Chapter 55: Forever with me

109 12 5
                                    

Leo's POV




















"ETO NA ANG HULING LARO NATIN!!!"

Nagising ang buong diwa ko sa isang sigaw.

Binuksan ko ang mga mata ko.. Bigla akong naubo at nagsuka ng maraming tubig.

BUHAY KAMI? Buhay ako?

Hinanap ko si Nathan.

Salamat sa Diyos at hindi ako nakatali.

Pinuntahan ko kaagad sya para yakapin.

"Tara na Nathan. Umalis na tayo dito."

Sa isang TV ay lumitaw si Darren.

"Okay lang nakabukas naman ang pinto."

Hindi ko sya pinansin at pinilit ko si Nathan na tumayo.

"Nathan tara na! Habang may oras pa."

Hinila ko sya kaso mukhang napuruhan sya sa tyan.

"Ano pa bang gusto mo Darren?" Sigaw ko.

"U-umalis ka n-" Pautal utal na sinabi ni Nathan. "Umalis ka n- na! Iligtas mo na ang sarili mo-"

"Aww Oo nga naman, Iligtas mo na ang sarili mo Leo, tutal ikaw naman ang laging inililigtas dito. Ikaw bahala, baka maubusan ka ng oras, Tick! Tock!"

May biglang umilaw sa damit ni Nathan.

Inangat ko ang damit nya at kung hindi ako nagkakamali ay bomba ito.

"Hahahahaah Tingin nyo ganun lang ako kadaling talunin? Kahit magsama sama pa kayo ng mga kaibigan mo, at kapatid ko, plus may bonus na pulis, sisiguraduhin kong makukuha ko ang gusto ko."

Nakita ko sa likod nya si 2J. Hindi ko inaasahang, kaya nyang panoorin kami na nagkakaganito. "At isa pa, napagplanuhan ko na'to ng maayos, Well, dahil sa pangingialam ng mga kaibigan mo, ay may isang nauna pang nawala kaysa sa inyo, at may isang nawalan ng anak."

"Hindi totoo yan!" sigaw ko. Sinong tinutukoy nya? Si Thomas ba?

"Ano pa bang gusto mo? Ang dami na ng nasaktan, tama na!!" sigaw ko. "Hindi ko kasalanan ang kasalanan ng Papa ko, sinisigurado kong mananagot sila. At hindi ko rin kasalanan na namatay si Tristan.. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo Darren."

"Leo, stop! Just go! Iwanan mo na'ko dito. Wala na tayong oras."

"No! Darren, alam kong may puso ka pa rin, pero sobra na, hindi ka magiging masaya kapag namatay kaming lahat!"

Napagod na lang ako kakasigaw.

Pinatay na ni Darren yung TV, pero bago nya patayin ay nakita ko muna syang yumuko.

[Play Hiling by Mark Carpio]

Umaasa man ako na magbabago ang isip nya, ay itinuon ko muna ang atensyon ko kay Nathan.

Tinignan ko kung ilang oras na lang ang meron bago sumabog..

Pitong minuto..

"Pitong minuto pa, magagawan pa natin to ng paraan Nathan." Naglakad lakad ako para maghanap ng pwede kong gamitin.

"Eto may bubog, pwede ko'tong gamitin na pam putol ng mga wires.." Lumapit ako sa kanya para hanapin ang pwede kong putulin.

Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ngayon..

Kailangan ako ni Nathan. Hindi ako pwedeng maging mahina.

Matapang ka Leo, matalino. Alam mo ang gagawin mo dito.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon