Chapter 51: Neon's Gone

128 19 2
                                    

Leo's POV











"Handa na ba kayo para kina Alex? Kyle? Joshua? At James?"

Kahit sa backstage ay rinig na rinig ang sigawan ng mga tao.

"Okay! Wag na nating patagalin pa."

Pinuntahan namin sila Alex sa may likod ng stage.

"Goodluck you can do it." Sabi ko.

Lumapit si Kyle sa'kin.

"Ahm.. Leo I just want to say sorry about not telling you everything.. I know you're happy now with the one you really love, but just to make things clear.. It was all a plan at first, pero nagbago ang lahat nung nakilala kita ng tuluyan."

Ngumiti na lang ako sa kanya, dahil ramdam ko rin naman yung sincerity nya.

"Alam kong mahahanap mo rin yung para sa'yo, pero gusto kong sabihin na salamat at napatawad na kita." Ngumiti sya at niyakap ako.

"Wag ka ng umiyak at baka masira pa yung make up mo, galingan nyo ah!" sabi ko tsaka ko sya tinapik sa balikat.

Tumango lang sya.

"Okay I think they're all ready." Sabi nung emcee.

Pumwesto kami ni Nathan doon sa makakanood kami.

"Mukhang excited na kayo..."

"So now we're giving you JJAK, Joshua James, Alex and Kyle!"

Paglabas nila sa stage ay nagsigawan na lahat ng nanonood.

Pwede pala silang maging boyband. Anggaling nilang kumanta at sumayaw.

"Tignan mo Leo.." Bumulong sa'kin si Nathan. "Si Alex at Kyle, mag pinsan, habang yung dalawa naman magkapatid."

Hahaha oo nga, natawa tuloy ako.

Kaso naalala ko si Thomas.. Galit ako sa kanya pero hindi ko maiwasang mag alala, baka isa din sya sa mga tinarget nung stalker.

"Mukha ka nanamang ewan, bat ganyan yung itsura mo?" tanong ni Nathan.

"It's just that, Sobrang dami ng nangyayari..  sobrang bilis din ng lahat.."

Sa isang buwan na nakalipas, ang dami ng nagbago.

Pati nung isang gabing, ang buong akala ko ay kaming apat lang nila Gino, Thomas at Prince ang nandoon, ay nandoon din pala si Nathan..

Yun din pala ang araw na naaksidente ang kuya ni Thomas, pero wala akong kaalam alam.

"Hey Look at me." Hinawakan ako ni Nathan sa balikat. "I'm here, everything's alright okay?"

Ngumiti ako dahil naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko.

"Guys!" Tinawag kami ni Diane. "Balik muna tayo sa room, ayusin natin itsura nyo." Sabi nya.

Kinabahan nanaman ako dahil kami na ang susunod na magpe-perform.

Mabilisang inayusan kami ni Diane.

Lahat pati outfit namin inayos nya.

"Relax Diane! Maayos na oh." Sabi ko.

"Gusto ko lang maging perfect tong gabi na'to para sa inyo." Maluha luha nyang sinabi.

Ngumisi si Nathan. "Hindi pa naman kami ikakasal, wag ka munang umiyak."

Siniko ko ng mahina si Nathan.

Pinunasan naman ni Diane yung luha sa mga mata nya.

"Sobrang saya lang na makita ko kayong magkasama."

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon