Chapter 9: By Pair

196 24 2
                                    

Leo's POV

Halos isang linggong napaka busy din ang lumipas pero sa loob nito, marami akong napansin.

May isang linggo na rin kasi akong hindi kinakausap ni Nathan. Habang si Grace? 1 week kona rin syang hindi nakikitang pumapasok. Sabi nila titigil na sya sa pag aaral.

Medyo naguguluhan ako kasi, kahit papaano dapat masaya ako. Dapat natutuwa ako na hiwalay na sila ni Thomas.

Sobrang daming tanong sa isip ko. SIguro mas makabubuti kung kakausapin ko sya.

Tinawagan ko sya, and nice kasi hindi pa sya nagpapalit ng number.

"Hello?" bungad ko sa kanya. "Ahm.. Grace! Si Leo to. Can we talk?"

Medyo matagal bago sya magsalita pero sumagot din sya. "Yeah Sure. Mag meet na lang tayo mamaya. Sa café ,malapit sa school."

"Oh yeah, ofcourse. Let's say 4? After ng klase ko."

*end call*

Sa maraming tanong na nasa isip ko. Alam kong si Grace lang yung makakasagot nun.

Naka uniform na'ko, at pababa na'ko ng kwarto ko nang makita kong umiiyak si Papa sa sala.

"Pa? anong problema?" Agad ko siyang tinanong. At bumaba na rin sila Lily at Louie sa kwarto na agad ding pumunta sa'min ni Papa.

"Pa? bakit kayo umiiyak?" sabi ni Louie.

"Maghihiwalay na kami ng Mama nyo." Sagot ni Papa na annggulat sa'ming tatl. Pero bakit? Alam ko masaya pa sila eh. Bakit parang biglaan?

"Malelate na kayo, umalis na kayo." Tumayo si Papa at naglakad palayo sa'min.

"Pa!, sabihin nyo muna kung anong nangyari?" sinigaw ko ng konti kasi parang wala syang balak sabihin sa'min.

"Basta! Basta Ayaw na ng Mama nyo at nakikipaghiwalay na sya!" Tsaka na sya tuluyang umakyat at pumasok sa kwarto nya.

"Kuya? Paano na nyan?" tanong ni Lily habang umiiyak.

"Akong bahala okay? Sa ngayon problemahin nyo na muna yung mga schoolworks nyo." Sagot ko kay Lily. Habang si Louie naman pinipigilan yung nararmdaman.

***

*bell rings*

Lunch Time na namin pero hindi pa rin ako mapakali. Ilang beses kong tinawagan si Mama pero hindi sya sumasagot. Hindi ko alam kung kakain pa ba'ko.

Kasama ko si Prince papuntang canteen habang si Nathan naman kasama nya sila Pat at Alex. May gagawin silang report.

Kahit wala naman silang gagawin na report hindi rin naman ako lalapitan ni Nathan. Kung ako lang, hindi ko sya kakausapin kung hindi nya'ko kakausapin. Singkatigas kami.

Pagdating namin ng Canteen, kumain na kami kaagad. Habang si Prince panay ang text, hindi na nya mabitawan yung phone nya.

"Sino ba kasi yang kausap mo?" tanong ko sa kanya na nagpagulat sa kanya.

"Ah wala, sila Pat lang nagpapatulong sa report nila." Sagot nya at binaba nya kaagad yung phone nya.

"Ikaw? Anong nangyari sa'yo? Bakit kanina ka pa matamlay at wala sa mood?" tanong sa'kin.

Huminga ako ng malalim. "Si Papa kasi, sabi nya nakikipaghiwalay na daw si Mama."

"Nakausap mo na ba yung Mama mo?"

"Actually Prince, naka ilang missed call na rin ako pero hindi sya sumasagot." Sagot ko na halatang nag aalala din si Prince.

"Wag ka na munang magworry kung maghihiwalay yung parents mo, but I'm not saying na sure na talaga silang maghihiwalay, all I'm tryna say is that, lahat ng desisyon ng mga magulang natin is lagi namang yung makakabuti para sa'tin." Medyo hindi ko inaasahang sasabihin to ni Prince ah.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon