CHAPTER 23

857 61 11
                                    

Hindi magkamayaw si Diwata habang kumakain sila ni Hale sa isang restaurant na nabasa niyang California Pizza Chicken ang pangalan.
Ang dami niyang nakain at wala na siyang pakialam kung kanina pa siya tinitingnan ni Hale. Hindi pa kasi siya tapos kumain. Nagugutom na talaga siya kahit si Hale ang nagsabi sa kaniya kanina na gutom na ito ay mas mukhang gutom siya rito ngayon dahil sa dami ng pagkaing nilalantakan niya.

“Hale ang sarap pala ng pagkain dito ‘no?” aniya habang ngumunguya ng chicken barbeque.

“Wag ka ngang nagsasalita kapag kumakain ka at may laman ‘yang bibig mo,” pagsusungit nito sa kaniya at itinuon ang mga mata sa kinakain nitong spicy chorizo pizza.
Kahit kailan talaga ay ang sungit ni Hale.

“Ang sungit mo na naman,” sabi niya at ngumuso. Tiningnan lang siya nito habang nakataas ang isang kilay. Ang mga dala nilang paperbags ay iniwan na nila sa kotse nito matapos silang lumabas ng mall kanina.

Maya-maya ay nakarinig sila ng mga bulungan sa kabilang table. Tatlong babae ang nakatingin sa kanila at hindi niya alam kung bakit nagbubulungan ang mga ito. Kahit bulong iyon ay nadidinig naman niya.

“Ang gwapo niyang tomboy bhie!” sabi ng isang babae. Napakunot ang noo niya dahil ang mga mata nito ay sa kaniya nakatuon.

Tomboy?

Saka lang niya na-realize ang itsura niya dahil sa suot niya. Mukha siyang lalaki sa porma niya dahil lahat ng suot niya ay panlalaking gamit ni Hale. Nakita niyang salubong ang kilay na lumingon din si Hale doon sa tatlong babae na nagbubulungan.

“Mas gwapo pa siya sa lalaking kasama niya,” rinig niyang sabi ng isang babae at tumawa ito habang sagad ang ngisi.

“Hale mas gwapo pa raw ako sayo nadinig mo?” sabi niya. Naningkit ang mga mata ni Hale at tila na-badtrip ito.

“Anong sinasabi mo? Hindi ka tomboy! Huwag mo ngang pansinin ang mga clown na ‘yun!” wika nito at umiling-iling.

Clown? Hindi naman mukhang clown ang mga babae na iyon ah? Bakit naman kaya nasabi ni Hale na clown ang mga iyon?

“Hindi naman sila clown ah?” sagot niya. Pumalatak ito dahil doon.

“Ubusin mo na ‘yang pagkain mo at aalis na tayo dito,” iritang sagot ni Hale sa kaniya at tumayo sa kinauupuan nito. Namilog ang mga mata niya nang bigla na lang itong lumapit sa tatlong babae na nagbubulungan sa kanila kanina.

“Excuse me, kami ba ‘yung pinag-uusapan niyo?” suplado ang tono ng pananalita ni Hale sa tatlong babae at malinaw niyang narinig iyon dahil tumayo rin siya agad at sumunod dito.

“Hmm yes, ang gwapo kasi ng boyfriend mo,” sagot ng babae kay Hale at muling ngumisi na tila wala man lang pakialam sa kung ano ang sinasabi nito.

“Fuck? Anong sabi mo? Boyfriend? Tanga ka ba? Mukha ba kong bakla?”

Mas tumaas ang boses ni Hale kaya naman napakapit siya sa braso nito upang awatin ito.

“Hale tama na. Wag mo na silang patulan,” bulong niya rito pero hindi ito nagpaawat.

“Ah sorry, I thought you're gay kasi dahil may kasama kang tomboy,” anang babae at sumipsip pa ito ng juice.

“Huh? Miss hindi naman ako tomboy eh!” sabat niya sa babae pero nagpa-cute pa ito sa kaniya kaya mas lalo lang siyang naguluhan.

“You fuckin stupid! Hindi siya tomboy kaya tigilan niyo ‘yang pagbubulungan ninyo tungkol sa kaniya!” asik ni Hale sa babae.
Shocked ang tatlong babae at naramdaman niya ang kamay ni Hale na humila sa braso niya.

“Let's go Diwata. Huwag kang makipag-usap sa mga baliw na ‘yan,” sabi nito at lumabas na sila ng restaurant na iyon.

Babalik pa sana siya dahil ang dami nilang tirang pagkain at puwede pa nilang iuwi iyon ang kaso ay ayaw ni Hale at pinapasok na siya nito sa loob ng sasakyan
Lukot na lukot ang mukha nito at halatang inis na inis.

“Uy! Huwag ka na ngang ma-badtrip diyan! Napagkamalan lang naman nila akong tomboy eh,” sabi nya rito. Nilingon siya nito at gigil na gigil pa rin ang mukha nito.

“Sinong hindi maba-badtrip, pinagkamalan nila akong bakla? Do I look gay? Fuck!”

Hinampas nito ang manibela ng sasakyan.

“At sinabi pa nila na mas gwapo ka sakin. Nakakainsulto!” dagdag nito. Napangisi siya at tiningnan ang mukha niya sa salamin. Sinundan naman siya ng tingin ni Hale na mas lalong nangunot ang noo dahil nakangiti pa siya.

“Baliw ka ba? Bakit nakangiti ka pa riyan?” tanong nito sa kaniya.

“Hehe! Iniisip ko lang, paano kaya pag naging lalaki ak—”

“Fuck! Shut up!” muli nitong asik kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

Bakit ba ito nagagalit? Sabi kasi ng babae ay gwapo siya kaya gusto niyang subukan maging lalaki.
Ano kaya ang feeling na maging lalaki?

Muntik na siyang masubsob sa harapan ng sasakyan nang biglaan iyong pinaandar ni Hale.

Napakapit tuloy siya sa gilid at nagreklamo dito.

“Hale ano ka ba? Muntik na kong masubsob,” aniya habang gulat na gulat na nakatingin dito. Hindi ito kumibo sa sinabi niya kaya naman nanahimik na lang din siya sa isang tabi. Muli niyang iniisip iyong pagiging lalaki. Gusto niyang subukan maging lalaki.

Nang makauwi sila sa bahay ni Hale ay wala pa rin itong kibo. Totoong badtrip nga ito, ni hindi man lang siya nito tinulungan na bitbitin ang mga napamili nila. Dire-diretso lang itong pumasok sa loob. Ang weird talaga ni Hale kahit kailan. Simpleng bagay lang ay nagagalit na ito agad.
Siya na lang ang mag-isang nagbitbit ng mga napamili nila. Ang dami niyon kaya naman nakailang balik siya sa sasakyan.

Nang matapos niyang bitbitin ang lahat ng gamit na napamili nila ay isa-isa niyang tiningnan iyon habang nakaupo siya sa malaking sofa. Ang gaganda ng damit at mamahalin iyon. Bigla tuloy siyang nahiya kay Hale dahil gumastos ito ng malaki sa kaniya. Hindi bale, babayaran na lang niya ito kapag nakauwi siya.
Bigla niyang naalala si Lee, kamusta na kaya ito ngayon? Gusto niya itong makausap pero hindi pa sa ngayon. Gabi-gabi niyang iniisip ang tungkol sa pagkakaroon nito ng anak sa ibang babae, hindi na niya kayang tanggapin si Lee dahil mayroon na itong ibang pamilya at ayaw niyang lumaki ang anak nito ng walang tatay. Mahal niya ito at mahalaga ito sa kanya lalo na ang pinagsamahan nila sa mahabang panahon, pero hindi siya pwedeng kumapit doon dahil iba na ngayon. May anak na ito at hindi sa kaniya kundi sa ibang babae.
Hindi niya alam kung bakit sa mga sandaling ito ay walang luhang pumatak mula sa mga mata niya. Namanhid na yata siya sa sakit.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon