lang eh. Wala kasi akong ka-kwentuhan kaya pinuntahan na rin kita. Kamusta na si cutie?” tanong nito.
Nag-iwas siya ng tingin.
Pag nalaman ni Damon na may nangyari na sa kanila ni Diwata ay tiyak na hindi siya nito titigilan sa pang-aalaska. Pero bakit nga naman niya sasabihin kay Damon ang bagay na iyon? Siyempre hindi. Pribadong usapan na iyon.
Hindi pa siya sumasagot ay nagpatiuna ng maglakad si Damon sa loob ng bahay niya. Naiiling na lang na isinarado niya ang gate. Wala naman siyang magagawa kahit itaboy niya ang damuhong ito. Istorbo talaga kahit kailan ang kampon ni satanas niyang kaibigan. Kung kailan nagla-loving loving sila ni Diwata ay saka pa naisipang tumambay sa kaniya. Malaki ang naitulong sa kaniya ni Damon kaya hindi niya ito basta-basta masungitan ngayon.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay nangealam na si Damon na magtimpla ng kape nito.
“Gusto mo rin ba?” alok nito sa kaniya. Umiling lang siya.
Nakatayo siya malapit sa refrigerator at si Damon naman ay abala sa pagtitimpla ng kape. Nang lumingon ito sa kaniya ay sinipat siya nito.
“Alam mo parang may napapansin ako sayo,” sabi nito sa kaniya.
Umangat naman ang isang kilay niya.
“Ano na naman?”
“Parang gamit na gamit ka ngayon. Mukha kang sumuong sa gyera ha,” ani Damon sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin.
“Tarantado! Anong pinagsasasabi mo diyan?”
“Umamin ka nga sakin Impyerno. May nangyari na ba sa inyo ni cutie?”
Natigilan siya sa tanong ni Damon. Naging malikot ang mga mata niya dahil doon.
“Anak ng teteng. Silence means yes! So mayroon na nga?” Namimilog ang mga mata ni Damon at hindi man lang yata ito kumukurap.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...