Chapter 36: They Know

98 15 0
                                    

Alexander's POV





Pangalawang subject na pero wala pa rin si Leo.

Saan kaya nagpunta yun?

Bigla akong kinutuban.

"Ma'am Pupunta lang po ako sa C.R." sigaw ko.

Di ako humihingi ng permission Ma'am nagsasabi lang ako hahaha.

Lumabas na'ko bago pa sya tumango.

Habang papasok ng C.R. ay may nakasabay akong dalawang bakla. Hula ko lang na bakla sila bakit ba?

"Anggwapo talaga ni Nathan nakakainis." Sabi nung isa.

Pagpasok naman ay sumagot yung isa.

"Kilala mo ba yung babaeng kasama ni Nathan?"

Si Abigail kaya yung tinutukoy nila?

"Oo! Yun yung Ex-girlfriend nya! At alam mo ba, bali-balita daw na nagkabalikan na sila."

Bali-balita? Oh my God. Alam na kaya ito ni Leo?

Hindi ko na masyadong pinakinggan yung pag uusap nila at balak ko ng lumabas nang makuha ng atensyon ko yung sinabi nung isa.

"Ahhhh! Oo! Shiniship ko talaga sila, kaso sa chismis kasi na nalaman ko, ginamit lang daw ni Nathan si Leo, kasi nagmo-move on pa sya kay ate Ghorl! You know naman! Rebound rebound!"

WHAT? Ginamit nya lang si Leo?

Lumabas ako ng C.R. para hanapin si Leo dahil sigurado ako, masasktan sya pag nalaman nya yung mga to.

Sa paghahanap naman ay nakasalubong ko si Prince.

"Nakita mo na ba sya?" tanong nya sa'kin.

"Don't tell me nagcutting ka rin para hanapin si Leo?" tanong ko.

"Oo! At kaialngan natin syang mahanap as soon as possible." Sagot nya at bakas sa mukha nya ang kaba.

"Kahapon, nakita ko si Nathan na kahalikan nya yung babae."

WHAT?? What the eF is Happening?

"Si Abigail ba yung sinasabi mo?"

"Oo! At nakita sila ni Leo. Tanaw ko sa malayo na nasaktan sya sa nakita nya kasi iyak sya ng iyak." Shit! Kailangan na talaga naming makita si Leo. "Alam kong mahal nya si Nathan, matagal na, pero maraming bagay ang pumipigil sa kanya, at hindi ko sya masisisi doon."

Nakakaawa naman si Leo. Nasaan na kaya sya?

"Kung ganoon! Kailangan na talaga natin syang makita. Pinag uusapan na din kasi sila sa buong school. Hindi ko alam kung sino ang nagkakalat ng chismis pero dapat na natin syang mahanap."

Sinubukan ko syang tawagan kaso hindi nya sinasagot yung tawag ko.

Nasaan kana ba Leo?

Saktong dumating si Diane.

"Nasaan si Leo?" tanong nya sa'min.

"Hinahanap din namin sya kanina pa, pero hindi talaga namin sya makita." Sagot ko.

"Okay sige maghiwa hiwalay tayo, at hanapin natin sya."

Agad na'kong kumilos para hanapin sya.

Sinubukan kong pumunta sa lumang building.

Hindi magandang mag isa sya.

Kailangan ko syang makita.

At sa paglalakad lakad, may narinig akong dalawang lalaking nag uusap.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon