Chapter 19: Fame

127 11 0
                                    

Leo's POV





Naglalakad na'ko palabas ng school.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit kailangang mangyari ng mga to.

Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat?

May gusto sa'kin si Thomas dati pa. Bakit hindi sumagi sa isip ko yun?

At isa pa? Buntis si Grace?

What the hell is happening?

Parang kailan lang, pino problema ko is si Grace. Tapos yung nararamdaman ko na kakaiba.. Tapos sumunod yung mga nangungulit sa'kin.

And now? Gusto talaga ako ni Thomas?

Sa lahat ng mga nangyayari na'to, gusto ko na lang humiga sa kama ko.

Diko namalayan, naglalakad na lang pala ako pauwi ng bahay at natatanaw ko na yung gate namin.

Nakita ko si Papa, may kausap na ibang lalaki. Familiar yung itsura nung lalaki.

Habang papalapit pa'ko ay lumilinaw na kung sino yun.. Yun yung tito ni Nathan..

Kaso bakit parang nag aaway sila? Kitang kita ko mula sa pwesto ko na nagmamakaawa si Papa kaso ayaw syang pakinggan..

Anong nangyayari?

Umalis na si Tito Jonathan, at lumapit na'ko kay Papa.

"Pa? Anong nangyayari? Anong ginawa sa'yo nung tito ni Nathan?" tanong ko kay Papa.

Umiwas naman sya kaagad ng tingin.

"Wala yun anak." Sagot nya.

"Pa! Wag ka namang mag sinungaling sa'kin oh." Tumingin sa mata ko si Papa. "Kung wala lang yun, bakit ka nagmamakaawa sa kanya?"

Inalis nya yung pagkakatitig sa mata ko. "Nagmamakaawa ako na umattend sya ng reunion namin. Sabi nya kasi hindi sya makakarating eh. Nagmakaawa ako kasi, most requested sya."

"Kinabahan naman ako Pa! Osige pasok na'ko sa loob, at wala po pala akong ganang kumain ng dinner Pa! Magpapahinga na'ko."

Pag akyat ko ng kwarto nahiga na'ko kaagad.

Chineck ko yung phone ko if anong oras na. 6PM na rin pala.

Nagulat ako kasi ang dami ring missed calls at texts..

Galing kay Nathan at Diane pala.

Wala ako sa mood. Ayoko munang makipag usap sakanila ngayon.

Gusto ko na lang munang magpahinga.

***

Alexander's POV

"Baby ko! Ilove you okay?" kanina pa'ko naririndi sa pinsan kong 'to.

"Iloveyoutoo baby loves ko." Sagot naman netong si 2J.

"Hoy Kyle!" Tumingin kaagad si Kyle. "Hoy John Joseph Hipolito!" Napatingin din si tanga. "Aware naman kayo na nasa public place tayo diba? Diba?" Napakaharot.

Bakit ba kasi eto pa yung nakasama ko dito. Si Prince yung partner ko eh, Hays.

"Inggit ka lang wala ka kasing jowa." Sagot sa'kin ni Kyle.

"Tanga! Masaya ako kahit single ako." Tsaka ko sila inirapan.

"Nasan na ba kasi yang partner mo?" Tanong ni 2J. mag p-practice kasi kami dapat ni Prince ng swimming ngayon kaso hindi sya nag rereply kanina pa.

"Hindi pa nagrereply eh, maya maya tatawagan ko na." nasan naba kasi tong Prince na'to.

"Kung ganon nandito na rin naman tayo sa convenience store bibili na'ko ng pagkain, gutom na'ko." Sabay tayo ni Kyle.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon