CHAPTER 25

926 68 12
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Diwata. Nagluto muna siya ng almusal para sa kanilang dalawa ni Hale. Ngayon na niya binabalak umuwi sa bahay nila ni Lee. Ngayon na rin niya sasabihin sa asawa niya na gusto na niyang makipaghiwalay dito. Nakarinig siya ng mga yabag sa hagdan kaya naman nilingon niya ito. Kasalukuyang pababa si Hale habang topless lamang at nagkukuskos ng basang buhok nito.

Ang aga naman nitong naligo? Kunsabagay ay may pasok ito sa opisina. Agad niyang tinakpan ang dalawang mata at tumalikod dahil papalapit na ito sa kaniya.

Bakit ba ito nakahubad? Ang lamig-lamig eh.

"Hale gising ka na pala. Nagluto ako ng breakfast natin," sabi niya kay Hale pero hindi niya ito nililingon.
Hindi niya tuloy makita ang reaksyon ng mukha nito.

"Bakit ka nakatalikod diyan? Anong ginagawa mo?" tanong ni Hale sa kaniya.

"Eh kasi nakahubad ka eh. P-pwede bang magdamit ka?" pakiusap niya sa nauutal na tinig.

"Uh, sorry about it. I'll put on my shirt," medyo nahihiyang sagot nito sa kaniya. Nagbilang siya ng 30 seconds saka pa lang siya muling humarap dito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakadamit na si Hale.

Naupo ito sa isang upuan at naupo na rin siya katapat nito. Pinagmamasdan nito ang mga pagkain niyang inihain sa lamesa. Tahimik lang silang dalawa at siya ang unang pumutol ng katahimikan.

"Ahm, Hale salamat nga pala ha? Salamat dahil pinatuloy mo ako sa bahay mo. Salamat dahil tinulungan mo ako. Kung wala ka, siguro hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sakin," aniya dito. Nakatingin lang ito sa kaniya. Malalim ang pagkakatitig ng mga mata nito kaya naman nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Heto na naman ang pasaway niyang puso na laging naghuhumirentado kapag si Hale ang kaharap niya at tinitingnan siya nito ng ganoon.

"Hindi ako tumatanggap ng salamat. May kapalit 'yun," biglang sabi ni Hale sa kaniya dahilan para tingnan niya ito ng may pagkagulat sa mga mata.

"H-ha? M-may kapalit? Akala ko pa naman ay bukal sa loob mo ang pagtulong sa akin." Ngumuso siya at uminom ng gatas sa baso.

Nakita niyang pasimpleng tumawa si Hale pero sandali lamang iyon at agad din na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito.

"Hindi mo ba itatanong kung ano 'yung kapalit?" tanong sa kaniya ni Hale habang nakataas ang isang kilay.

"A-ano ba ang kapalit? Basta 'yung kaya ko lang ah?"

Ilang sandali na tumahimik si Hale at kapagkuwan ay nagsalita din naman ito.

"Simple lang naman ang kapalit eh. Mahalin mo ako."

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Hale. Nasamid siya sa iniinom niyang gatas kaya naman dali siyang dinaluhan ni Hale at hinagod ang likod niya.

"What the? Are you okay?" tanong nito habang nasa likod niya. Ramdam niya ang paghagod ng kamay nito sa likod niya.

Ilang sandali pa siyang umubo ng umubo dahil sa pagkakasamid niya bago siya nakabawi.

Seryoso ba si Hale sa sinabi nito sa kaniya?

"H-hale, ano bang sinasabi mo? Pinagtitripan mo ba ako?" balik niya sa binata pero kumunot lang ang noo nito.

"Bakit? Hindi mo ba ako kayang mahalin?" tanong nito sa kaniya. Walang kangiti-ngiti si Hale ngayon at seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

Mahalin? Pwede ba iyon? Kahit naman masaya siya sa piling ni Hale at gusto niya ito dahil magaan ang loob nya dito, hindi naman pwedeng mangyari na magkaroon sila ng relasyon dahil may asawa siya. Alam niya na mali iyon.

"P-pero Hale may asawa ako. Saka ikaw, wala ka pa bang asawa? Matanda ka na ah?"

Nakita niyang napabuntong-hininga ito dahil sa sinabi niya.
Hinimas nito ang sariling noo bago nagsalita.

"Mukha ba akong may asawa na? Tingin mo ba ay patitirahin kita sa bahay ko kung may asawa na ako? May nakikita ka bang ibang babae sa bahay na ito bukod sayo?"

Natigilan siya sa sinabi ni Hale.

"Mabait ka naman kaya naniniwala ako na kahit may asawa ka na ay tutulungan mo pa rin ako," sagot niya dito. Mas lalo lang itong nagmukhang nalugi dahil sa sinagot niya. Para bang mauubusan na ito ng pasensya.

"Fuck! Hindi mo ba nararamdaman? Mahalaga ka sakin at importante ka sakin Diwata, mahal na kita!" pagtatapat nito sa kaniya.
Muli ay bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam ang magiging reaksyon niya.

"P-pero kasal na ako Hale. May asawa na ako."

Umiling si Hale at namaywang.

"Fuck that reason! Hindi ka naman mahal ng asawa mo, dahil kung mahal ka niya hindi ka niya lolokohin!"

Napatungo siya dahil sa sinabi ni Hale. Tila sinampal siya ng katotohanan dahil doon. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Kung totoong mahal siya ni Lee ay hindi siya nito lolokohin. Hindi ito magkakaroon ng anak sa ibang babae. Pinigilan niya ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata niya.

"Mali pa rin na mahalin mo ako Hale," sabi niya habang malungkot ang mga matang nakatingin sa mukha nito. Kunot na kunot ang noo ni Hale habang nakatingin sa kaniya.

"Anong mali? Sabihin mo lang sakin na pareho tayo ng nararamdaman Diwata at handa akong baliin lahat ng batas dito sa mundo!"

Nakatitig lang si Hale sa kaniya at puno ng determinasyon ang mga mata nito. Napalunok siya at hindi makapagsalita.
Sa maiksing panahon na nakilala niya si Hale ay magaan ang pakiramdam niya dito. Pakiramdam niya ay ligtas siya palagi basta kasama niya ito. Para bang walang aapi sa kaniya at kahit pa sinusungitan siya nito madalas ay hindi iyon naging rason para kamuhian niya ito, bagkus ay mas lalo pa niyang nahuli ang ugali nito. Totoong tao ito. Hindi naman ito masamang tao dahil lang sa pagsusungit nito sa kaniya. Alam niyang mabuti ang puso ni Hale dahil ramdam niya iyon. Para siyang nakalutang sa ere habang unti-unting nagsisink-in sa isipan niya ang lahat ng salitang binitawan nito. Mahal siya ni Hale. Totoo ba ang lahat ng ito? May tao pa palang magmamahal sa kaniya bukod sa mga magulang niya dahil ang asawa niyang si Lee ay hindi siya totoong minahal. Niloko siya nito at sinaktan pati na rin ng pamilya nito.

Bago pa man siya makapagsalita ay naramdaman niya ang kamay ni Hale na humapit sa baywang niya at ang sunod na nangyari ay nakalapat na ang labi nito sa labi niya.

Hindi siya agad nakakilos at nanlalaki ang mga mata nya habang marahang gumagalaw ang labi nito sa labi niya. Kahit hindi ito ang unang beses na naglapat ang labi nila ay tila bago pa rin sa kaniya ang pakiramdam ngunit aaminin niyang tila siya nakalutang sa alapaap.

Ginantihan niya ang halik nito at iginalaw din ang labi niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Hale dahil sa pagganti niya sa halik nito.

Ito ang unang kumalas sa halik na iyon.

"Now I know na may nararamdaman ka rin sa akin. You can't hide it anymore, Diwata. You kissed me back and that means you have a feelings for me. Kailangan ko pa bang ipaliwanag ng husto? I know you're childish pero alam ko rin na hindi mahirap para sayo na alamin ang tunay na nararamdaman mo."

Nakagat niya ang ibabang labi matapos marinig ang mga sinabi nito.

Alam niyang may espesyal na itong puwang sa puso niya at aaminin niya iyon, pero sa ngayon ay magulo pa ang sitwasyon at marami pa siyang mga bagay na dapat ayusin. Lalo na ang tungkol sa kanila ni Lee.

"H-hale kailangan ko munang umuwi at ayusin ang lahat-"

"Hindi ako papayag na hindi ako kasama sa pag-ayos mo ng kung ano mang dapat ayusin. Halika na at ihahatid na kita," putol nito sa sinasabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at wala siyang nagawa dahil kahit anong tanggi niya na ihatid siya nito sa bahay nila ni Lee ay nagpumilit pa rin ito.
Kinakabahan siya sa mga posibilidad na mangyayari pero sa tuwing tinitingnan niya na nasa tabi lang niya si Hale ay napapawi ang kaba niya.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon