Chapter 38: Deep Kiss

141 17 5
                                    

Leo's POV

Magdadalawang oras na rin kaming nasa byahe.

Ang layo pala talaga ng hometown ng tatay ni Grace.

"Bakit naman kasi sa malayo pa ibuburol yung Papa nya?" tanong ni Alex.

"Request daw ng lolo ni Grace." Sagot ni Pat.

Nagkasya kaming lima dito sa kotse.

Si Alex ang nag d-drive, katabi nya si Diane na kanina pa natutulog.

Kaming tatlo ni Pat at Nathan dito sa likod.

Gitna namin si Pat syempre. Kaya lang-

"Guys sandali!" sabi ni Pat. Kanina ko pa din kasi napapansin na medyo nahihilo sya. "Tigil mo muna yung kotse" sabi nya.

Agad naman akong bumaba para makalabas sya.

"Hindi ko kinakaya sorry guys!" habang si Diane naman hindi namin magising.

Tumakbo si Pat papunta sa isang kanal, tsaka sya nagsuka.

Shit! Nakakadiri. Hindi talaga sya sanay sa mahabang byahe.

"Papagpahingahin na muna natin si Pat, maya maya na lang tayo umalis." Sabi ni Nathan.

"Hindi pwede, malelate na tayo ng dating." Sagot naman ni Alex.

"It's okay! Kaya ko naman, basta sa may bintana ako." Pagsabi ni Pat nito ay agad kong naisip na, siguradong magkakatabi kami ni Nathan.

"Okay sige sa harap ako." Sabi ko.

Ayoko syang makatabi eh.

"Sige mamili ka! Gisingin mo si Diane o ikaw ang mag drive?"

Sinubukan kong kalabitn si Diane at gisingin.

"Ayoko! Dun ka sa likod." Putek na yan. Hindi man lang ako pinagsalita.

"Ayaw mo'kong katabi no?" seryosong banggit naman ni Nathan.

Hindi na lang ako kumibo.

"Pumasok kana! Ako sa may bintana." Hindi ako nagpakita ng reaksyon sa kanya.

Wala naman akong choice. "Malapit na rin naman tayo diba?" tanong ko kay Alex.

"Oo, tatlong oras." Tangina.

Naglagay ako ng space sa gitna namin ni Nathan.

"Galit kaba?" bumulong sya sa tenga ko pero hindi ko sya pinansin.

Kumuha ako ng earphones at nagplay ng music.

Tumugtog yung You by Carpenters.

This is really my most favorite song.

Bukod sa naaalala ko si Mama ay narerelax ako.

Tumingin lang ako sa bintana.

Tumitig sa malayo.

Humihiling na sana umayos na ang lahat.

Pero bago pa'ko mag isip ng kung ano ano, inaalala ko lang si Prince.

Tama yung hinala ko. Sya yung tatayong tatay sa anak ni Grace.

Hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya.

So now I know kung bakit, anggaling nya mag advice about parenting.

Deserve nya rin naman kasi talaga to. Sya yung mahal ni Grace.

Mas mabuti na ito kaysa kay Thomas pa sya mapunta.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako na umuusog si Nathan sa'kin.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon