Chapter 39: Positive

115 11 0
                                    

Leo's POV





Umalis si Nathan sa pagkakahalik.

"I'm sorry I didn't mean to-" nauutal utal sya. "Sorry! Nagpadala ako sa damdamin k-"

Hindi kona sya pinatapos pa.

"It's okay." Bumaba na'ko ng kotse para magpahangin sandali.

Nasaan ba kasi sila Pat?

Shit! Ano ba kasing ginawa ko???

Naghalikan ba talaga kami ni Nathan? WTF.

Mali to Leo. May girlfriend yung tao. Alamin mo yung lugar mo.

Hindi ka dapat nagpadala sa emosyon mo.

"Uy Leo!" sigaw ni Diane.

"Saan kayo galing?" tanong ko naman kaagad.

"Bumili kami ng chewing gum, para kay Pat, Tshirt para kay Nathan, atsaka snacks natin. Di na namin kayo ginising, masarap tulog nyo eh." Bago pa sya pumasok ng kotse ay nilapitan ko sya.

"Palit na muna tayo ng pwesto please, nagmamakaawa ako." Bulong ko sa kanya

Tinignan nya'ko ng matagal at tumango.

"Salamat!" niyakap ko sya at pumwesto na'ko sa harap.

"Mukhang hindi maganda ang gising mo Leo." Salubong sa'kin ni Alex.

"Baliw. Baka kasi nakakasikip ako likod, ayokong pinagsisiksikan sarili ko." Sabi ko.

"oooooohhh." Sabay sabay silang tatlo.

Taena tong mga to. Wala akong ibang ibig sabihin don.

"Oo nga pala, ready na kayong tatlo nyan? Bukas na yung unang Q and A sa top 10 ah."

Oo nga pala. Nagtext na sila sa'kin.

"Personal lang naman yung mga itatanong eh, kaya oks lang." sagot ni Alex pagkatapos ay ipinaandar na nya ang sasakyan.

Chineck ko yung relo ko at 8PM na rin pala. Bahala na kami bukas neto.

"Don't worry 30 minutes na lang ang byahe."

***

Sa may hindi kalayuan ay natanaw kong maraming tao ang nagpupulong.

Maliwanang yung bahay, and therefore I assume, eto na nga yun.

I met his father before..

Nung kami pa ni Grace.

Kahit hindi nila sabihin, alam kong hindi nila ako gusto..

"Eto na yun." Sabi ni Alex, kaya bumaba na kami.

Inayos ko lang yung damit ko at itsura nang lumapit si Nathan sa'kin.

"Ahm.. Leo?"

Alam ko na kung anong sasabihin nya kaya pinigilan ko na sya.

"Hindi ito ang tamang lugar at oras para pag usapan yon." Nginitian ko sya at naglakad na'ko.

Natanaw ko na si Prince at Grace..

Niyakap ko si Prince.

Pagbitiw ko ay nakatitig sa'kin si Grace.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing "Alam ko na, at okay lang..."

Yinakap nya na lang din ako.

Ilang sandali pa ay lumapit naman si Prince.

"I'm sorry Leo. I do really want to tell you.."

"It's okay! I swear.. Akala ko din masasaktan ako.." Tumulo yung luha sa mata ni Grace.  "Siguro dahil sa alam ko namang hindi mo sya papabayaan" Tinignan ko si Prince.  "at alam kong ikaw talaga ang mahal ni Grace.. I guess that's enough para matanggap ko to, at masaya ako para sa inyo."

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon