Chapter 26: Injured

131 16 4
                                    

Leo's POV


Hindi ko naiintindihan kung anong dapat na maramdaman ko. Maiinis ba'ko? Malulungkot ba'ko?

"Nathan!!"

At biglang may sumampal sa'kin. "Kanina pa kita tinatawag ano na tulala??" Ilang segundo din pala akong pre occupied. "Hindi mo nanaman na-meet ang mga bagong members kanina ah, anyways na re-sched yung practice. Hindi pwede bukas dahil may P.E. tayo swimming diba? You better make yourself free this following days okay"

Haayyyy oo nga pala. Ang dami ko din palang commitments lately. "Oh yeah! Of course! Pasensya na lagi akong absent huhuhu. Babawi ako Pat!"

"Oo na alam ko naman. Ganyan naman talaga kapag in love!" Grabe 'tong si Patricia. Kapag busy in love lang yung reason?

Nagtinginan naman sila kaagad. Silang tatlo ni Alex at Diane.

"Yes! Pre-occupied pa lagi!." Sabi naman ni Diane. Habang nakatingin silang tatlo sa'kin.

"Wala sa sarili? Dahil sa selos 'yan!" Dagdag naman ni Alex.

"Baliw! Sinong nang seselos?" tanong ko naman kaagad. "Bahala kayo dyan issue kayo!"

"Hasus! Deny-ny-ny Deny-ny!" pang aasar naman ni Diane.

"Number 28 from Silverster Uiniversity pasok!" sigaw nung announcer.

"Si Nathan nakapasok na!" sigaw ni Pat.

"Oo pinasok sya kung kailan ang dami na ng lamang ng kalaban.." Dugtong ni Alex.

Shit! Oo nga ang dami na rin pala ng lamang ng kalaban.

"Buti pa sa game naka pasok na si Nathan!" sabi ni Diane at nilapit nya sa tenga ko yung bibig nya.

"Oo nga sis! Eh sa puso kaya nung isa dyan kailan sya makakapasok?" tanong naman ni Pat.

Natawa ako ng konti kasi ang tatalino umisip ng pang aasar netong mga to.

Tawanan sila eh. "Haysus! Kinikilig ka naman!" pagkatapos ay kiniliti ako ni Diane.

"Wag na nga kayong maingay!! Oh My God!!!!" Sigaw naman netong si Alex.

"Na kay Nathan na yung bola!!!!! OMG!!" bakit ba kasi kailangan nilang sumigaw?

Tumatakbo na si Nathan hawak yung bola. Pumwesto sya sa may 3-point line.

"Ayan na tres yan!!" sigaw ni Pat.

Tinira na ni Nathan yung bola kaso hindi nya na-shoot.

"Ayy sayang naman!" malungkot na binigkas nilang tatlo.

"TIME OUT!" sabi naman ng announcer.

Anong problema ni Nathan? Eh magaling naman sya sa basketball eh.

"Ayy hindi ko yata kaya 'tong nakikita ko." Biglang sinabi ni Pat.

Nakatingin sya sa may babang bleachers.

Tumingin naman ako kaagad.

Nakita ko si Nathan pinupunasan sya ng pawis nung babae.

"Ouch!" bulong sa'kin ni Diane.

"Ano? Awayin na ba natin?" tanong naman ni Alex.

"Baliw kayo! Kung hindi nyo'ko titigilang asarin uuwi na lang ako!" sagot ko sa kanila.

Nainis lang ako. Nawala ako sa mood. Inayos ko na yung gamit ko at bumaba na'ko. Medyo may pagkataasan din pala 'tong bleachers. Maraming tao sa kabila kaya dito na'ko bumaba. Diretso sa kung saan nakaupo si Nathan.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon