CHAPTER 21

892 64 13
                                    

Kinabukasan ay maagang gumising si Diwata. Naghanda siya ng umagahan para sa kanilang dalawa ni Hale. Maraming stock na pagkain sa ref si Hale kaya hindi siya nahirapan na maghanap ng lulutuin.

Inayos niya ang lamesa at naglagay pa ng fresh na mga bulaklak mula sa garden ng bahay ni Hale. Ang gaganda ng mga bulaklak kaya naman naaliw siya na manguha niyon. Mahilig kasi talaga siya sa bulaklak. Naalala niya tuloy ang mga bulaklak niya sa bahay nila ni Lee, kamusta na kaya ang mga iyon? Naaalagaan naman kaya ni Lee ang mga bulaklak niya?

Napalingon siya nang marinig niya na may tumikhim mula sa likuran niya, paglingon niya ay nakita niya si Hale na halatang kagigising lang. Nakatingin ito sa lamesa na inayos niya at halatang nagtataka ito.

Agad siyang kinabahan...

Baka nagalit ito sa kaniya dahil pinagpipitas niya yung mga naggagandahang mga bulaklak sa garden.

Yumuko siya at nakagat ang ibabang labi.

'“Ahmmm, s-sorry Hale, nagandahan kasi ako sa mga bulaklak kaya pinitas ko ang iba.”

Napansin niyang bahagyang napangiti si Hale pero agad din nitong pinawi iyon. Nababaliw na yata si Hale. Bigla na lang itong ngumingiti, akala naman nito ay hindi niya nakita iyon.

Hindi na lang siya kumibo dahil baka mamaya ay pag-initan pa siya nito.

“Nagluto nga pala ako ng breakfast natin, kain na tayo Hale.”

Ngumiti siya rito at marahan lang itong tumango sa kaniya habang ang mga mata ay pinagmamasdan pa rin ang mga bulaklak na nasa lamesa. Sa tingin niya ay mukhang nagustuhan naman ni Hale iyon dahil hindi naman ito nagalit sa kaniya.

“Bakit mo ginagawa ito?” bigla ay tanong ni Hale sa kaniya. Medyo naguluhan siya sa sinabi nito dahil hindi niya naman maintindihan kung ano ang tinutukoy nito.

“Anong ibig mong sabihin Hale?” naguguluhang tanong niya sa binata. Tumitig ito sa kaniya sa paraang parang matutunaw na siya. Bigla na lang bumilis na naman ang pagtibok ng puso niya. Ito na naman ang ganitong pakiramdam kapag si Hale ang kausap niya.

“You surprised me with these beautiful flowers, and you cooked our breakfast,” saad nito.

“Ah, iyan ba? Kinuha ko lang ‘yan sa garden mo. Hehe! Nagustuhan mo ba?” tanong niya rito. Tumango naman si Hale kaya napangiti na rin siya.

“I'm starting to like you.”

Natulala siya dahil sa narinig. Starting to like me? Anong ibig sabihin ni Hale? Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa binata. Hindi nito inaalis ang pagkakatingin sa mukha niya.

“Y-you like me?” ulit niya sa sinabi nito at tinuro pa ang sarili. Tumango si Hale sa kaniya bago nito sinubo ang hotdog na nakatusok sa tinidor nito.

“Yeah. I like you Diwata at natatakot ako na baka isang araw ay hindi na lang pagkagusto ang maramdaman ko sayo...”

Tila may mga kabayong naghahabulan sa dibdib niya habang sinasabi iyon ni Hale sa kaniya.

“Pero gusto rin naman kita Hale,” wala sa sariling naisagot niya sa binata. Gusto niya itong kasama dahil tinutulungan siya nito kaya gusto rin niya si Hale. Nasamid si Hale sa iniinom nitong tsaa nang marinig ang sinabi niya.

“W-what did you say?” tila gulat na tanong nito sa kaniya.

Hays! Umiral na naman ang pagiging bingi ni Hale. Wala ba itong cotton budds sa bahay? Tsk! Naiinis siya sa tuwing nabibingi ito kapag may sinasabi siya. Niloloko na lang yata siya ni Hale.

“Nabibingi ka na naman Hale, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko ay gusto rin kita.”

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Hale at nakatingin lang ito sa kaniya.

“Masaya ako kapag kasama kita kaya gusto ko na lagi kitang kasama kasi tinutulungan mo ako, kaya gusto rin kita Hale.”

Medyo nalaglag ang balikat nito dahil sa sinabi niya.

“Iyon lang ba ang kahulugan ng salitang gusto para sayo?”

Tumango siya sa tanong Hale at hindi naman ito kumibo bagkus ay itinuon ang atensyon sa pagkain. Nang matapos silang kumain ay nagpaalam ito na maliligo dahil may kailangan daw itong asikasuhin sa kompanya nito. Ibig sabihin ay maiiwan siyang mag-isa ngayon sa bahay nito.

Siya na ang nagligpit ng pinagkainan nila kahit pinipigilan siya ni Hale, sanay naman kasi siya sa ganitong gawain kahit na lumaki siya sa marangyang pamilya. Ginusto niyang alamin ang mga ganitong gawain kasi magaan lang naman ang mga ganitong trabaho at hindi na dapat iasa pa sa katulong.

Matapos niyang ligpitin ang mga pinagkainan nila ay siya namang pagbaba ni Hale mula sa hagdanan sa itaas, tila nagmamadali itong habang inaayos ang necktie at patingin-tingin sa relong suot nito.

“I have to go Diwata. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. Here is my another phone, you can call me if theres a problem, iisang number lang ang naka-save diyan and that is mine,” sabi nito at iniabot ang cellphone sa kamay niya. Bago pa siya makasagot ay nagmamadali na itong lumabas ng pintuan.

Napatitig na lang siya sa cellphone na ibinigay nito sa kaniya. Mayroon naman din siyang cellphone pero binigyan pa siya ni Hale ng isa, siguro ay dahil nagmamadali na ito kaya hindi nito naalala na may cellphone rin naman siya. Hindi lang pala bingi si Hale, ulyanin na rin ito. Nakakunot ang noong pumanhik siya sa hagdanan upang magtungo sa silid niya.

Nanood siya ng TV habang nakahiga sa malaking kama, mas gusto niya sanang magbasa ang kaso ay wala naman ang mga libro niya rito.

Tiningnan niya ang cellphone ni Hale na iniabot nito sa kaniya kanina, nakalapag iyon sa side table table. Naisipan niyang kalikutin iyon at tingnan ang mga images na naroon, puro picture ni Hale ang naroon at marunong naman pala itong ngumiti. Marami itong nakangiting kuha sa picture, pero isang larawan ang nagpatigil sa kaniya at doon siya pinaka-nagtagal. Isang picture ng magandang babae. Napakurap siya habang pinagmamasdan ang picture, sino kaya ang babaeng ito? Asawa kaya ito ni Hale? Pero kung asawa man ito ni Hale ay bakit hindi niya ito nakikita? Halatang mayaman din ang babae dahil sopistikada ang itsura nito katulad ng pinsan ni Hale na si Santiara. Ibinalik na ulit niya sa side table ang cellphone matapos niyang makita ang lahat ng larawang nandoon.

Alas dose ng tanghali nang mag-ring ang cellphone na binigay sa kaniya ni Hale kaya naman sinagot niya agad iyon nang makita ang nag-iisang number na nandoon.

“Hello Hale?” bungad niya sa kabilang linya.

“How are you doing?” tanong nito sa baritonong boses.

“Huh? Ayos lang ako Hale, medyo inaantok na nga ako eh. Matagal ka pa ba diyan?” tanong niya at naghikab. Nakakaramdam na talaga siya ng antok.

“I'm on my way home. Magbihis ka may pupuntahan tayo.”

“Saan tayo pupunta Hale?”

“Tsk! Basta magbihis ka na lang. I'll be there in a minute. Bye!”

Ibinaba na ni Hale ang kabilang linya kaya naman kunot-noong ibinalik niya ang cellphone sa lamesa.

I'll be there in a minute daw sabi ni Hale kaya naman nagmamadali na siyang nagbihis.
Saan kaya sila pupunta ni Hale? Malalaman din niya iyon mamaya.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon