Chapter 16: Secrets

174 17 0
                                    

Leo's POV

"Guys! Hindi kayo maniniwala kung sino pa ang ibang nasama sa top 10!!." Sigaw ni Diane.

"Sino lahat ng kasali?" tanong kaagad ni Alex. "Sino pa yung anim?"

"Okay since apat na nga kayo dito. Infairness apat kaagad sa isang section." Nag isip sya ng maayos. "Sa anim na natitirang slots, tatlo ay hindi pa sigurado maya maya palang mag coconfirm, so sa tatlong nagconfirm na, Kasama dito ang pinaka mamahal nyong lahat na si Thomas Montemayor. Hulaan mo yung isa Leo! Actually dalawa yan pero isa muna, clue nagkita kayo ngayon."

Ha? Bakit ako? Nakita ko na sya ngayon? Hmmm.......

"Ano? Sino? Sabihin mo na lang kasi!" pasigaw kong sinabi habang curious pa rin ako.

"Okay eto na, Si Kyle Dela Cruz, ang pinsan ni Alex, na nakaaway na ni Leo kanina." Tawa silang lahat eh.

Hindi ko din naman idedeny kung bakit kasama sya.

"So sino pa?" tanong naman ni Patricia na minsan na lang din talaga magsalita.

"Ah okay! Same clue Leo! HAHAHAHA nakita mo rin sya ngayong araw" WTH? Bakit laging ako?

Pero habang nag iisip kung sino lahat ng nakita ko ngayong araw

at nakasalamuha ko na

at of course yung hindi nakakapagtakang nakasali....

Hmmm........

"Si 2J no?" tanong ni Nathan habang napaka seryoso.

"Sinong 2J? And akala ko ba nakita ko sya ngayong araw or nakasalamuha?" tanong ko, pero sabagay baka nakita ko lang hindi ko naman kilala.

"Si 2J A.K.A John Joseph Hipolito, ang nakabunggo sa'yo kanina, ang boyfriend ni Kyle, na nag alok ng uniform sa'yo kanina." Sagot ni Alex sa mga tanong ko.

"Kilala nyo si 2J?" tanong ko sa kanila.

"Naririnig lang" sagot ni Prince.

"Of course! Hindi lang kilala. Kilalang kilala. Sya yung sobrang inlove kay Kyle na kahit na ano kaya nyang gawin..." tumayo si Alex na para bang sobrang daming ik-kwento. "Pero  isang araw, nakapansin ako ng kakaiba sa kanya. Wag nyo na lang ipagsasabi okay? Naririnig ko lang kasi na may third party daw."

"Alam ni Kyle yun?" tanong ko.

"Diko alam eh, ayoko kasing manghimasok sa relasyon nila." Sagot ni Alex. "And alam nyo ba kung sino yung third party?"

At ang lahat ay nagkaroon ng malaking question mark sa mukha.....

Automatic na humaba ang leeg, naghihintay sa sabihin ni Alex.

"Okaya wag na lang baka ipagsabi nyo." Pagkasabing pagkasabi ni Alex, sabay sabay kaming sumigaw.

"SABIHIN MO NA!"

"Wag kayong maingay Diyosko! Bali balita na ang third party daw ay si....." Ilang Segundo kaming nanahimik at naghihintay sa isasagot ni Alex. "Walang iba kung hindi si Thomas!"

Pagbigkas palang nung huling salita na sinabi ni Alex. Tumambad na kaagad ang napakaraming tanong sa mukha ko. Don't tell me, Thomas is into guys?

"So Bakla si Thomas?" tanong ni Patricia.

"Bakla agad?" bigkas naman ni Diane at kaming lahat ay nagtataka pa rin.

"Imposible yang sinasabi nyo, Kung bakla si Thomas bakit nya nabuntis si Grace?" Kitang kita sa mukha ni Prince yung pagkagulat pagtapos nyang sabihin yun.

"Buntis si Grace?" tanong naming lahat. Nagtataka ako pero there's something in my mind na parang naging clear. So kaya pala nung huli kaming nagkita, tumataba sya. Nabuntis sya ni Thomas?

"Bakit mo nasabing buntis si Grace?" Mas nagtaka kasi ako kung bakit parang siguradong sigurado si Prince.

"Ahm.." Napalunok si Prince at halatang kinakabahan sya. "Ah kasi, nakita ko sya nung isang araw tumataba, nag assume lang ako na buntis sya."

Tumango na lang ako pero hindi ako naniniwala.. May kakaiba eh. I have to know the truth. Kung si Diane at Nathan nga kayang magtago sa'kin, hindi malabong kaya din ito ni Prince.

Saktong nag ring yung bell at pumasok na yung susunod na teacher.

***

Lunch break

"Guys! Look!" sabay lapit ni Diane sa'min. "Na-release na lahat ng mga candidates."

Chineck ko kaagad yung phone ko at tinignan yung mga pictures.

"Oh my Gosh!!! Pasok si Gerald!!!" Tilian si Patricia at Diane. "Si Joshua ang cute din kaso ayoko dyan sobrang yabang."

So narealize ko pinag uusapan pala nila yung tatlo pang nakapasok.

Having sa realizations, after kong maging main character sa isang BL series, nag agree naman ako ngayon sa duet performance na'to.

Something big is really going on.

"Ang pangit naman netong last Diyos ko!" sigaw ni Alex.

Tinignan ko kaagad kung sino yung tinutukoy nya. Si James pala, yung ka-band ni Prince.

"Hoy grabe ka cute naman sya eh, pangit lang yung nakuha picture." Sagot ni Patricia.

"Yung nga yung ibig kong sabihin okay? Relax!" pagbanggit palang ni Alex, may lumapit na sa'min na dalawang lalaki.

"Anong sinabi mo tungkol kay James?" ang laki ng boses at parang anytime mananapak.

"Oh! Joshua ikaw pala yan! Ahm.. wala wala sabi ko ang cute ni James at mas cute sya sa picture." Gago, kabadong kabado si Alex HAHAHAHA.

"Narinig ko na kanina tinitignan ko lang kung magsasabi ka ng totoo, subukan mong umulit sa panlalait sa kapatid ko, hindi mo magugustuhan yung mangyayari." Pag alis palang ni Joshua, huminga na kaagad ng malalim si Alex.

"Ayan! Tanga ka!" Sigaw ni Diane at nilapitan namin siya. "Kapatid ni James si Joshua baka lang hindi moa lam diba?"

"Yang bibig mo kasi hindi mo rin ma tikom pa minsan minsan." Pagsermon naman ni Pat.

"Pero ang cute nya, Diyos ko! Nung nilapit nya yung mukha nya sa'kin" sabay tili ni Alex.

"Taenang to, muntik ka ng mabugbog, kinikilig ka pa dyan." Na agad namang sinundan ni Pat ng sampal.

"Ayan para naman medyo matauhan ka!" At nagtawanan na lang kami.

***

Pagbalik namin ng classroom, hindi pa rin naaalis sa isip ko si Prince.

Imagine, ilang linggo na syang agad umuuwi after class, tapos naging kakaiba din sya lately.

I have to make a plan. Aalamin ko ang lahat.

Agad akong nagtext kay Patricia at Diane. Alam ko namang manonood si Alex ng basketball practice mamaya para subaybayan si Joshua eh.

Habang si Nathan naman may practice ng basketball.

"Let's meet after class, sa library, wag nyong sasabihan si Prince."





***
Author's note:
Painit palang ng painit hehehehe. I hope nagugustuhan ho ninyooo.

Banner photo is from Pinterest:
https://pin.it/2SJyH7m

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon