Nagising si Diwata na naroon na siya sa isang pamilyar na silid kung saan siya natutulog dati.
Inilinga niya ang paningin sa kabuuan ng silid, na-realize niya na nandito pala siya sa kwarto ni Hale.
Teka, paano siyang napunta rito?
Naglakbay sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Naalala niya na napadpad siya sa isang lugar na akala niya ay kasiyahan ang magiging dulot sa kaniya pero mukhang nakatulog lang naman siya. Ang natatandaan lang niya ay mayroong isang lalaking nagpakilala sa kaniya at pinilit siya nitong pinainom, pagkatapos nun ay hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa niyon si Hale. May bitbit itong tray ng pagkain.
“You're awake,” sabi nito habang nakatingin sa kaniya ang kunot nitong noo at seryosong mga mata.
Naalala niya na ito nga pala ang dahilan kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon, sa kagustuhan niyang takasan ang kalungkutan ay kung saan-saan tuloy siya nakarating.
“Bakit mo pa ako dinala dito?” tanong niya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang labanan ang malalalim na tingin nito sa kaniya.
“Why not? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo?”
Inilapag nito ang tray ng pagkain sa side table at pagkatapos ay naupo ito sa kama. Bahagya siyang lumayo dito.
Bakit nasasaktan pa rin siya kapag nakikita niya si Hale?
“Bakit ka ba lumalayo sakin? Diwata naman, please I'm sorry kung may nagawa man akong hindi maganda o nakasakit sayo. Patawarin mo na ko, pinagsisisihan ko na iyon!” pagsusumamo nito sa kaniya. Naramdaman niya na hinila siya ni Hale at ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Hindi na siya nakapalag pa kahit gustuhin man niyang lumayo. Ang init ng katawan nito ay nakapagparamdam ng kapanatagan sa kaniya. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig nito. Rinig niya maging ang malakas na kabog ng dibdib nito. Na-miss niya si Hale kahit sandali pa lang sila nitong hindi nagkasama. Hindi niya maitatanggi iyon sa sarili niya.
“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sayo. I'm so sorry!”
Ngayon lang niya naramdaman na parang takot na takot si Hale. Sobra-sobra ang pag-aalala nito sa kaniya.
Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng nasa cellphone nito.
“Ayaw ko na sayo,” mahina niyang sabi. Nagulat naman si Hale dahil sa salitang narinig nito mula sa kaniya. Bahagya nitong inilayo ang katawan at pagkatapos ay hindi makapaniwalang tiningnan siya nito sa mga mata.
“W-what? Ano bang puwede kong gawin para hindi ka na magalit sa akin? Gagawin ko lahat Diwata, sabihin mo lang at huwag mo lang akong iwanan ulit,” malungkot ang tinig na sabi nito sa kaniya.
“Mayroon kang ibang mahal Hale at alam kong hindi ako iyon, nakita ko sa cellphone mo yung picture niyo ng babaeng iyon. Siya yung nakita natin sa café noon hindi ba?”
Natahimik si Hale dahil sa sinabi niya, nakayuko lang ito at ilang sandali pa ay dahan-dahan nitong iniabot sa kaniya ang cellphone nito.
“Here, you can check it,” sabi nito sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil inilapit nito sa kaniya ang cellphone nito.
“Bakit mo ibinibigay sa akin ‘yan?” nagtatakang tanong niya.
“I said check it,” ulit nito.
Kinuha niya ang cellphone ni Hale at tiningnan ang mga pictures na nandoon. Wala na ang larawan nito at ng babaeng nakita niya.
“Bakit mo dinelete ang picture niyo?” tanong niya kay Hale.
“Dahil alam ko na iyon ang dahilan kung bakit ka nagtampo sakin. I know, nasaktan kita and I admit that I was wrong. I'm sorry. Puwede bang kalimutan mo na iyon?” ani Hale sa kaniya.
“Kalimutan? Eh, ikaw? Nakalimutan mo na ba siya?”
Bahagya siyang umismid dahil naiinis na naman ang kalooban niya kapag naaalala niya ang bagay na iyon. Napasimangot siya.
“She's my ex. Wala na akong ibang nararamdaman sa kaniya. Siguro nagulat lang ako noong nakita ko ulit siya pagkalipas ng ilang taon but believe me. Wala na sakin iyon. Ikaw ang mahalaga sakin, Diwata. Ikaw ang mahal ko!”
Hindi niya maiwasan ang kiligin nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Hale. Totoo ba ito at hindi isang panaginip lang?
Mahal din niya si Hale kaya naman isang sorry lang nito ay lumalambot na kaagad ang puso niya.
Tinitigan niya ang mga mata ni Hale. Na-miss talaga niya ito ng sobra.
“W-why are you looking like that?” medyo hirap nitong sabi. Napalunok si Hale habang nakatingin ito sa kaniya lalo na nang unti-unti niyang tinanggal ang suot niyang pantulog. Nanlaki ang mga mata ni Hale dahil sa nakitang ginagawa niya.
“Diwata... W-what are you doing?”
Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Hale. Bakit ba ito nauutal?
Nang tuluyan niyang natanggal ang saplot niya ay inihagis na lang niya iyon sa kung saan. Nakatitig lang si Hale sa kaniya. Para bang hindi ito makapaniwala.
“Sabi mo mahal mo ako. Patunayan mo Hale,” parang batang ngumuso siya dito. Magtatampo na naman talaga siya kapag tinanggihan siya nito. Na-miss niya kasi ito, hindi ba siya nito namiss?
Muling napalunok si Hale at nakita niyang nag-iwas ito ng tingin.
“Diwata...”
“Okay, kung ayaw mo.”
Tumalikod siya at akmang pupulutin na ang mga damit niya pero bigla siyang hinila ni Hale. Nang iharap siya nito ay napahiga na lang siya sa kama habang sakop nito ang labi niya. Napapikit siya.
Tinugon niya ang mainit na halik ni Hale na tila umaalipin sa buo niyang pagkatao.
“Ang hirap mong tanggihan, tampuhin!” reklamo nito sa pagitan ng paghalik sa kaniya.
Napatawa siya.
Gustuhin man niyang magsalita ay hindi niya nagawa dahil muli nitong sinakop ang labi niya.
Tumayo ito para hubarin ang damit. Napatitig na lang siya dito nang hubarin nito lahat ng saplot sa katawan.Awtomatikong ipinalupot niya ang mga kamay sa leeg ng binata nang muli siya nitong hinalikan at ginantihan din niya ang maalab na halik nito. Bawat halik nito sa kaniya ay nagbibigay iyon ng kakaibang kiliti at sarap. Para siyang nasa langit.
Bumaba ang halik ni Hale sa leeg niya kaya napakagat labi siya. Naramdaman niyang sinipsip nito ang balat niya roon. Nakikiliti siya.
“Bampira ka ba Hale?” bigla ay naitanong niya. Umangat si Hale at nakita niyang ang sama ng tingin nito sa kaniya.
“J-joke lang. Hehehe!” bawi niya at nag-peace sign sa binata.
“Puwede bang manahimik ka muna at wag bumanat ng mga ganiyang linya mo? I-enjoy mo lang itong moment. Pag hindi mo tinikom ‘yang bibig mo, maghapon tayong hindi lalabas sa silid na ito,” banta nito sa kaniya.
“Wow! Talaga? Gusto ko ‘yun—ahhh!”
Napatili siya nang bigla na lang ibinuka ni Hale ang mga hita niya at isinubsob ang mukha sa pagkababae niya.
Bakit ba hindi man lang ito magdahan-dahan?
Sa loob ng silid na iyon ay pinakawalan nila ang init na lumulukob sa kanilang pagkatao. Ilang sandali pa ay napuno ng mumunting mga ungol at halinghing ang silid na iyon ni Hale dahil sa pag-iisang katawan nila.
BINABASA MO ANG
GRACE UNDER FIRE (Completed)
RomanceSi Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles-sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil...