Chapter 56: Undying Love

120 18 4
                                    

Leo's POV



"Mahal na mahal kita!"

Pagkasabi ko ng apat na salitang 'yan ay bigla ng naging abo ang mga pangarap ko.

"Nathan!!!!!"

Pagbaba sa'kin ni Kyle ay tatakbo pa sana ako papasok kaso, hinila na rin ako nila Diane.

"Hindi!!! Bitawan nyo'ko"

"Nathan!!"

At sa isang iglap, nawala ka sa'kin.

Natapos kaagad ang librong hindi pa man natin nauumpisahan.

"Leo?" nang marinig ko ang pangalan ko ay bumukas ang mga mata ko.

"Nurse!" Sigaw nila.

Anong nangyayari?

Nasaan ako?

Don't tell me may pangatlong laro pa si Darren?

Hindi ko na yata kakayanin pa.

"Anong nangyari?" Tinignan ko silang lahat na nakapaikot sa'kin.

"Dalawang araw ka ng walang malay." Sagot ni Diane.

"Asan si Grace? Kamusta ang baby nya?" tanong ko. "Si Alex? Joshua? Si Thomas? Sila Papa?"

"Huminahon ka Leo. Mabuti na lang at buhay ang anak ni Grace, kaso kailangan nya pang magpahinga, si Alex at Joshua naman ay nagkaroon ng maraming sugat at pasa, at si Papa mo? Nagtagumpay sila Kyle at Thomas, napalitan nila ang in-inject na dugo."

So kung ganun, maayos na ang kalagayan nila?

Dumilim ang buong paligid at bumigat ang pakiramdam ko nang pumasok sa isip ko si Nathan.

"Si Nathan?" tanong ko. "Nasaan si Nathan?"

"Huminahon ka muna Leo. Huminahon ka!" pilit akong pinapakalma ni Mama.

"Hihinahon lang ako kapag nakita ko na si Nathan."

"Leo, wag mo munang pilitin ang sarili mo.." sabi ni Diane.

"Tama si Diane.. magpahinga ka muna."

Bakit hindi na lang nila ako hayaan?

"Nasaan ba sya? Sabihin nyo munang nasa maayos syang kalagayan." Sabi ko.

Hindi sila kumikibo.

Lumuhod ako sa harap nila. "Nag mamakaawa ako gusto ko syang makita."

Naiyak nanaman ako dahil sobrang miss kona sya.

"Okay okay! Sasamahan ka namin sa kanya.."

Inalalayan ako ni Mama, naglakad kami papunta sa isang kwarto.

"Eto ba yung kwarto?" tanong ko.

Tumango sila.

Pumasok ako kaagad.

May isang bangkay na nakatakip ng tela.

Tumulo yung luha galing sa mga mata ko.

Nanghina yung tuhod ko nang makita ko sya.

Hindi na'ko nagdalawang isip at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Ang daya daya mo Nathan!"

Niyakap ko lang sya ng mahigpit at iniyak lahat lahat.

"Sana hinayaan mo na lang akong mamatay kasama ka."

Pumasok bigla sila Diane, Kyle at si Mama.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya.

"Seryoso ka ba talang itatanong mo yan Ma?"

Anong gagawin ko? Tatawa ako kasi namatay na yung taong mahal ko?

Bakas sa mukha nila ang pagtataka.

"Hindi ba ito yung bangkay ni Nathan?" tanong ko.

Diretso namang pumasok ang isang Doktor.

"Sinong nagtakip ng tela sa kanya?" tanong nya.

"Hindi ho ba dapat naman talagang takpan ang bangkay?" tanong ko.

"Oo tama ka dyan, kaya lang buhay pa 'to eh."

Nanlaki ang mga mata ko nang I angat ni Doc yung tela.

Sinalubong ako ng matatamis na ngiti ni Nathan.

"Buhay ka?" Laking gulat ko nang tumayo sya at yakapin ako.

Tuloy tuloy na lang ding tumulo yung luha mula sa mga mata ko.

"Kaya pala sabi ko medyo mainit pa yung bangkay." Natawa ako sa sinabi ko.

"Mainit talaga, kasi Hot ako." Tinignan ko sya sa mata ng matagal.

Walang sabi sabi ay hinalikan ko yung labi nya.

Idiniin ko ang mga labi ko, sa mapupula nyang labi. Kung pwede lang na ganito tayo habang buhay.

Bumitaw ako sa halik.

"Mainit ka hindi dahil hot ka." Pagtutuloy ko ng joke. "Mainit ka kasi remember? Bomba ang nakapaikot sa'yo.." Nagtawanan sila pero nagkaroon ng malaking question mark sa mukha ko.

"Anong nangyari?"


******

Author's note:

Pasensya na, natagalan haha. Iloveyou all.


Banner photo is from Pinterest

https://pin.it/7f5WXPh

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon