Chapter 27: Siopao

119 11 4
                                    

Leo's POV

Lumapit sa'min si Nathan. Nagtataka lang ako kasi naglalakad na sya ng maayos.

"Buti nakakapaglakad ka na?" tanong ni Alex.

"Okay na'ko! Nandito na yung Siopao ko!" Sagot ni Nathan sabay kurot nya sa pisngi ko.

Gago! Naramdaman ko nanaman yung init sa mukha ko. And isa pa mukhang nakita ng lahat ng tao sa Gym yun.

Nagsigawan sila eh.

Nakakahiya shit!.

"Panoorin mo'kong talunin sila, upo ka lang dyan!" Nginitian nya muna ako at pumasok na sya.

Nahuli ko na lang yung sarili kong nakangiti.

"Ayun eh kiligz naman sya eh!" sigaw nila Pat.

"Baliw talaga kayo!" yan na lang yung nasagot ko at umupo na'ko.

Ilang sandali lang ay lumapit yung pinsan ni Nathan na akala kong Ex nya.

"Hi I'm Nadine by the way!" pagkatapos ay inabot nya yung kamay nya. "You must be Leonardo right?"

Agad akong tumango at umusog ng konti bago sya umupo.

"Madalas kang kinukwento ni Nathan!" agad nya namang sinabi pagka upo nya.

"Napaka importante mo sa kanya alam mo ba yun?" Nagulat ako sa mga sinabi nya kaya napatingin ako.  "Lagi syang nagkukwento about sa'yo, the way you smile and also the way you make him smile." Bakit ako kinukwento ni Nathan sa pinsan nya?

Hindi ako makapag salita dahil nahihiya ako at hindi ko rin alam ang sasabihin.

"Wag mong sasabihing kinwento ko ah!" Tumango ako kaagad habang nag iisip ng mga dahilan kung bakit nya'ko kinukwento sa ibang tao.

Bumasag naman sa katahimikan ko ay ang sigawan ng mga tao.

Tinignan ko yung score board at nakakahabol na ang Silvester University.

"GO Nathan!!" sigaw nila Pat.

Lamang pa rin ng dalawa ang mga kalaban.

Silvester U – 80

Anderson U – 82

Ilang segundo na lang pala matatapos na yung laro.

"30 seconds!" Sigaw nung announcer.

"Pagcheer mo sya!" agad akong kinalabit ni Nadine. Nahihiya akong mag cheer eh.

Hawak ni Nathan yung bola at nakapwesto sya sa three-point line.

"Dali na Leo! Para ma-shoot nya!" pagpipilit ni Nadine. Kaso ayoko pa rin nahihiya ako.

Tinira ni Nathan at pumalya. Nakuha ng kalaban yung bola.

Nakakalungkot lang kasi konting oras na lang. Titira na yung kalaban ng ma-block naman ng kakampi ni Nathan.

Hawak ni Joshua yung bola at tumatakbo na sila papunta sa kabilang ring.

"This time kailangan mo na syang ipag-cheer Leo! Or else papalya nanaman yan." Tinignan ko si Nadine sandali at linipat kay Nathan yung tingin.

"Last 10 seconds!" sigaw nung announcer.

"Now Leo Now!"

"10! 9!"

Shit hawak na ni Nathan yung bola ulit. Nakapwesto na sya sa three-point line.

"7!"

Tumingin sa'kin si Nathan at biglang tumahimik ang paligid.

Shit sakto pa talaga.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon