Chapter 41: Sex Scandal

132 17 0
                                    

Leo's POV











"Hindi ka muna ba mag aalmusal?" tanong ni Papa at tumigil ako sa paglalakad.

"Hindi busog pa'ko." Tumuloy na lang ako palabas kaso nagpupumilit sya.

"Leo Please! Respeto naman sa'min dito. Kumain ka muna, samahan mo kami."

Wow! The nerve of saying that word.

Lumingon ako at humarap sa kanila.

"Tapos ano? Tuturuan mo ulit ako kung paano kumilos? At kung sino sino ang mga dapat kong samahan ha?" hindi ko napigilang sumagot kay Papa. "No thanks!."

Palabas na sana ako ng bahay nang-

"So ganyan ang tinuturo ni Nathan sa'yo?" tangina bakit kailangan pa nyang magsama ng ibang tao. "Sinasabi ko sa'yo Leo, hindi maganda yan! Hindi ka dapat nakikipagrelasyon sa kapwa mo lalaki!." Pagdidiin nya.

"Ahhhhh okay? So mali yon? At ang dapat kong gayahin ang PERFECT FUCKING FAMILY na meron tayo? Na as far as I know sira na.." Tumigil ako sandali kasi hinihintay ko syang magsalita. "Kaya wag mo'kong maturuan ng dapat kong gawin kung ikaw mismo hindi mo maayos tong pamilya natin."

Lumabas na'ko ng bahay at iniwan sila. I know it's not right lalo na at nandoon si Louie at Lily.

Naglakad na lang ako papuntang school.

*phone ringing*

As soon as I heard my phone ay kinalkal ko na kaagad sa bag ko.

At sa pagkalkal ko ay nakakita ako ng isang unfamiliar notebook. Hindi ko na muna pinansin at sinagot ko yung tawag.

"Hello?" sabi ko.

"Hello! Leo! Susunduin kana dyan ni Prince malapit ng mag umpisa ang Q and A eh."

"Osige sige Diane thank you."

Pagbaba ko pala ng phone ay natanaw ko si Nathan.

Tumigil sya sa harap ko at nginitian nya'ko. "Good morning Siopao!" kaso pagsabi nya pa lang nun ay napayuko na sya. Nahiya siguro.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad.

"Susunduin ka.." Bago pa man lumabas ang mga salita sa bibig ko ay dinugtungan na nya. "Ahh, ako yung nagpumilit, gusto ko ako yung sumundo sa'yo.."

Hindi ko sya pinansin at tumuloy ako sa paglalakad.

Bigla naman nyang hinila yung braso ko.

"Wait Leo! Hayaan mo na'ko please.. Para makabawi ako...." Kung hindi lang talaga ako late.

"Tara na!"

Pagsabi ko ay bumakas sa mukha nya yung saya.

And out of nowhere nahuli ko ang sarili kong nakangiti.

Napakarupok ko nakakainis.

***

Bumaba ako kaagad at pumasok sa school.

Kaso iba ang pakiramdam ko. Bakit ganito?

Sumalubong sa'kin ang napakaraming titig ng mga estudyante.

Habang tinitignan nila ako ay may hawak silang mga papel.

"Wag mo na silang pansin Leo." Inakbayan ako ni Leo para maglakad na papunta sa Gym kaso na-curious ako kung ano yung hawak nila.

Sakto at nakita ko si Pia at Ethan.

"Pia patingin ako ng papel na hawak mo." Nagulat siya at tumingin kay Nathan.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon