“Yehey!” nakangiting sambit ni Diwata nang huminto ang kotse ni Hale sa tapat ng gate ng bahay nila ni Lee. Agad niyang inalis ang seatbelt at tumingin sa lalaking naghatid sa kaniya na lukot na lukot ang noo. Hindi man lang siya nito nilingon at seryoso lang ito habang nakatingin sa harapan ng kotse.
Bakit kaya parang pasan nito lagi ang daigdig? Hindi ba ito marunong maging masaya? Siguro mas magiging gwapo ito kung matututo itong tumawa man lang.
“Baba na,” rinig niyang utos nito sa kaniya.
“Uhm, gusto mo bang magmiryenda muna sa loob? Pasasalamat ko man lang sayo dahil hinatid mo ako,” nakangiting sabi niya rito.
“No need to. I have a lot of important things to do,” walang emosyon na sagot nito sa kaniya.
“Sure kang ayaw mo? Marami akong bake na cookies sa loob. Gusto mo ipag-uwi kita?” pamimilit pa niya rito pero wala pa ring emosyon si Hale.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pagbukas ng gate mula sa labas ng bahay nila. Nagulat siya nang may lumabas doon na isang babae. Maganda ang babae at matangkad ito. Mahaba ang kulot na buhok at mestiza. Hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan kaya malaya niyang napagmasdan ito.
Napakunot ang noo niya dahil hindi niya ito kilala pero lumabas ito sa gate ng bahay nila. Nakatitig lang siya dito habang punong-puno ng pagtataka.
Sino ang babaeng ito?
Bago pa man siya makababa ng sasakyan ay sumakay na ang babae sa isang pulang kotse na nakaparada sa labas ng gate nila. Umalis na ito kaagad. Nang lingunin niya si Hale sa gilid niya ay nakita niyang sinusundan nito ng tingin ang babae. Nakatingin din pala ito doon kanina.
“Anong ginagawa dito ni Santiara?” mahinang bigkas ni Hale sa gilid niya pero hindi niya ito naunawaan. Mahina lang kasi ang boses nito at hindi na siya nag-abala pa na ipaulit kung ano ang sinabi nito. Ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay kung sino ang babaeng pumasok sa bahay nila.
Nang makabawi siya ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya at napatakip siya sa sariling bibig.
“Oh my god!” kinakabahang sambit niya dahilan para tingnan siya ni Hale.
“H-hindi kaya magnanakaw ‘yung babae na ‘yun? Baka nalimas na niya ang mga gamit namin sa loob. Huwaaaaa!”
Umakma siyang bubuksan ang sasakyan pero pinigilan siya ni Hale.
“Bakit? Bitawan mo ko, kailangan kong makita ang loob ng bahay namin!” taranta niyang sabi pero hindi siya binitawan ni Hale bagkus ay isinandal siya nito sa upuan. Napatitig siya sa mukha nito habang nanlalaki ang mga mata. Magkalapit ngayon ang mukha nila at kaunti na lang ay magdidikit na iyon.
Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya lalo na nang bumaba ang tingin nito sa labi niya.
“H-hale?”
Napakurap ito at tila natauhan nang tawagin niya ang pangalan nito. Napabuga ito ng hangin at nilayo ang mukha sa kaniya.
“Iyong babae nakita mo rin siya ‘di ba? Baka magnanakaw siya kailangan ko siyang mai-report–”
“Baliw ka ba? Sa tingin mo ba eh magnanakaw talaga ‘yung babae na ‘yon?” pigil ni Hale sa kaniya. Kumunot ang noo niya.
“Galing siya sa loob ng bahay namin at hindi ko naman siya kakilala. Kung hindi siya magnanakaw ay sino siya? Bakit nasa loob siya ng bahay namin?” tanong niya kay Hale pero napahimas lang ito sa noo nito.
“Mukha bang magnanakaw ‘yung babae na ‘yon? Look! Ang mabuting gawin mo eh tingnan mo ang loob ng bahay mo kung nandoon ang asawa mo,” anito sa kaniya. Mas lalo siyang naguluhan. Ano namang koneksyon ng babae sa asawa niya? Bakit biglang nadamay ang asawa niya?
“B-bakit? Anong kinalaman ni Lee?”
Totoong nagtataka siya sa sinabi ni Hale.
“Fuck! Hindi ba malinaw? Tangina talaga, ang tanga naman!” gigil nitong sabi at dalawang kamay pa ang pinangkuskos sa sarili nitong buhok.
Nababaliw na yata si Hale. Mukhang may iba itong kaaway.
Napailing na lang siya dahil hindi niya talaga maunawaan si Hale. Nagdesisyon na siyang bumaba ng sasakyan.
“Kailangan ko ng pumasok sa loob, Hale. Thank you ha? Sa ibang araw na lang kita bibigyan ng cookies,” sabi niya rito. Hindi ito nagsalita hanggang sa tumalikod na siya rito at pumasok na sa loob ng gate ng bahay nila.
Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niya si Lee na nakahubad pa at mukhang kaliligo lang.
“Santiara bakit bumalik–”
Naputol ang pagsasalita nito nang lumingon ito sa kaniya at makita siya nito. Gulat na gulat ito pagkakita sa kaniya.
“S-sweetheart. I-ikaw pala,” utal nitong sabi.
Ngumiti siya rito.
“Bakit ang aga mo yatang umuwi ngayon? Saka sino si Santiara? ‘Yun ba yung babaeng lumabas sa bahay natin kanina?” tanong niya kay Lee. Tila kinabahan naman ito at hindi nakasagot agad sa tanong niya. Nagtataka tuloy siya sa kinikilos nito.
“Okay ka lang sweetheart?” tanong niya rito.
“Ah, oo. Ahm, saan ka pala galing?” balik na tanong nito sa kaniya. Nawala sa isip niya yung tinatanong niya dito kanina dahil nilibang siya agad ni Lee. May mga pasalubong daw ito sa kaniyang mga bagong libro.
Na-excite siya at agad na tiningnan sa itaas ng silid nila ang sinasabi nitong mga libro.
Pagpasok niya sa loob ng silid nila ay nagtaka siya dahil amoy pabango ng babae.
“Sweetheart, nagbago ka ng pabango?” tanong niya sa asawa.
“H-ha? Ah– oo. I mean, hindi. Yung pabango lang ng katrabaho ko kanina ‘yun sa opisina. Natapon kasi sa bag ko,” paliwanag ni Lee sa kaniya. Napatango-tango na lang siya at kinuha ang librong nakapatong sa lamesa. Alibaba, Pinocchio, at Sleeping Beauty. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya at agad na niyakap ang asawa dahil sa sobrang tuwa. Mayroon na naman siyang mga libro.
“Thank you sweetheart! Ang saya ko. Excited na tuloy akong magbasa,” nakangiting sabi niya. Hinalikan naman nito ang noo niya.
“You're welcome sweetie. Hindi mo pa sinasagot ‘yung tanong ko. Saan ka nanggaling?”
“Nagsimba lang ako,” wala sa sariling sagot niya habang binubuklat ang mga libro. Tuwang-tuwa talaga siya kapag may mga bagong libro siya.
“Okay. Oorder na lang ako ng food natin for lunch,” ani Lee sa kaniya. Tumango lang siya rito at lumabas na ito ng silid nila.
-
Paulit-ulit ang tanong sa isipan ni Hale habang lulan siya ng sasakyan patungo sa Dreame Café.
Anong ginagawa ng pinsan niyang si Santiara dito sa Pilipinas? Kailan pa ito umuwi?
Iyon ang mga tanong na kanina pa naglalaro sa isipan niya matapos niya itong makita na lumabas sa bahay ng wirdong babae kanina.
Napailing siya at napabuga ng hangin.
Pati ba ang pinsan niya ay biktima din ng gunggong na asawa ng wirdong babaeng iyon?
Huminto ang sasakyan niya sa Dreame Café kaya dali-dali siyang nagtungo sa loob at umorder ng paborito niyang inumin.
Si Trina pa ang nag-abot sa kaniya ng order niya at nakasuot ito ng damit na halos litaw na ang kaluluwa. Mabilis niyang iniwas ang mga mata nang sinadya nitong yumuko sa harap niya para ilapag ang order niya. He's not comfortable with this woman. Malagkit ito kung makatingin sa kaniya.
Sumimsim siya ng kaniyang paboritong inumin matapos mawala si Trina sa harapan niya. Natigilan siya ng matanaw niya ang bulto ng babaeng kanina pa naglalaro sa utak niya. Pumasok ito sa loob ng café na kinaroroonan niya matapos iparada ang pulang kotse na dala nito.
It was his cousin, Santiara Frommette. Nakasuot ito ng shades sa mata. Mapula ang lipstick nito at pati ang suot nito ay pulang-pula rin. Agad siya nitong nakita nang makapasok ito sa loob. Halatang gulat na gulat din ito pagkakita sa kaniya. It's been two years since the last time he saw her cousin. Wala pa ring pagbabago ang galaw at tindig nito. Model ito sa London at nag-iisang anak lang din katulad niya.
“Kuya Vandrous? Oh my god, Kuya!” gulat na sambit nito at agad lumapit sa kaniya. Mas sanay itong tinatawag siya sa second name niya. Matanda lang siya ng dalawang taon dito.
“Hindi ko akailaing nandito ka na pala sa Pilipinas. Kailan pa?” tanong niya dito at tumayo upang hilahin ang upuan para dito.
“Thanks!” nakangiting sabi nito at humalik sa pisngi niya bago naupo.
“Kauuwi ko lang last week. Noong isang araw galing ako sa bahay mo ang kaso ay walang tao. Hindi kita lagi naaabutan,” sabi nito sa kaniya.
“Why you didn't inform me na uuwi ka pala? Sana ay nasundo man lang kita sa airport,” aniya rito.
“It's alright Kuya. Ayokong abalahin ka pa kaya hindi na din ako nagsabi. Nagkita na kami ni Tito ang kaso ay hindi pala kayo nag-uusap. Kamusta ka na? Are you married na?” agad na tanong nito sa kaniya. Nasamid siya sa iniinom niya dahil sa tanong nito.
“What kind of question is that?
Ang aga mo namang nang-iinsulto. Mukha ba kong may asawa na?” sagot niya dito at ipinakita dito ang daliri niya.
“Walang singsing ‘di ba?” dagdag pa niya. Ngumisi naman ito sa kaniya at nag-order muna sa waiter bago nagsalita ulit.
“Eh bakit hindi pa? Si ate Diosah? Nandito rin ba siya? Nagkabalikan kayo?”
Bigla siyang natahimik sa sunod-sunod na tanong nito.
“Oops, sorry!” bigla ay bawi nito nang mahalata na pumakla ang mood niya.
“Wala akong balita sa kaniya,” tipid niyang sagot.
“Hmm, so single pa rin ang Kuya kong masungit until now? I can't believe it! Sa gwapo mong ‘yan?”
“Gwapo nga wala namang nagmamahal.”
Tumawa si Santiara sa sinabi niya.
“Eww! Two years lang tayong hindi nagkita ganiyan na ang mga linya mo?”
Napailing siya at tumawa.
“Kadiri ‘no?”
Tumango si Santiara kaya nagkatawanan silang magpinsan. Sa gitna ng pag-uusap nila ay naitanong niya rito ang tungkol sa pagkakakita niya dito kanina mula sa bahay nung babaeng wirdo at hindi siya makapaniwala sa naging sagot nito sa tanong niya. Excited pa itong nagsabi sa kaniya at mukhang tama siya ng hinala.
“May boyfriend kasi ako sa village niyo. Si Architect Lee Amielles...”

BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...