Nakangiti si Hale habang pinagmamasdan ang maamo at inosenteng mukha ni Diwata na nakapikit at natutulog sa mga bisig niya. Pakiramdam niya ay may nabuo ulit sa pagkatao niya matapos na may mangyari sa kanila. Alam niyang masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili, matagal na siyang nagtitimpi at kanina ay hindi na niya nagawa pang kontrolin ang pagkasabik niya sa dalaga.
Mas lalo niyang gusto na maikasal sila agad dahil sa nangyari. Hindi na niya kayang mawala pa si Diwata sa buhay niya. Masyado ng napalapit ang damdamin niya rito at hindi na niya ma-imagine ang buhay niya kapag wala ito sa tabi niya.
Nagdidilim na ang paligid ngunit natutulog pa rin ito sa tabi niya. Alam niyang napagod niya ito ng husto. Mukhang ang dami nitong ginawa sa bahay buong araw tapos dagdag pa yung nangyari sa kanila. Gustuhin man niyang yayain itong umuwi sa bahay niya ay hinayaan na lang niya na magtuloy-tuloy ang tulog nito. Ayaw niya itong gambalain pa upang makabawi ito ng lakas.
Nang makita niyang saktong alas-syete na ng gabi ay maingat niyang inihiga ang ulo ni Diwata sa unan. Kinumutan din niya ang katawan nito. Tumayo siya at nagbihis. Oorder na lang siya ng pagkain nila dahil ramdam niyang kumakalam na rin ang sikmura niya. Habang nagbibihis siya ay hindi pa rin magawang umalis ng ngiti sa labi niya. Nababaliw na yata siya. Hindi naman ito ang unang beses na nagmahal siya pero bakit ngayon lang nangyari sa kaniya na para siyang baliw at pangiti-ngiti pa. Kung nandito lang si Damon ay malamang na aalaskahin na naman siya ng gagong iyon. Pero malaki rin ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil sa napakalaking pabor na ginawa nito para sa kaniya. Kaya hindi niya maitapon ang gunggong na iyon eh.
Lumabas siya ng silid at naupo sa magarang sofa ng bahay nila Diwata. Napangiti siya nang mapansin na wala na ang larawan ni Diwata at Lee na nakita niyang nakasabit dati sa wall noong kinasal ang mga ito. Mukhang desidido na talaga si Diwata at natutuwa siya dahil hindi na siya mahihirapan ngayon.
Kinuha niya ang cellphone at nag-dial doon para magpa-deliver ng pagkain.
“Hale?”
Agad siyang napalingon nang marinig ang boses ni Diwata na biglang tumawag sa pangalan niya.
Nakita niyang pupungas-pungas ito habang nakatayo at wala pang saplot sa katawan.
What the fuck?!
Mabilis siyang tumayo at tiningnan ang paligid, mabuti na lang at sarado ang lahat ng bintana at pinto.
Shit! Ano bang ginagawa nito? Bakit lumabas ito ng nakahubad?
“What the hell are you doing? Bakit ka lumabas ng hindi man lang nakabihis?” nanlalaki ang mga matang sabi niya kay Diwata. Tila natauhan naman ito at noon lang napagtanto kung ano ang sinabi niya. Napatingin ito sa sariling kahubdan at pagkatapos ay gulat na gulat na napatakip sa sariling katawan.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at iniwasan itong tingnan. Hinimas niya ang sariling noo.
“Please go to your room and get dressed, Diwata,” pakiusap niya sa nagtitimping tinig. Tila may nabuhay kasi sa ibabang bahagi ng katawan niya nang makita ang kahubdan ng dalaga. Ganito kalakas ang epekto ni Diwata sa kaniya.
“Oh my god!” gulat na sambit ni Diwata at nagmamadali nga itong bumalik sa silid. Mukhang wala pa ito sa sarili at naalimpungatan lang. Tinapik niya ang sariling noo at napatingin sa ibabang bahagi ng katawan niya.
“Fuck! Ano bang sinasaludo mo riyan?” parang tangang kausap niya sa ibabang parteng iyon na mabilis namukol.
“Tangina talaga!” usal niya habang iiling-iling. Bumalik siya sa sofa nang habol niya pa rin ang hininga. Naglalaro na naman tuloy sa utak nlya ang magandang katawan ni Diwata. Nagiging manyak na yata siya.
“Hale tapos na akong magbihis!”
Hindi siya lumingon nang marinig ang boses na iyon ni Diwata, alam niyang papalapit na ito sa kaniya ngayon.
Naiinis siya rito. Paano na lang kung may nakakita sa katawan nito? Hindi niya ma-imagine at mas lalong hindi niya kayang tanggapin na may ibang taong makakakita sa magandang katawan nito, dapat ay siya lang.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Bakit ka lumabas ng walang saplot sa katawan mo? Paano na lang kung may ibang nakakita sayo?” inis na sabi niya nang tabihan siya ni Diwata. Nalukot naman ang noo nito habang nakatingin sa nakasimangot niyang mukha.
“G-galit ka ba? Bakit ka nagagalit? Hindi ko naman sinasadya na lumabas ng ganoon eh. Nag-panic kasi ako dahil pagdilat ko wala ka na sa tabi ko,” parang bata na sabi nito sa kaniya. Tinitigan niya ito sa mga mata at napansin niyang naging malungkot ito.
“Hinanap mo ako?” tanong niya rito. Nakangusong tumango naman ito sa kaniya.
“Oo, akala ko kasi ay panaginip lang ang lahat. Paggising ko kasi wala ka na sa tabi ko,” sagot nito sa kaniya. Tila hinaplos naman ang puso niya at nawala agad ang inis niya nang malaman niya na hinahanap pala siya nito. Pinigilan niya ang mapangiti.
“Bakit mo naman naisip na panaginip lang ang lahat?” tanong niya rito.
“Eh kasi ganoon naman lagi, madalas kapag sobrang saya ko panaginip lang pala iyon,” sagot ni Diwata sa kaniya.
“So, you mean masaya ka sating dalawa?”
Pilit niyang itinatago ang ngiti at hindi niya alam kung napapansin iyon ni Diwata. Tumango ito sa tanong niya at humilig sa balikat niya.“Bakit mo ba kasi ako iniwan? Nagising tuloy ako agad, parang mas masarap yung tulog ko kapag ikaw ang katabi ko.”
Parang lumulundag ang puso niya dahil sa mga katagang nadidinig niya mula kay Diwata. Para na siyang tanga na kanina pa pigil ng pigil ng ngiti.
“Hmm, ano nga ulit iyon? Puwede bang ulitin mo ulit yung sinabi mo?”
“H-Huh? Hale naman! Sabi ko kasi sayo na bumili ka ng cotton budds para hindi ka nabibingi eh, siguro ay hindi mo nililinisan ‘yang tainga mo," sagot ni Diwata sa kaniya. Napailing na lang siya.
“Hindi ko nga narinig kaya ulitin mo na lang,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay gusto lang niyang marinig ulit iyon.
“Sabi ko mas masarap ang tulog ko kapag nasa tabi kita, bakit ka ba kasi umalis?”
Tuluyan na siyang napangisi dahil sa sinabi ni Diwata. Tumingala ito sa kaniya at sinundot ang pisngi niya.
“Nakikinig ka ba Hale? Bakit ka nakangiti, may nakakatawa ba sa sinabi ko?” kunot-noong tanong nito. Sobrang inosente talaga ng babaeng ito.
“Ha? Wala masaya lang ako. Umalis ako sa tabi mo kanina kasi magpapa-deliver ako ng pagkain natin, alam ko kasing magugutom ka kapag gising mo,” sagot niya kay Diwata.
“Talaga nagpa-deliver ka?”
“Hindi pa nga ako nakatawag dahil bigla kang lumabas ng walang saplot, nawala tuloy ako sa linya,” sabi niya.
“Sorry.”
“It's okay. Anyway, what do you want to eat? Gusto mong magpa-deliver na lang tayo or lumabas tayo at humanap ng restaurant?”
Ilang saglit na nag-isip si Diwata sa tanong niya.
“Puwede bang lumabas tayo at doon tayo sa favorite kong Café pumunta? Doon sa Dreame Café, miss ko na yung Italian Soda doon.”
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni ni Diwata.
“Bakit doon? Ayaw mo bang sa ibang restaurant tayo kumain?”
“Pero doon ko gusto Hale, saka naalala ko doon kita unang nakita.” Ngumiti si Diwata sa kaniya at sa isang ngiti lang na iyon ay hindi na niya nagawa pang kumontra.
“Sige na, ihahanda ko na yung sasakyan,” pagsuko niya rito.
“Yehey! Isama natin si baby Hail ko ha?”
Napilitang tumango na lang siya rito. Kung hindi lang maganda ang pangalan ng aso na iyon ay baka nagselos na siya, halatang mahal na mahal ni Diwata ang asong iyon.
Lumabas siya at inihanda ang sasakyan niya. Pagbibigyan niya na lang si Diwata sa gusto nito dahil ayaw niya naman itong tanggihan dahil baka malungkot lang ito at iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi na niya kayang makita na nalulungkot na naman ito. He will do everything to make her happy. Iyan ang pangako niya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...