CHAPTER 14

915 55 10
                                    

Nakataas ang isang kilay ni Hale habang sinusulyapan ang babaeng kasama niya ngayon habang naglalakad sila nito patungo sa bahay na tinutuluyan ng pinsan niyang si Santiara.

Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak.
Hindi niya namalayan na kanina niya pa pala hawak ang kamay nito kaya naman napapasong binitawan niya iyon.

Walang pahintulot na pumasok sila sa loob ng magarang bahay ni Santiara. Sinadya ng pinsan niya na nakabukas iyon dahil na rin sa napag-usapan nilang plano. Alam nito na pupunta siya ngayon kasama si Diwata.

“Hale, baka mamaya ay may humuli sa atin dito? Bakit tayo pumasok dito? Kaninong bahay ito?” tanong ng madaldal na babae sa gilid niya.

“Just shut up your mouth,” wika niya sa babae. Ngumuso naman ito at hinawakan ang labi. Napailing na lang siya. Habang tinutungo nila ang isang silid kung saan ang mismong kwarto ni Santiara ay nakarinig sila ng tinig ng lalaki.

“You're so gorgeous baby! I missed you so much!”

Tinig iyon ni Lee kaya naman muli siyang sumulyap sa babaeng kasama niya na ngayon ay nakaawang ang labi at namimilog ang mga mata.

“S-si Lee ba iyon?” nagtatakang tanong nito.
He smirked.

“What do you think?” sagot niya at walang pahintulot na pinihit ang seradura ng silid ni Santiara. Doon ay naabutan nila ang dalawa habang nakapatong si Lee sa ibabaw ni Santiara. Nakasuot na lang ng panty at bra ang pinsan niya tapos half naked naman ang gunggong na lalaking kasama nito.

Napatakip ng bibig si Diwata mula sa gilid niya at agad nitong tinakpan ang dalawang mata dahil sa nasaksihan.

“Fuck?” inis na wika niya at inalis ang mga kamay nito na nakatakip sa mata nito.
Paano nito makikita ang kawalanghiyaan ng asawa nito kung tatakpan nito iyon? Tss.

“Open your eyes half-witted!” utos niya rito pero isang mata lang ang binuksan nito. Nainis siya dahil tila nakikipaglokohan pa ito sa kaniya.

“S-sweetheart?”

Mabilis na napatayo si Lee sa pagkakadagan nito sa pinsan niya nang makita nito si Diwata. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala. Daig pa nito ang nakakita ng multo.

Bago pa man makalapit si Lee patungo sa kanila ay hinila ito ni Santiara at binigyan ng isang malakas na sampal.

“What the–” gulat na sambit nito sa pinsan niya.

“Para ‘yan sa kagaguhan mo. Akala mo siguro ay hindi ko malalaman na niloloko mo lang ako. Asshole!” galit na wika ng pinsan niya.

Umamba si Lee na gaganti sa pinsan niya pero agad niya itong nilapitan at itinulak.

“Don't you dare,” nang-uuyam na sabi niya at agad kinuha ang kumot mula sa gilid ng kama saka itinakip iyon sa katawan ng pinsan niya.

“A-anong ibig sabihin nito Santiara?” naguguluhang tanong ni Lee.

“Anong ibig sabihin? Tapos na ang palabas mo Lee. May asawa ka pala. Walang hiya ka! Hindi ka ba naaawa sa kaniya? Paano mo nagawa na lokohin ang sarili mong asawa gayong ganiyan ang kalagayan niya? Napakasama mo!” galit na wika ni Santiara kay Lee.

Tiningnan ni Lee si Diwata at akmang lalapitan ito pero iniharang ni Diwata ang dalawang kamay nito.

“H-huwag kang lalapit...” mahina ang boses na sabi nito at parang maiiyak na.
Bigla siyang nakaramdam ng awa para sa babae. Tinuloy pa rin ni Lee ang paglapit kay Diwata.

“S-sweetheart hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi totoo kung ano man ang nakita mo,” pagsisinungaling pa rin ni Lee kaya naman agad na naglabasan ang ugat niya sa leeg dahil sa matinding gigil. Napailing siya at sumulyap kay Santiara.

“Dress yourself couz,” bulong niya sa pinsan niya bago humakbang palapit kay Lee. Hinablot niya ang balikat nito at hinarap sa kaniya saka binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha. Napaupo ito dahil sa lakas ng suntok niya. Hindi pa siya nakuntento at sinundan niya pa ulit iyon ng isa pang malakas na suntok.

“Hale!” sigaw ni Diwata dahil sa matinding gulat.

Lumingon siya kay Diwata.

“Ano magpapagago ka na naman sa gunggong na ‘to?” tanong niya. Hindi kumibo si Diwata.

“Gago ka! Bakit ka ba nangingialam sa buhay naming mag-asawa?!” ani Lee habang sapo nito ang sariling pisngi. May sumirit na dugo sa pumutok nitong labi.

“Dahil pinsan ko ang isa sa biniktima mo, tarantado!” nanlilisik ang mga mata na sagot niya rito.

Gumapang ito palapit kay Diwata at hinawakan ang binti nito.

“S-sweetheart huwag kang maniwala sa lalaki na ‘yan. U-umuwi na tayo,” hirap nitong sabi. Napatawa siya ng pagak.

Hindi niya lubos maisip na nagagawa pa nitong mag-deny gayong huling-huli na ito sa akto.

“Inakit lang naman ako ng babae na ‘yan. Hindi totoo kung ano man ang nakita mo. Sinadya nila ito. Pinlano nila!”

“Ang kapal ng mukha mo Lee!” hindi nakapagpigil na sabat ng pinsan niya dahil sa matinding galit.

Hindi nagsalita si Diwata. Tila shocked ito sa lahat ng nangyari.

“Diwata, huwag kang maniwala sa asawa mo. Niloloko ka lang niya. Oo pinlano namin ni Kuya Vandrous ang lahat ng ito dahil gusto naming gisingin ka na sa katotohanan. Sinabi sa akin ni Kuya ang lahat at sorry dahil nagkamali ako. Nakipagrelasyon ako sa lalaking ‘yan nang hindi ko muna inalam ang lahat. Nagsisisi ako Diwata. Patawarin mo ako. Niloko niya rin ako at ginawang tanga. Biktima rin ako. Baka nga hindi lang ako ang babae ng gago na ‘yan!” ani Santiara mula sa gilid niya. Totoo naman ang sinabi ng pinsan niya, hindi niya pa nasasabi dito na ilang beses na niyang nakita ang Lee na ito na may iba't ibang babaeng kasama.

Tumalikod lang si Diwata at pinahid ang luha sa mga mata nito pagkatapos ay nagmamadali na itong humakbang palayo.

Nagkatinginan sila ni Santiara.

“Sundan mo na muna siya. Ako na ang bahala sa gunggong na ito,” sabi niya sa pinsan niya. Agad naman itong tumalima sa sinabi niya at sinundan nito si Diwata.

Sinulyapan niya si Lee na hirap na hirap habang nakaupo sa sahig.

“Wag niyong lasunin ang isipan ng asawa ko!” galit na sabi nito sa kaniya.

Humalukipkip siya habang nakatingin dito.

“Ako ba ang lumalason sa isip ng asawa mo?”

“Wag kayong mangialam! Sino ka ba para panghimasukan ang buhay namin? Kilala mo ba ko? Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?!” mayabang na sabi nito sa kaniya. Ngumisi siya at pumantay dito.

“Yeah of course I know you. ‘Di ba ikaw ‘yung mahilig kumain ng mga putahe sa kung saan-saang kanto? ‘Di ko alam kung anong pinakain mo sa pinsan ko at nabiktima mo rin.”

“Ipapapatay kita sa oras na makaalis ako dito!”

“Pffft! Try me man,” aniya at tinapik ang balikat nito. Sinadya niyang diinan iyon dahilan para mapadaing ito sa sakit.

Kinuha niya ang cellphone niya at tumawag sa kaibigan niyang pulis.

“Hey, Frenierre?” bungad niya sa kabilang linya nang sagutin iyon ng kaibigan niya.

“Ano na naman Frommette? Busy ako at walang panahon makipag-ungguyan sayo ngayon,” anito sa kabilang linya.

“May ipapahuli lang naman ako. May nakapasok na magnanakaw sa loob ng bahay ng pinsan ko. Nah bro, don't worry nabugbog ko na. Dalhin niyo na lang siguro sa presinto ‘to. Yep. Yeah! Nandito sa bahay ni Santiara,” wika niya sa kabilang linya habang kumukumpas pa ang isang kamay. Nanlalaki ang mga mata ni Lee habang nakatitig sa kaniya. Pinatay na niya agad ang tawag ng maunawaan iyon ng kaibigan niyang si Evander Frenierre.

“Tarantado ka anong pinagsasasabi mo? Hindi ako magnanakaw!”

“Sa presinto ka na magpaliwanag gunggong,” sambit niya kay Lee saka nakakalokong ngumisi rito.

GRACE UNDER FIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon