Chapter 47: Photoshoot

102 17 2
                                    

Leo's POV








"I'm sorry, hindi ka ba nahihirapan, pwede mo naman na akong ibaba dito, makakapaglakad na'ko papunta doon." Sabi ko pero ayaw nya'kong ibaba.

"It's okay, mukha ba'kong nahihirapan? Baka madapa ka nanaman pag iniwan kita dito."

Hindi na lang ako kumibo pa.

Chineck ko yung phone ko, and 2 hours na lang mag uumpisa na pala ang shoot.

Buti ay hindi gaanong malayo yung pinuntahan namin.

Pagdating na pagdating namin ay sumalubong si Nathan. 

"Anong ginawa mo kay Leo?" tanong nya, tinignan nya yung paa ko na medyo namamaga. "Okay ka lang Leo?"

Hindi ako nagsalita.

"Leave us alone okay? Kailangang mapahinga at maayos ng paa ni Leo."

Lalakad na sana si Kyle habang pasan nya'ko nang hawakan ako ni Nathan sa kamay.

"Sasama ka sa'kin." Sabi nya. Tinignan ko yung mukha nya at seryoso sya.

"Pare pwede ba? Usapang lalaki lubayan mo muna si Leo, halata namang ayaw nyang sumama sa'yo."

Pakiramdam ko nahihirapan si Kyle kaya bumaba na muna ako.

Saktong dumating naman si Alex.

"Wala akong pakialam sa'yo, Kyle!" Tumingin sya sa'kin. "Leo! Sasama ka sa'kin." Hinihila nya ng pilit yung braso ko, at medyo nasasaktan nako humawak na lang ako sa braso ni Kyle para makapag balance ako.

"Kyle Nathan! Ano ba!! Nasasaktan na si Leo." Sigaw ni Alex.

"Ang kapal naman kasi ng mukha mong saktan si Leo tapos ngayon mangungulit ka?"

Sinuntok kaagad ni Nathan si Kyle pagsabi nya nito.

At dahil napaatras si Kyle, ay bumitiw ako sa pagkakahawak..

Sa sobrang bilis ng pangyayari, I just caught myself, lying in the ground.

At lalong sumakit yung paa ko. Sobrang sakit.

"AHhh!!" nagsisigaw ako sa sakit.

"Leo!" lumapit kaagad si Alex sa'kin at inalalayan akong tumayo.

Pilit akong nilalapitan ni Nathan kaya napikon na'ko.

"Ano? Masaya kana? Ha? HINDI KO MAINTINDIHAN ANO PA BANG GUSTO MO? MASAYA KABANG GINAGAGO MO'KO?"

"Leo No! It's just that-"

"LAYUAN MO'KO!" sigaw ko at tumuloy na lang kami ng lakad ni Alex.

Bumalik ka na kami agad sa kwarto para maayos yung paa ko.


***




"Okay na ba yung paa mo Leo?"

Tumango lang ako.

At habang pinapagulong ko yung bote na may maligamgam na tubig sa paa ko ay inaayusan na'ko ni Diane.

"Ahm.. Leo I'm sorr-"

Hindi ko sya pinatapos at sinabi ko na kaagad yung gusto kong sabihin.

"Sorry? Akala ko bang wala ng magtatago at magsisikreto dito?"

Hindi sya naka kibo.. "Ano yun? Ha? As of today ang mag pinsan na lang ba ang pwede kong pagkatiwalaan?"

Tanong ko at nagtaka sila Alex at Diane.

"Ikaw ba Alex?" tumingin ako sa kanya. "Baka may tinatago ka rin.. spill it out now!"

Nagulat sya sa sinabi ko at hindi sya nakasagot agad.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon