Chapter 10: Let Go

166 21 3
                                    

Leo's POV

Naglalakad na'ko papunta sa café. Pagdating ko, tinignan ko yung mga upuan, and wala pa sya. Nag order na'ko nung favorite nyang drinks.

Umupo muna ako dala yung drinks namin. Nag isip isip muna ako sandali. I can't forget that date. February 11, 2019.

Yung araw na pagtaksilan ako ng girlfriend ko at ng bestfriend ko. Honestly kung iisipin. Hindi ko inaasahang kay Thomas lang babagsak si Grace.

Ofcourse, bro-code kung ex na ng kaibigan mo, wag mo ng tataluhin, pero kung papapiliin kasi ako, mas gusto kong mapunta si Grace kay Prince kaysa kay Thomas. Alam kong mahal na mahal ni Prince si Grace.

Sa ilang linggo na hindi namin pag uusap, kitang kita kong nasaktan sya ng sobra. Pagkatapos nyang mainlove kay Grace kapareho ko, wala na syang ibang nagustuhan. Maybe, choice nya na rin yon.

"Hi Leo!" dumating na si Grace.

Nagulat ako sa itsura nya kasi parang medyo tumataba sya. Tinignan ko yung mukha  Angganda nya pa rin walang kupas.

"Oh Grace! Upo ka!" Umupo naman sya sa may harap ko. "Kamusta? 1 week ka ring hindi pumasok eh." Nginitian ko sya na parang walang nangyari sa past namin.

"Ahm. Actually titigil na'ko and wag mo ng tanungin kung anong dahilan it's kinda private." Sagot nya.

"Pag usapan na natin yung dapat nating pag usapan." Dagdag nya.

"Ahm. Yeah! Right!" sagot ko ng may halong kaba. At sa hindi ko malaman kung saan nanggaling, nalungkot ako. Naalala ko yung mga panahon na sobrang saya namin. Yung mga panahon na ako yung nakakapaglagay ng ngiti sa mga labi nya.

Yung mga panahon na ako pa yung dahilan ng pagtawa nya. Ang sakit pa din pala..

"So anong gusto mong malaman? Saan tayo mag uumpisa?" seryoso yung mukha nya.

[Play Hatid by The Juans]

Tinapangan ko at hinanda ko na lang yung sarili ko sa maaring maging sagot nya sa itatanong ko. Inasahan ko na yung pinaka masakit na salitang pwedeng lumabas sa bibig nya.

Konti konti binigkas ng labi ko yung mga salitang bumuo sa tanong na

"Grace minahal mo ba'ko?". Natigilan sya ng sandali. Nakita ko sa mata nya na, may iniiwasan sya. "Sa loob ng walong buwan, minahal mo ba talaga ako?" Nagulat sya sa tinanong ko. Ilang segundo din kaming tahimik at ilang Segundo na din akong kinakabahan.

"Sa totoo lang Leonardo, hindi kita minahal" Sagot nya, Sinagot nya yun ng diretso ang tingin sa mga mata ko. 8 months? 8 fucking months? pero hindi nya'ko minahal?

"February 5, nung pinuntahan ako ni Thomas sa bahay. Nag away tayo nun!. At dalawang araw na kitang hindi kinakausap, kasi nalaman ni Papa yung about sa'tin, which is kasalanan mo dahil sinabi mo kay Gino! Diba?" Handa ba'kong marinig 'to? Ganun pa man inexpect ko na yung pinaka masakit na posible nyang sabihin.

"Nagsex kami ni Thomas. And yeah yun yung nasa video." Dagdag nya. Konti konti nakaramdam na'ko ng kurot sa puso. Kung makapagsalita sya parang kahit isang beses hindi nya'ko minahal.

"P-pero bakit? Bakit mo ginawa yun Grace?" tanong ko sa kanya. Habang ramdam kong dahan dahan ng pumapatak yung luha sa mata ko. Bakit nasasaktan pa rin ako? Apat na buwan na yung nakalipas Leo! Bakit hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin?

"Aksidente ang lahat Leo!. Lasing sya. Malungkot ako."

"Ginusto mo ba yung nangyari?" tanong ko. "inisip mo ba'ko habang nakapatong sya sa'yo? Ginawa mo ba yun dahil mahal mo sya? O ginawa mo lang dahil malungkot ka? Hindi mo ba naisip na sayang yung pinagsamahan natin? Sayang yung memories na binuo natin. Sayang yung pagmamahal na in-invest ko kung umpisa palang naman hindi mo na'ko mahal. Bakit mo pa tinuloy? Bakit mo'ko sinagot?"

Hindi ko napigilan at sumigaw na'ko habang umiiyak.

Angsakit kasi mapapatanong ka na lang kung ano ba yung kulang. Anong mali? Dahil ba sa itsura? Ugali?

"Bakit mo ginawa yun? San ba'ko nagkamali? Dahil sa sinabi ko kay Gino?"

"Leo please! Nag usap na tayo dati diyan. Basta ayoko na. hindi ikaw yung para sa'kin."

"Sabihin mo muna, dahil ba hindi kasing ganda ng katawan ni Thomas yung katawan ko? Ano?? Sana sinabi mo yung problema o yung kulang kasi handa naman akong baguhin nun para sa'yo."

"Uulitin ko Leo! Hindi ako yung deserve mo okay? Walang mali sayo."

Nakita kong yumuko sya at may tumulo na ring luha sa mga mata nya.

"Ano Grace? Basta mo na lang tinapon yung 8 months?" Dagdag ko habang umiiyak sya.

"8 months Leonardo! 8 months yung sinayang ko nung sinagot kita. Mas nanghinayang ako na sinagot kita kaysa nakipaghiwalay ako. I'm sorry Leo pero siguro naghintay na lang ako ng dahilan para makipag hiwalay sa'yo."

Tangina lang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tuloy tuloy lang yung luha ko.

"Ganun pa man alam kong nasaktan kita Leo!, Alam ko yung pinagdaanan mong hirap nung iniwan kita. Please mag move on kana. Umusad kana. I'm sorry kasi isa sa barkada mo yung mahal ko, pero hindi ikaw."

"Mahal mo ba talaga sya? Masaya kaba kapag kasama mo sya?" Ang sakit sobra.

Tinititigan kong umiiyak yung minahal ko ng sobra pero diko maiwasan kasi kahit ako hindi ko na alam yung mararamdaman.

"Oo Leo. Masaya na'ko sa iba. Bigyan mo naman ng chance yung sarili mo para sumaya ulit." Hinawakan nya yung kamay ko. At tumitig sa mata ko.

"Patawarin mo'ko Leo! Pinatagal ko pa ng 4 months bago ko lininaw lahat sayo. Mabait kang tao, hindi mo deserve ang masaktan ng ganito. Im sorry!"

Tumayo sya sa inuupuan. Habang patuloy lang ako sa pag iyak. Hawak hawak nya yung kamay ko pagkatapos lumuhod sya.

"Anong ginagawa mo Grace?"

"Alam ko yung nagawa ko Leo. Alam ko yung sakit na nararamdaman mo. Im sorry. Patawarin mo sana ako. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Matagal ko ng gustong kausapin ka pero hindi ko kaya. Buksan mo na ulit yung sarili mo para sa iba please."

Hinawakan ko sya sa braso tapos tinayo ko sya. Kahit pala inaasahan kona to. Masakit pa rin pala.

Niyakap ko sya habang umiiyak pa rin sya. "I'm sorry Leo! I'm sorry!"

Siguro tama sya. Habang ilang Segundo kaming nag iiyakan. Pakiramdam ko narinig kona lahat yung dapat kong marinig.

"No! Grace Im sorry. Masyado kong tinali yung sarili ko sayo. Wag kang mag alala. I'm ready to let you go. Wish ko sana sumaya ka, kasi Okay ako basta masya ka kahit hindi na ako yung dahilan."

Inalis kona yung pagkakayakap ko sa kanya at umalis na'ko.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon