Chapter 11: Deal

207 17 0
                                    

Leo's POV

Isang oras na rin ako dito. Gusto ko dito muna ako. Ayoko munang uminom ng alak. Gusto ko mag sink in lahat sa utak ko yung mga sinabi ni Grace. Gusto kong maisaksak ko sa makulit kong utak yung katotohanan.

Malinaw na rin naman eh. Kailangan ko lang may matutunan. Besides apat na buwan na kaming tapos.

Nandito ako sa lugar na pinagmulan ng lahat. Halos matagal na rin nung huli akong nagpunta dito. Tinititigan ko yung bagay dito na ginawa namin nila Prince at Thomas dati.

Pati yung dinala ni Nathan na Mesa at upuan kasi inasar sya ni Thomas na isang taon din daw nung iniwan nya kami.

Kailangan kasing lumipat ni Nathan ng school nun pero after 1 year binalikan nya rin na kami.

Habang nililibot ko tong tambayan namin, naalala ko lang na hindi ganun katindi maging concern sa'kin si Nathan dati.

Yeah we're friends pero after talaga nung party ni Diane, nag umpisa syang maging concern sa'kin. Maybe nakita nya kung gaano talaga ako ka gulo ngayon.

Sobrang daming pangyayari ngayong araw. Si Mama nakikipaghiwalay na daw kay Papa. Si Nathan galit pa rin sa'kin.

Pero yung kay Grace? Parang this is considered to be a good news. After naming mag usap malinaw na ang lahat sa'kin.

*phone ringing*

Sinagot ko kaagad at nakita ko si Prince tumatawag. Pagsagot ko palang.

Prince: Hello? Okay ka lang? nasan ka?

:Bakit kaba tumawag? Okay lang ako. Hindi pa tumatawag si Mama pero oks ako

Prince: Pero nasaan kaba? Sabihin mo lang kung nasaan ka. Alam kong malungkot ka okay?

:Sa tambayan pero wag mo na akong alalahanin. Gusto ko lang mapag isa.

Prince: Oh sige! Pero if you need help, just text me.

*end call*

Bakit bigla bigla namang nagiging concern to? Pero buti nga may ganito akong kaibigan.

*phone ringing*

Wait! Bakit tumatawag nanaman sya? Pagtingin ko ng phone hindi pala si Prince, agad agad ko na'tong sinagot.

: 'Hello Ma?'

Mama: 'Anak? Hello? Pasensya kana ngayon lang ako nakatawag.'

: 'Ma okay lang Ikaw? Kamusta kana ba? Saan ka nyan?'

Mama: 'Ayos lang ako anak.. Mukhang sinabi na ng Papa mo no? Anak, sana maintindihan mo ha.'

Hinihintay ko kung anong sasabihin ni Mama. Umaasa akong hindi totoo yon. Konti konti nararamdaman kong naiiyak nanaman ako.

Mama: 'Totoo yon anak. Maghihiwalay na kami ng Papa mo, hindi kopa pwedeng sabihin yung dahilan pero sana maintindihan mo. Pareho na lang kaming nahihirapan ng Papa mo. '

: 'Ma bakit? Bakit kailangan pa kayong maghiwalay? Bakit hindi nyo na lang ayusin? Pag usapan nyo..'

Mama: 'Anak! Ikaw yung panganay okay? Kaya kailangan mong maintindihan. Kailangan mong maging matatag para sa mga kapatid mo. Sinabi sa'kin ni Manang na hindi pa lumalabas ng kwarto ang Papa mo kanina pa kaya gusto kong maging malakas ka. Ipangako mo sa'king magiging malakas ka para sa mga kapatid mo.'

: 'Opo Ma! Opo! Kailan ba kayo uuwi? Miss na miss kona kayo'.

Kapag si Mama ang kausap ko, kahit anong sabihin nya naiiyak ako kasi miss na miss ko na sya. Gusto kona syang mayakap.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon