Chapter 22: Is it Love?

140 15 0
                                    

Leo's POV

"Pero nice! Anggaling mong pumili ng damit!" sabi ko sa kanya.

"Oo naman alam ko naman talaga kung anong bagay sa'yo, AKO!"

Wait tama ba yung narinig ko?

"Anong sabi mo Nathan?" tanong ko naman kaagad at agad din syang umiwas ng tingin.

"Ang sabi ko ay 'Alam ko ang bagay sayo! Ako pa? Alam ko talaga yan' yan ang ibig kong sabihin." Ahh akala ko namang kung ano na ang sinasabi netong mokong na'to. "Ano bang nasa isip mo? Ha?"

Aba parang pinag iisipan pa'ko ng masama neto ah.

"Syempre wala! Tsss!" Agad ko syang iniwan at naglakad ako ng mabilis para maiwasan ko sya.

Lumingon ako para tignan sya at nakita kong nakangiti sya habang nakatitig sa'kin.

Ang cute lang.

Ay wait! Joke! Erase! Erase!

Binilisan ko pa yung lakad ko hanggang sa nakarating ako sa mga gamit pang-baby..

Naalala ko lang bigla yung sinabi ni Thomas.

Nakatitig lang ako sa mga gamit habang iniisip yung mga sinabi nya...

Kung totoong buntis si Grace. Bakit naghiwalay pa rin sila? Bakit iniwan pa rin ni Thomas si Grace?

"Huy! Nasa bahay na 'yang isip mo ah! Ang layo na ng narating!" Biglang sulpot naman ni Nathan.

"Hindi! Naalala ko kasi, buntis nga pala si Grace! Nabuntis kasi sya ni Thomas eh!"

Naisip ko lang na nasa four months na rin siguro yung dinadala ni Grace.

"Talaga? Pinanindigan ba nya?" Tanong naman nya.

"Actually 'yan nga yung iniisip ko eh. 'Pag nagkataon kawawa yung baby. Ang sabi kasi ni Thomas hiwalay na sila ni Grace."

Sagot ko habang nag iisip ng malalim.

Ang strange lang ng feeling na hindi na pala ako naapektuhan about kay Grace ngayon.

"Wait! Don't tell me may nararamdaman ka pa rin para kay Grace?" Agad na tinanong ni Nathan.

"Hindi! Ano ka ba! Concern na lang din siguro ako sa kanya. Konti konti natatanggap ko na rin naman eh." Sagot ko sa kanya. "Andun pa rin naman yung love kaso siguro unti unti ay nawawala na."

Tumango na lang sya kaagad at balak na sana naming umalis nang makita namin bigla si Prince.

"Pri-" Tatawagin na sana sya ni Nathan kaso tinakpan ko yung bibig nya at hinila ko sya pababa para hindi nya kami makita. "Anong ginagawa mo?"

"Gugulatin natin sya! HAHAHAHA" Natatawa lang ako sa naisip kong gawin.

Sumisilip si Nathan kaso hinila ko sya at napalapit yung mukha nya sa mukha ko.

Shit! Ang bango bango nya! Bakit ganito! Ang sarap nyang amuyin.

Parang ayoko ng umalis sa posisyon na'to.

"Baka matunaw ako ah! Pero okay lang hindi kita masisisi gwapo ako eh!" Natulak ko kaagad sya nung bigla akong natauhan.

"Tanga hinila lang kita baka makita ka ni Prince edi hindi na nakakagulat!" sagot ko na lang sa kanya.

Tumayo ako ng bahagya para sumilip kung nasaan na si Prince.

Nakita ko syang nakapila na sa cashier. Ang bilis nya namang makarating doon.

Kitang kita ko na bumili sya ng crib at ilang gamit pang baby.

Teka nga parang may hindi tama dito ah.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon