Chapter 54: Failed

91 14 1
                                    

Alexander's POV








Naglalakad na si Pat papunta sa gate ng warehouse.

Naghintay lang muna kami ni Prince dito sa may malapit pero nakatago naman...

"Ahm guys? I'm a little bit lost kasi, can you help me po ba to know the direction, like I'm so tired na talaga and my feet hurts."

Yumuko si Pat at hinawakan yung paa nya tsaka nya inumbok yung pwet nya.

"My goodness, I'm gonna regret seeing this." Sabi ni Prince.

Maya maya lang ay nilapitan na sya nung dalawang nakabantay, hinarap nya ang dalawang lalaki sa hindi kami makikita.

Sumenyas sya kaagad na pumasok na daw kami.

Sinuntok lang namin sila sa batok, kaso mukhang hindi effective. Humarap sila sa'min. At sinuntok kaming dalawa ni Prince sa mukha na nagpatilapon sa'kin.

"Ang hihina nyo my Gooodd!" Si Pat ang sumuntok sa dalawa, Tig isa sa bawat batok, dahan dahan silang natumba pagtapos nun.

Pag handusay nila ay tumitig si Pat sa'min.

"Oo na, thank you!" sabi ko.

Hinila namin yung dalawang lalaki sa may hindi sakop ng CCTV, dahil kailangan ng ibalik ni Joshua yung view sa gate anytime, baka makahalata sila.

Nang pag ikot ulit ng CCTV ay pumasok na rin sila Diane, Thomas at Kyle.

"Iikot na kami at dadaan sa likod." Sabi ni Thomas, at hindi na sila nag aksaya ng oras, tumakbo na silang tatlo.

Mabilisan din naming kinuha ang mga suot nitong dalawang nagbabantay...

Sinuot namin ni Prince upang hindi kami makilala.

"Gagawa na kami ng distraction anytime, ikaw saan ka pupunta niyan Pat?" tanong ko.

"Akong bahala." Tumakbo na sya paalis.

"Gawin na natin Prince." Sinuot namin yung mga takip sa mukha at sumigaw na para bang nag aaway.

Hindi naman nagtagal ay may lumabas ng mga lalaki.

Buti naman!.

"Napakayabang mo kasi!" sigaw ni Prince.

"Ikaw naman pakialamaero ka!" wala akong maisip na sabihin.

Kunwari nag aaway pa rin kami pero tinatamaan na rin namin sila sa mga tira namin.

Parang hindi sinasadya, pero para sainyo talaga yung mga suntok na nakukuha nyo.

Isa na lang ang natitirang nakatayo kaya sinapak na kaagad namin sa mukha.

Nang matumba sila ay itinayo namin ang dalawa at sinandal sa pader. Tinali namin yung kamay para kapag nagising ay hindi makaalis.

Iniwan naming nakatayo ang dalawa para magmukhang bantay..
"I can't believe we're doing this." Sabi ko.

"Wag ka ng mag inarte, kailangan na nating makapasok."

Tumakbo kami papasok pero nang makarating kami ay naglakad lang kami ng normal.

Nakakulong sila Nathan at Leo sa isang malaking aquarium. Nakatali ang mga kamay nina Uncle Jonathan at Tito Larry.

Maya maya lang ay dumating na si Darren.

Nakinig ako ng mabuti sa bawat salitang lumabas sa bibig nya.

Nakatali na din si Diane. Haaayy.

Habang naririnig ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Darren ay naliwanagan kami sa nakaraan nya.

Ngayon alam ko na ang puno't dulo nito.

Hinila bigla ni Darren ang lever at bumuhos ng mabilis ang tubig sa loob ng aquarium...

Kailangan namin makaisip ng paraan kung paano mababasag yun.

Na inject na ang dugo sa leeg nila Tito Larry.

Saan galing nila Kyle at Thomas yan? But I'm really sure na hindi yan contamindated ng HIV. Well. I hope.

Hindi pa pala tapos ang pakikipaglaban sa mga nakaitim na'to.

Ginagawa nila ang lahat ng paraan para hindi kami makalapit kay Leo.

Bahagya kaming natagalan sa pakikipag suntukan, kaso naglabas na ng baril ang dalawa kaya napataas kami ng kamay ni Prince.

"Luhod!" sigaw nila.

Lumuhod kami at tinali nila ang kamay namin sa likod.

Duguan na si Thomas. Ginawa nyang pain ang sarili nya para masira ang salamin, kaso mukhang hindi na nya kakayanin.

"Leo!!!" sigaw ko, at ramdam kong tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko. "Nathan!! Thomas!!!"

Kahit na hindi maganda ang naranasan ko kasama si Thomas ay, hindi pa rin tama na dito sya mamatay.

Pare pareho na silang nahihirapan lahat.

Hindi kami nagtagumpay Leo. I'm sorry.

Napuno na ng tubig ang aquarium at unti unti na silang nanghina pareho.

Nakalabas sila Diane at Kyle dala dala sila Tito Larry at Uncle Jonathan. Mabuti na lang ay may nailigtas kami.

Pero tama ba'tong nakikita ko? Si Joshua? Nakuha nila?

"Bitawan nyo sya ako na lang! Wag nyo na syang isali dito."

Papasok na sila at dala nila si Joshua.

Hinagis nila sya papunta sa'kin "Sinaktan kaba nila?"

Kaso lalong tumayo ang balahibo namin nang maaninag ang mukha ng isang babae.

"Grace bakit ka nandito?? Sinabi ko sa'yo delikado ang pupuntahan ko." Pilit na kumakawala si Prince kaso mukhang mahihirapan sya.

"Darren! Tapos na rin naman diba? Pakawalan mo na sila." Sigaw nya. Ramdam ko ang sakit ni Prince.

"Turuan nyo ng leksyon ang mga yan." Pagksabi na pagkasabi ni Darren ay sinuntok nila ang tyan ni Grace.

Sumigaw sya sa sakit at ibinigay naman ni Prince ang buong lakas nya para makalapit sakanya.

Tumulo ang dugo sa paa ni Grace.

"DEMONYO KA DARREN!!!" sigaw ni Prince.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumukas ang aquarium. Lumabas ang lahat ng tubig.

Kaso huli na kami. Wala ng malay sila Nathan at Leo.

Hindi sila pwedeng mamatay.

Sinuntok ako sa mukha na syang dahilan kaya napahiga na'ko sa sahig.

Sumunod ay sinipa ako ng sinipa sa tagiliran.

Nag umpisa na'kong magsuka ng dugo, at lumiliit na rin ang naaaninag ko.

Malapit na'kong mawalan ng pag – asa.

Hanggang dito na lang nga ba'to?

Hanggang dito na lang ba sila Leo?

Tumunog ng malakas ang sirena.

Pulis?


Ngumiti ako dahil, maliligtas na kami..


Sana hindi pa huli ang lahat at mailigtas pa sila Leo, Nathan, Thomas, at ang baby ni Grace.

Nanghina na'ko at dumilim na ng tuluyan ang paligid.


**************
Author's note:
Hi guys! Long time no update.
I promise malapit na syang matapos and I will definitely give you a good ending. ❤️

Banner photo is from Pinterest:
https://pin.it/60wfVcl

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon