CHAPTER 13

877 61 21
                                    

Huminto ang sasakyan ni Hale sa tapat ng 7/11 kaya naman nagtataka si Diwata dahil binuksan nito ang sasakyan at bumaba doon.

“Dito ka lang bibili lang ako ng listerine. Ang sakit ng ipin ko, tangina nga naman oh!” inis na wika nito bago padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan.

Napanguso lang siya.

“Eh bakit kaya kasi hindi niya ipabunot? Hmf!” bubulong-bulong na sabi niya sa sarili habang nakatanaw kay Hale mula sa loob ng 7/11. Nakapasok na ito doon at natanaw niyang maraming bumibili sa loob.

Patingin-tingin lang siya mula sa bintana nang may matanaw siyang nagtitinda ng cotton candy. Agad siyang napangiti at binuksan ang pintuan ng sasakyan para bumili niyon.

Maraming sasakyang dumadaan at nasa kabilang kalsada pa ang nagtitinda ng cotton candy kaya naman naghintay muna siya na mawala ang mga sasakyan. Hindi niya namalayan ang isang lalaking naka-bonet na kanina pa pala siya pinagmamasdan. Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kaniya at napaatras siya dahil agad nitong hinablot ang kamay niya na may lamang wallet saka cellphone.

“Holdap ‘to! Bitawan mo na ang cellphone at wallet mo kung ayaw mong barilin kita!” anang lalaki sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya dahil may nakatutok ngang baril mula sa baywang niya. Ayaw niyang bitawan ang cellphone at wallet na nasa kamay niya habang pilit naman itong hinihila ng lalaki sa kaniya.

“K-kuya sakin ‘to eh!” wika niya sa lalaki.

“Gusto mo bang mamatay? Bitawan mo na kung hindi ipuputok ko talaga sayo ‘tong baril!” galit na sabi nito sa kaniya.

“P-pero sa akin itong wallet na ‘to saka cellphone, Kuya. Bibigyan na lang kita ng wallet sa bahay kung gusto mo. Favorite ko kasi itong si spongebob Kuya, mayroon akong hello kitty sa bahay kung gusto mo ‘yun na lang ‘yung sayo,” sabi niya pa sa lalaki. Umaasa siya na papakawalan na nito ang kamay niya pero hindi talaga nito binitawan iyon.

“Ginagago mo ba akong babae ka?!” galit na sambit nito at buong pwersa na hinila sa kamay niya ang cellphone at wallet niya. Mas malakas ito sa kaniya kaya nakuha nito ang cellphone niya.

“Hoy tarantado ka!”

Bigla niyang narinig ang boses ni Hale mula sa likod niya at nagmamadaling umalis ang lalaki dahil sa biglaang pagdating ni Hale. Sumakay na agad ang lalaki sa dala nitong motorsiklo at nakuha nito sa kaniya ang cellphone niya ngunit naiwan ang wallet sa kamay niya dahil sa pagmamadali nang makita nito si Hale.

“Shit! May nakuha ba sayo?!” alalang tanong ni Hale sa kaniya at dali siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

“Iyong cellphone ko,” sagot niya kay Hale. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito.

“Ang kulit mo kasi! Sabi ko na nga sayong sa kotse ka lang ‘di ba? Bakit ka kasi bumaba?” sermon ni Hale sa kaniya habang nakapamaywang at hinihimas ang noo nito.

Tumingin siya sa nagtitinda ng cotton candy pero wala na rin ang Mamang nagtitinda.

“Bibili lang naman ako ng cotton candy eh!” sabi niya.

“Tsk! ‘Yun lang? Nakakita ka lang ng cotton candy tapos gusto mo ng bumili? Para kang bata!”

“Bata pa naman ako ah? Wala pa akong puting buhok.”

“Tss! Pumasok ka na sa loob ng kotse!”

“Pero gusto ko ng cotton candy. Hanapin muna natin ‘yung nagtitinda.”

“Seriously?! Nanakawan ka na at lahat cotton candy pa rin ang iniisip mo? Halika na babae!”

Kinaladkad ni Hale ang kamay niya at pinilit siya nitong pinapasok sa loob ng kotse kaya wala na siyang nagawa.

“Tarantado ang lalaking ‘yon. Nakita mo ba ang itsura niya?” tanong ni Hale sa kaniya.
Nakasakay na ito sa driver's seat.

“Paano ko naman makikita eh nakasuot siya ng bonet tapos mata lang niya at bibig ang nakalitaw?”

Hindi kumibo si Hale sa tanong niya. Minsan talaga bobo din ‘tong si Hale eh. Sayang gwapo pa naman.

Pagalaw-galaw ang labi niya habang sinasabi iyon sa isipan niya.

“Anong ginagawa mo babae?”

Tumingin siya kay Hale dahil nakatingin pala ito sa kaniya pati na sa ginagawa niya.

“H-ha? W-wala,” sagot niya rito at humalukipkip.

“Pupuntahan na natin ‘yung asawa mong gago. Handa ka na bang makita siya at tanggapin ang katotohanan?”

Hindi siya kumibo sa sinabi ni Hale. Wala siya sa sarili at iniisip niya yung lalaki kanina na umagaw ng cellphone niya. Lowbat pa kasi ang cellphone niya na iyon saka walang charger. Paano magagamit nung lalaki iyon?

“Nakikinig ka ba sakin?” tanong ni Hale sa kaniya. Pasulyap-sulyap ito sa kaniya habang nagmamaneho.

“Iniisip ko kasi ‘yung lalaki kanina.”

Umangat ang kilay ni Hale dahil sa sinabi niya halatang nagtataka ito.

“Bakit mo pa iniisip ang tarantadong lalaking ‘yon? Pag nakilala ko talaga ‘yun bibigtiin ko siya ng buhay,” inis na wika ni Hale.

“Eh kasi kinuha niya ‘yung cellphone ko. Lowbat kasi ‘yun eh, nasa akin ‘yung charger so paano niya gagamitin ‘yun? Mahal pa naman ang charger niyon. Hanapin kaya natin siya? Kawawa naman siya eh.”

Biglang pumreno ng malakas ang sasakyan ni Hale dahilan para umuga ang katawan niya at muntik ng mapasubsob.

“Hale ano ba? Hindi ka ba marunong magmaneho?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito dahil sa labis na gulat.

Nakatitig sa kaniya si Hale at halatang inis na inis ito at hindi makapaniwala.
Kinamot nito ang sariling buhok na para bang aburidong-aburido ito.
Nakatitig lang siya sa mukha nito.

“Fuck! Are you serious? Concern ka pa sa gagong lalaking iyon na ninakawan ka ng cellphone? Putangina!”

Muli nitong kinuskos ang buhok dahil sa hindi ito makapaniwala sa kaniya.

“M-may kuto ka ba? Kanina ka pa kasi kamot ng kamot eh,” seryosong tanong niya rito.

“Alam mo kapag hindi mo pa tinigil sa kakasalita ‘yang bibig mo, hahalikan na kita!” banta nito sa kaniya. Seryoso ang mukha nito.

“Bakit mo naman gagawin ‘yun eh hindi naman kita asawa–”

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang mabilis na pagdampi ng labi nito sa labi niya.

Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan niya. Para siyang naestatwa habang magkadikit ang labi nila.

Ramdam niya ang lambot ng labi nito at ang mainit nitong paghinga. Gumalaw ang labi nito at hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang natukso na galawin din ang labi niya.

Bakit parang ang sarap sa feeling?

Mabilis ang naging pagtibok ng dibdib niya. Bago sa kaniya ang pakiramdam na ito at ni minsan ay hindi niya naramdaman kay Lee ang ganitong klaseng pakiramdam.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

Nang humiwalay si Hale sa pagdampi ng labi nito sa kaniya ay nanlalaki pa rin ang mga mata niya dito. Hindi siya makapagsalita. Tila nalunok na niya ang dila niya. Nakita niyang umangat ang sulok ng labi ni Hale at muli nitong binuhay ang makina ng sasakyan dahil sunod-sunod na rin ang pagbusina ng ilang mga sasakyan mula sa likod nila.

Dumungaw si Hale sa bintana ng sasakyan nito at tumingin sa likod saka tinaasan ng middle finger ang mga busina ng busina sa likod.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya.

Hinawakan niya ang labi niya nang matauhan siya.

Hinalikan siya ni Hale. Bakit siya nito hinalikan?

“It's just a kiss,” rinig niyang sabi nito mula sa gilid niya.

“Hindi ka pa ba nahahalikan ng asawa mo?” dagdag pa nito.

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Hindi pa siya nahalikan ni Lee ng ganoon katagal. Nahalikan siya nito sa labi pero mabilisang dampi lang.

Ayaw tumigil ng mabilis na pagpintig ng puso niya hanggang sa huminto na ang sasakyan ni Hale sa sinasabi nitong pupuntahan nila.
Bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Hale kanina tungkol kay Lee.
Nandito ba ang asawa niya?

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon