Chapter 58: Explanations or Lies?

113 10 3
                                    

Leo's POV

"Kailangan kong makausap si Leo, at si Nathan!" narinig ko ang boses ni 2J habang pinipigilan siya nila Diane.

"Sandali 2J hindi kappa okay!" sagot nila.

Kaya nagmadali na'kong pumasok at nakita si 2J, si Kyle, si Diane at Pat.

"Leo? Nathan??" pagbanggit nya palang ay lumuhod na sya sa harap namin. "Salamat naman at buhay kayo!"

Tila ba kumulo yung dugo ko sa narinig ko. "Anong sabi mo?" tanong ko habang dahan dahan na lumalapit sa kanya at hinihila ako ni Nathan. "Salamat dahil buhay kami? EH DIBA IKAW ANG NAGDALA SAMIN DON?" hindi ko na napigilan pang sumigaw.

"I'm sorry Leo please let me explain." Andito na rin naman. Nangyari na rin naman kaya ni-relax ko yung sarili ko. "I know Malaki at marami ang kasalanan ko sa'yo pero pakinggan mo muna yung paliwanag ko."

"Paliwanag o kasinungalingan? Para mapagtakpan yung kasalanan mo?" tumingin sa'kin si Diane.

"Let him explain Leo." Si Diane na yan so I have to.

"Fine. Explain!" huminga ako ng malalim.

"Salamat Diane" tumingin sya kay Diane pagkatapos ay nagkwento na. "I'm all wrong, kahit saang anggulo ko pa tignan. I'm sorry Kyle for cheating on you. I'm sorry kasi ako na yung cheater at the first place, ako pa yung may ganang magalit sa'yo at kay Leo." Naluluha na sya, bakit ganun? Bakit pa tayo naaawa sa mga taong may napakalaking kasalanan satin?

"I've a lot of cruel things to you Leo, at isa na dyan ang..." yumuko sya habang umiiyak. "Isa na dyan ang nakipag tulungan ako kay Darren."

"Nalaman ni Darren na lagi kang p-protektahan ng mga kaibigan mo kaya inutusan nya'kong ilayo sila sayo. Minsan ako ang nagtetext sa'yo pero minsan si Darren. Pumayag ako sa gusto nya kasi ang sabi nya sakin, gusto ka lang nyang kausapin at magpaliwanag."

And naniwala ka namang tanga ka.

"Of course hindi ako naniwala, alam ko that time na gusto ka nya. Nung gabi ng concert, Tinali ako ni Prince at sobra akong nagtataka kasi, bakit umabot sa puntong kailangan akong itali? At pagdating ko ng warehouse ay nagtaka na rin ako kung bakit kinidnap ka kaya tinanong ko sya pero ang sabi nya, tatakutin ka lang daw kaya nag video pa'ko at sinend kay Thomas."

Hindi ko alam kung maniniwala pako.

"Believe me or not, Pinigilan ko sya, lalo na nung may nakatali ng bomba kay Nathan. Dinikit ko si Darren kay Nathan para mapilitan syang alisin yung bomba."

Nagulat ako sa mga narinig ko at tinignan si Nathan.

"Walang malay si Nathan n'on." Pagdugtong ni 2J."Hindi mapatay ni Darren yung bomba pero napatagal nya bago sumabog at ang dahilan kung bakit nadala ko si Nathan sa labas at tumakas kami ni Darren."

Tumingin sya kay Kyle "Alam kong maling mali na ang pumatay kaya pinigilan ko sya." Umiyak sya lalo. "Naging selfish ako I know, and I'm really really sorry. Makaraan ng ilang araw at hindi na kinaya ng konsensya ko kaya pinilit ko na si Darren na sumuko kaso dahil ayaw nya, nag away kami at naging sanhi nito."

Pagtaas nya ng damit nya ay nakita naming ang malaking sugat sa likod nya. "Maiintindihan ko kung hindi mo'ko mapapatawad agad Leo, Nathan.. " Lumuhod sya sa harap namin. "Pero sana paniwalaan nyo'ko."

"Naging selfish ako at nakagawa ng malaking pagkakamali pero hindi ako mamamatay tao Leo"

I can't believe na maaawa ako ng ganito sa kanya. "Tumayo ka dyan 2J" hindi ko napigilang maluha kahit na Malaki pa rin ang galit ko sa kanya. "Magpagaling ka muna at hayaan mo'kong mag isip."

"Kyle I'm really sorry." Lumuhod din sya sa harap ni Kyle at pilit syang pinapatayo nito.

Hinila sya ng nurse ng Makita naming may dumugo yung sugat nya.

"Magpahinga kana muna 2J." lumabas kaming lahat ng kwarto.

Mahirap pero kailangang mag sink in ng lahat. "Totoo ba yun Diane?" tanong ko.

"Oo Leo, 50 50 na si 2J nung dinala sya dito sa ospital dahil nauubusan na sya ng dugo." Sagot nya sa'kin.

At tumingin ako sa kanya ng pumasok sa isip ko kung kumusta naba sya matapos ng nangyari sa kuya nya.

"Ikaw? Kumusta ka naman?" tanong ko.

Ngumiti sya bago magsalita. "Mas mabuti ng ganun ang nangyari sa kanya kaysa may mapahamak pang iba. Alam na rin ni Mommy."

Malaking galit man ang nararamdaman ko kay Darren, alam kong mahal sya ni Diane. Lumapit na lang ako para yakapin sya.

"Magpasalamat na lang tayo at tapos na ang lahat Leo. Makakahinga ka nan g malalim." Natigilan ako sa mga sinabi nya.

At habang yakap ko sya ay naalala ko si Mama, simula nung nangyari hindi pa naming napag uusapan ang tungkol sa kanila ni Papa. Hindi ko alam kung kalian ako magiging handa, o magiging handa pa ba talaga ako?

"Relax Leo, see? Unti unti umaayos na? wag mo ng masyadong isipin, magugulat na lang tayo isang araw tapos na lahat." Gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni Nathan.

"I-check ko lang si Thomas ah." Pagpaalam ni Kyle at pinuntahan na ang kwarto ni Thomas.

Pagkawala ni Kyle ay tumingin sa'kin si Diane. "Alam nyo na ba?" tanong nya na nagpa curious sa'kin haha. "Alam nyo ba na si Kyle ang araw araw na nagbabantay kay Thomas?"

WHAT??? How come ang magbabantay kay Thomas is someone na kagalit nya?

"Nope!" NArinig ata ni Diane bulong ko. "Isang beses kasi pumasok ako doon tapos narinig ko si Kyle na pinipilit gisingin si Thomas, tapos umiyak sya."

"Teka, don't tell me nagka feelings si Kyle kay Thomas?" tanong ni Nathan. "Though I'm not telling na may masama doon. Pero ang masama siguro ay ang pinag kukwentuhan natin ang iba, okay? So Let's go puntahan na muna natin si Prince sa kanila."

Tama naman si Nathan.

It's funny how we don't want to be a topic ina specific group but tends to talk about someone when we are in a group. Haha.

"Wait may tumatawag sa'kin." Nag stop kami sa paglalakad sandali. "Really? Okay I'll tell them."

Lumapit sya sa'min. "Mom called and she said, she wants to meet all of you."

I'm a little confuse. "What do you mean all of us?"

"Tayong lahat na naapektuhan ng plano ni Kuya."








***
Author's Note:
Pasensya na po natatagalan. Malapit na matapos chill lang.

Banner photo is from Pinterest:

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon