Maganda ang umaga ni Diwata dahil sa magandang panaginip niya kagabi. Isa raw siyang prinsesa na nakatira sa mala-paraisong palasyo. Ngunit ang higit na nagpaganda ng tulog niya ay ang kakaibang pakiramdam dahil sa prinsipeng kasama niya sa panaginip. Hindi nga lang niya masyadong matandaan ang mukha nito.
Bakit kaya ganoon? Malinaw sa kaniya na masaya siya sa piling nito pero ngayong gising na siya ay hindi na niya maalala ang mukha nito. Tanging magandang tindig lang ng pangangatawan nito ang nakatatak sa isipan niya tapos ang kulot na buhok nito.
Parang hindi naman ganoon ang itsura ng asawa niyang si Lee. Malayong-malayo iyon sa prince charming niya sa panaginip.
Bumuntong-hininga siya kasabay ng paghilamos ng sariling mga palad sa mukha.
Nasobrahan na naman siya sa pagbabasa ng fairytales.
Nilingon niya ang libro na nakapatong sa gilid ng kaniyang kama. It was The Flower Fairies story that she just finished last night. Natapos niyang basahin iyon kagabi matapos siyang tawagan ni Lee. Nagmamadali tuloy siyang umuwi. Hinanap kasi siya nito dahil wala siya at gabi na raw kaya pinauwi na siya nito.
Wala na ang asawa niyang si Lee nang magising siya ngayon. Nasa trabaho na ito.
Tumayo siya at lumabas ng silid nilang mag-asawa. Sinalat-salat niya muna ang halaman niyang eucalyptus na nakalagay sa vase.
“Good morning!” nakangiting bati niya sa halaman.
Ang gaan ng feeling niya ngayon. Nagtungo siya sa refrigerator at kumuha ng fresh milk. Isinalin niya iyon sa baso at ininom.
Nakasuot pa rin siya ng pajama na kulay yellow at spongebob ang design. Cute na cute talaga siya kay spongebob. Muli niyang ipinugong ang maiksing buhok upang maging maaliwalas ang mukha niya.
Plano niyang bumili ng aso ngayon dahil naiinggit siya dun sa aso na pagmamay-ari ni Jericho Rosales. Hindi niya ito masyadong nakausap kahapon dahil nga tumawag na ang asawa niya. Baka may ibang kasama pa ang mga aso na ‘yun at pwede siyang makabili.
Pero hindi nya alam kung saan nakatira si Jericho Rosales eh. Paano siya makakabili ng aso?
Nagpasya siyang lumabas ng gate upang maglakad-lakad muna. Hindi pa naman tirik ang araw kaya parang exercise lang din niya ito.
Pahuni-huni pa siya habang nakangiti at tinitingnan ang lahat ng nadadaanan niya.
“Grabe, ang ganda talaga dito sa South Ridge! Mabuti na lang at dito nagpilit si Lee na tumira,” manghang sabi niya habang pinagmamasdan ang magagandang bahay na nakikita niya.
Habang naglalakad siya ay nasalubong niya ang isang magandang babae na nagmo-morning walk din kagaya niya.
“H-hi!” nakangiting bati niya rito at kumaway. Tumingin sa kaniya ang babae. Parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito.
“Hi!” ganting bati rin nito sa kaniya.
“Uhm, you look familiar...” kunot-noong sambit niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito.
Parang nakita na niya ito matagal na. Hindi lang niya maalala kung saan.“May kamukha ka eh. Parang nakita na kita dati,” aniya sa babae.
Nag-iwas naman ito ng tingin.
“H-huh? N-ngayon pa lang tayo nagkita baka nagkakamali ka lang,” sabi ng babae sa kaniya at medyo naging mailap ang mga mata nito. Parang bigla itong umiwas sa kaniya dahil sa pag-iisip niya kung saan niya ito nakita. Hindi na lang siya nakipagpilitan kahit alam niya sa sarili niyang nakita na niya ito. Medyo hirap talaga ang utak niya minsan na umalala ng mga bagay-bagay o pangyayari.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomansSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...